SQ23: Another Trip

5 0 0
                                    

Jazz's POV

"Paabot naman nung manok" pakisuyo sakin ni Clarenet habang nginunguso ang pwesto ng fried chicken, natawa ako bago ko kinuha ang plato at inilahad sa kanya. The 11 of us are here in the dining table, kumakain kami ng mga pagkaing inihanda ni Sir. Kiel at ng mga kaibigan niya.

At dahil sa pagod at sakit na naranasan namin kanina ngayon ay para kaming mga leon na ilang araw walang kain, kahit ako ay napapabilis ang subo sa masasarap na pagkaing nakahain sa amin ngayon, wala na kaming mga sugat at pasa, wala na ding masakit sa akin kaya malayo ko nang naigagalaw ang mga braso kong bugbog kanina lang.

Habang kumakain ay nagawi ang tingin ko kay Chanel na nasa tabi ko, natigilan ako nang makita kung paano siya kumain, she's calm and still prim and proper kahit halatang sabik siya sa pagkain, ganun din si Sketch at Axis. Kahit ang kambal nga eh na ubod ng arte ay sunod-sunod sumubo ngayon eh pero silang tatlo stay still pa din ang mga drama.

"Kids, hinay-hinay. Walang aagaw sa mga yan" may ngiti sa labing sabi ni Sir. Kiel atsaka inilapag ang pitsel ng juice sa mesa, kasama niyang dumating si Ms. Gwyneth na may dalang pinggan na puno ng barbeque na lalong nagpasabik kila Bruce, Sum, at Clyde kaya halos mag-agawan ang mga ito.

"Oyy kalma, mga lokong toh" natatawang awat ni Thorn.

"Pagpasensyahan niyo na po mga kaklase ko" nahihiyang ko sa mga nakakatanda sa kanila.

"Don't mind it, hija. We understand that you and your friends are hungry, nakipagsagupaan lang naman kayo sa mga Qsters" nakangiting sabi ni Ms. Clara.

"We're not friends, we're in just in a same class" Sketch butt in before putting a neat on his mouth, nagkatinginan naman sila Sir. Kiel at kanyang mga kaibigan sa tinuran ni Sketch.

"Owkay, sabi mo eh. Anyways nasabi na ni Sir. Kiel ninyo kung saan kayo papunta and yun nga lang napurnada gawa ng mga hayup na Qsters na yun. But don't worry, we know a place na alam naming magugustuhan ninyo doon. That place is safe, sasama na din kami" sabi naman ni Ms. Gwen na ikinapalakpak pa ng iba sa amin, including those two elder twins.

"Oyy kayong dalawa magtigil kayo, para kayong mga bata" saway ni Ms. Gwen sa kanila.

"May tanong po sana ako, kung okay lang" sabi ni Thorn.

"Nagtatanong ka na nga eh-ouch!" Pamimilosopo ni Sir. East kaya agad siyang binatukan ng kakambal niya.

"Pasensya ka na sa kakambal ko ah, wag mo pansinin yan ampangit lang niyan eh" sabi ni Sir. West.

"Ano ba yung tanong mo Thorn?" Tanong ni Sir. Kiel.

"Itatanong ko lang po sana kung anong mga Qbilities ninyo, yun ay kung ayos lang" sagot nito.

"Yun lang ba? Pwes ang tawag sa Qbility ko ay Duplication, I can make more than two of any parts of my body" napa 'wow' naman kami nang marinig ang sinabi ni Sir. East.

"Kung ang kakambal ko ay kayang doblehin ang parte ng katawan niya ako naman kaya kung alisin ang mga ito mula sa katawan ko, I can also pass through walls, floors, or any concrete structures, we call Intangibility" sabi naman ni Sir. West.

"Mine is Called healing, using my hair I can directly heal anyone, but only if it's injury or wound, di ko pa kayang gumamot ng mga sakit such as cancer or anything else" sabi naman ni Ms. Clara.

"Yung Qbility ko it's not that cool as them" sabi ni Ms. Gwen.

"Gwen don't say that" awat ni Sir. Kiel sa malambing na boses kaya medyo napaatras ang ulo, what's with the tone?

"I have Electrokinesis, I can control electricity and I can also convert my energy to electricity. As simple as that" she stated.

"No it's not, if you don't have self control that kind of ability has a very huge disadvantage, but based on how you use it I can see you're great, you're like a human generator or an extension circuit" sabi ni Sketch, bigla kami natahimik sa sinabi niya.

"Kiel, do I have to take that as a compliment or an insult?" Tanong ni Ms. Gwen kay Sir na nasa tabi niya.

"Ay, hehe. Ms. Gwen compliment po yun, oo. Ganun po talaga siya mang compliment medyo kakaiba, unique ika nga" naiilang kong sagot.

"Wow ah, so touching niya naman mang compliment" sagot nito sakin.

"What are you saying? I'm not complimenting anyone, that's called facts-"

"Manahimik ka na oo, matusta pa tayo dito" nasabi ko tsaka siya sinubuan ng ubas, shuta napaka-ewan talaga ng lalaking toh.

"So now that you already know what their Qbility, we would like to tell you something" uminom si Sir. Kiel ng tubig bago magsalita ulit "Para naman hindi sayang ang pag-alis natin, we're taking you somewhere na-"

"Ay naku sir! Magtigil last time na narinig ko yan nabugbog kami ng maskuladong anino kaya no na no for us na yan, forda jumbag na kami a while ago" putol ni Sum sa sinasabi ni Sir kaya natawa ang ilan sa amin, ilang namang ngumiti si Clarenet atsaka kinurot si Sum sa hita na kinahiyaw naman neto.

"Bakla ka dati ka bang alimango? Sakit mo mangurot!" Reklamo nito.

"Ikaw ang bakla, shuta ka di ka na nahiya. Sir, wag mo po pansinin itong mutant na ito let's proceed on what you're saying" sabi ni Clarenet.

"Maka-mutant, bakit normal ka? Ako lang ba ang mutant dito?" Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Sum, maging ang mga kaibigan ni Sir. Kiel.

"Kiel, pare tell me araw-araw ba ganito 'tong mga toh?" Natatawang tanong ni Mr. West.

"Tama na yan, as I said earlier pupunta tayo sa lugar na tanging mga parte lang ng Aureum Section ang nakakaalam. Maging ang mga dati nitong estudyante at don't worry di kayo mapapahamak dito" sabi ni Sir, bigla naman ako na excite, sana naman this time wala nang aberya gusto ko na mag-relax at mag-enjoy.

"Sana naman it's not like what happened earlier Sir, ah. Ang scary kasi" sabi ni Chanel na nakapagpatigil sa lahat.

"Jusko, Clara may ginawang kagaya mo ang poong may kapal" sabi ni Ms. Gwen kaya hinampas siya ni Ms. Clara sa balikat.

"Stop, you're nakakahiya" lalo kaming natawa sa naging reaksyon ng kaibigan niya, binilisan na namin ang pagkain para gumayak na.




Specimen Q (On-going) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ