SQ2: Cheated

13 3 0
                                    

"Good morning" sabi ko habang naguubay-unat sa kama ko, kagigising ko lang and it's already 5:30, medyo maaga ako magising dahil tumutulong ako kay Yaya sa paghahanda ng agahan.

Tumayo na ako at dederetso sana sa banyo nang makarinig ako ng malakas na katok sa pinto kaya pinuntahan ko ito at binuksan.

"Sino ya-"

"Paano nangyari yun ha?" Nagulat ako nang sumalubong sakin ang mukha ni Yonice, di pa niya tinatanggal yung mask na nilalagay pang skincare kaya may gulat factor sakin. Ikaw kaya sa madaling araw puting mukha sasalubong sayo.

"I said paano nangyari yun?!" Inis na sigaw niya.

"Teka nga, ano ba sinasabi mo?" Tanong ko.

"I'm asking you paano nangyari yun? Paano ka nakapasok sa Aureum Section at ako hindi?! Knowing na ang laki ng lamang ko sayo, mas matalino ako at mas maganda, mas mayaman!" Galit na galit na turan niya at sa totoo lang di ko alam sasabihin ko.

"Yonice, you know what. I don't even know what to answer, kasi di ko din alam" sagot ko.

"Liar! I'm sure na nacheat ka kaya ka nakapasok!"-Yonice.

"No! Hindi ko ugaliing mangopya, alam mo yan" depensa ko.

"Wag ako ang lokohin mo Jazz alam ko yang mga ganyang galawan!"

"Why? Kasi gawain mo? You know what Yonice di purkit gawain mo gawain din ng iba!" The moment was cutted when she slapped me, napakuyom ang mga kamao ko sa ginawa niya.

"Anong sabi mo?! Hindi ako nangongopya! Walanghiya ka talaga!" Hinatak niya ang buhok ko kaya pilit ko itong tinatanggal pero ang tindi ng kapit niya.

"Naku! Ano bang nangyayari dito?! Yonice, Yonice bitawan mo si Jazz ano ka ba? Bitaw na bitaw!" Inawat kami ni Yaya Magda kaya nabitawan niya ako.

"What's happening here?" Tanong ni Tita Rebecca na kakalabas lang sa kwarto niya.

"Pagsabihan niyo yang pamangkin niyo Mom, nakapasok lang sa Aureum Section akala mo kung sino na makapagsalita!" Gigil na turan niya.

"Jazz ano bang ginawa mo sa anak ko? Ha?" Tanong sakin ni Tita.

"Tita wala akong ginawa sa kanya, she's throwing accusations to me. Na nangdaya daw ako, nangopya kaya nakapasok ako sa-"

"Na baka totoo naman!" She cut me off.

"W-What?" Nasabi ko.

"Jazz kahit ako di ako makapaniwala na nakapasok ka sa section na yan, kaya aminin mo na ngayon wag kang manloko ng mga tao" para akong sinakluban ng langit sa narinig ko, seriously? Tingin niya kaya kong manloko ng tao?

"I didn't do anything Tita, hindi ako nandaya. Yonice bakit ba ganyan ka? Why are you pushing that fake scenario? Kahit ako di ko din naman alam bakit ako nakapasok sa section na yun eh! Naiinggit ka ba-"

"How dare you!" Tita cut me off using her palm slapping my face.

"Rebecca!" Saway ni Yaya sa kanya tsaka ako niyakap.

"Kapal ng mukha mong sabihing naiinggit ang sayo anak ko! Bakit may kinalamang ka ba?! Ha?! Kahit saang aspeto wala kang kinalamang sa anak ko!" She said.

"Kahit wala na ang kapatid ko patuloy pa din siya sa paghahasik ng kademonyahan, wala nga siya rito pero iniwan niya lahat ng kasamaan niya sayo na anak niya! Parehong pareho kayong mag-ina!" Lalo akong nalugmok sa narinig ko sa kanya, I looked at her blankly and stand straight.

"Ano lalaban ka na?!" Sigaw niya sakin.

"If only you can see yourself Tita, if only you can see yourself" tatango-tangong sabi ko at papasok na sana sa kwarto ko nang marinig ang pagsasalita ni Yonice.

Specimen Q (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon