SQ21: Backup

2 0 0
                                    

Third Person's POV

"Ahh!" Hiyaw ni Kiel nang tumama sa mga bato matapos magtamo ng malakas na sipa mula kay Maskara.

"Bakit kasi di ka pa mamatay Ezekiel? Masyado mong pinapahirapan ang sarili mo" turan ni Maskara habang pinupunasan ang gilid ng labi na may rumaragasang dugo.

May makapal na usok na pumaligid sa kanila, dulot ng malakas na pagsalampak ni Kiel sa batuhan. Walang narinig na tugon si Maskara kaya bahagya siyang humakbang pasulong ngunit di pa man nakakadalawang hakbang ay sinalubong siya ng dalawang palaso na nagmula kay Kiel na ngayon ay nakaluhod na ang kanang binti. Nagawang iwasan ni Maskara ang isa ngunit ang isa ay tumama sa kanyang kaliwang balikat at bumaon dito.

"Bakit di ka maunang hayop ka" gigil na turan ng guro sa kalaban, nabakasan niya ng inis ang kaharap na Qster pero imbes na sigaw ay pagak itong tumawa.

"Kahit na mapatay mo ako, tingin mo panalo ka na? Nakalimutan mo atang nandito din si Anino. At maaaring sa mga oras na ito ay iniinom na niya ang dugo ng natitirang estudyante mo!" Kasabay ng mabilis napagsugod ay mabilis din ang paglukob ng galit sa sistema ng guro, agad niyang ginawang dambuhalang hammer ang kanyang pana atsaka hinampas sa kaliwang pisngi ang kalaban, hinambalos niya din ito sa baba paitaas at sa kanyang sikmura. Dahil dito ay tumalsik ito ng ilang milya.

"Hindi, hinding-hindi mapapatay ni Anino ang kahit na sino sa mga estudyante ko. He can possibly hurt them, but not kill them" turan niya, nahihirapang tumayo si Maskara atsaka sumugod sa kanya. Sinuntok siya nito ngunit nailagan niya at ito ang kinuha niyang pagkakataon upang sipain ang sikmura nito paitaas at hambalusin ang likuran nito pabagsak sa lupa atsaka niya muling hinampas na parang bola ng gulf.

"H-H-Hindi ka n-nakakasiguro tungkol diyan, dahil gaya mo mahihina sila!! Kaya walang dudang mapapatay niya sila!" Nahihirapang sigaw nito kay Kiel, pero bago pa man makasugod ang guro ay isang napakahabang buhok ang pumulupot sa kanyang leeg, mga braso at binti.

"Masyado mong ginagalingan baby Kiel" malanding turan ng isang babae mula sa kanyang likuran. Bago pa man siya makareact ay naihagis na siya palayo sa kalabang si Maskara.

"Your body grown more huge, baby. At mas gumwapo ka pa, I wonder if those biceps would choke me at night, on your bed or mine" bakas sa pananalita ng babae ang matinding pagnanasa sa guro na ngayo'y kasalukuyang tumatayo.

"Kahit hindi gabi at wala tayo sa kama ay sasakalin kita Medusa, gamit kadenang bakal nga lang" nakangising tugon ng guro habang inihahanda ang sarili sa pagsugod ng dalawang kalaban.

"Class, I need you guys to work as a team. Fight as one Aureum" bulong niya sa sarili bago saluhin ang atake nila Medusa at Maskara.


****



"Youth nowadays are being so competitive and brave, huh? Pero hindi sapat ang lakas ninyo para talunin ako, if we're going to compare hindi pa kayo nakaka-abot sa tuhod ko" mahabang lintaya ni Anino sa mga estudyanteng nasa kanyang harapan, binigyan siya ng mga ito ng masasamang tingin, bakas man ang pagod at sakit sa kanilang mga mukha ay di nakikitaan ng takot at pagsuko ang mga bata.

"Ang yabang mong t*ng*na ka! G**o!" Sigaw ni Bruce habang hawak ang kanyang braso.

"Matabil ang dila mo, ni hindi mo nga magawang suntukin ako" susugod na sana ang binata nang dahil sa narinig ngunit pinigilan siya ni Summer na nasa tabi niya.

"Wag ka nang pumatol sa kanya, he's just luring you" galit na bulong ng dalaga na sinangayunan ng lahat.

"We need a solid plan, a plan for us to defeat him and win against him" sabi ni Sketch. Hinang-hina na tumingin sa kanya si Jazz na mahigpit pa din ang hawak sa matulis na bato.

Specimen Q (On-going) Kde žijí příběhy. Začni objevovat