SQ18: TRIP

2 0 0
                                    

Third Person's POV

It's already 5:40 am, Jazz is busy preparing herself in front of a mirror on her room. She's wearing a khaki loose pants na high waisted, she paired it with a simple printed shirt na crop top ang style. Gaya ng palaging ayos ng kanyang buhok, nakatali ngayon ito at hinayaan niyang bumagsak ang manipis niyang bangs na medyo umaabot na sa kanyang mga mata. Jazz is indeed a beautiful woman, di lang ito agad napapansin dahil di siya kagaya ng kambal ng Ibarra na puno ng koloreta ang mukha o gaya ni Chanel na nagliliwanag ang maaliwalas na mukha dahil sa buhok nitong hindi tumatakip sa kanyang mukha.

Jazz's has this pair of brown black eyes na bagamat karanaiwan ngunit nagbibigay alindog sa mala-perpektong mukha ng dalaga, hindi siya maputi ngunit hindi din naman maitim, her color is like a sweet caramel na nagpapakilala sa dalaga.

"Maglagay tayo nito" pagkausap niya sa kanyang sarili habang naglalagay ng lip gloss sa kanyang labi, she don't need to put colorful lips products on her lips because it's reddish on it's own, she only put gloss to add some effects on it, naglagay din siya ng manipis na foundation at blush on to make her face more lively.

Sa totoo lang ay hindi ganun ka-komportable ang dalaga dahil hindi naman talaga siya naglalagay ng kung anu-anong produkto sa kanyang mukha pwera nalang kung kailangan sa mga sinasalihan niyang dance contest.

She stare at her reflection in the mirror, she's not sure about how she feels everytime she look at herself, di niya tiyak kung ano mararamdaman niya. Kung dapat ba siyang maging masaya dahil nabiyayaan siya ng napakagandang itsura? O lungkot na dala ng pangungulila dahil di niya tiyak kung kanino niya ito namana.

"This is my first trip na hindi para sa kompitisyon or school activities, this is my first trip na ang dahilan ay kasiyahan. Ma, Pa I hope you guys are here para naman mapayuhan niyo ako ano ang mga dapat kong gawin" mapait siyang ngumiti, sa ilang taong lumipas, Jazz already accepted that she has no longer a family, wala siyang pamilya kahit na nariyan sa kanyang tabi si Rebecca na kapatid ng kanyang ina, but her aunt never treat her right, kahit minsan di nito pinaramdam sa kanya na parte siya ng pamilya.

Tatlong katok ang narinig niya mula sa pinto ng silid kaya agad siyang tumugon upang patuluyin ito.

"Jazz anak, di ka pa ba aalis? Ang sabi mo 6 kayo magkikita-kita ng mga kaklase mo hindi ba? May kaunti akong inihanda upang may baunin ka naman at may maipamahagi sa mga kaibigan mo" nanlaki ang kanyang mata sa tinuran ng kanyang Yaya Magda, kaya agad siyang lumapit dito.

"Ya naman, sabi ko po wag na diba? Baka mapagalitan pa tayo ni Tita" sabi niya sa ginang.

"Wag mo isipin iyon, pera ko naman ang ipinangbili ko kaya hayaan mo na" sagot nito na mas lalo niyang ikinabahala.

"Edi mas lalong hindi okay, Yaya naman eh di mo naman kailangan gawin iyon" sabi niya pa.

"Jazz, hayaan mo na ako. Okay? Mabait kang bata, ngayon ka lang aalis para magsaya at hindi para sa pagaaral o para kumita ng pera. Hayaan mong iparanas ko sayo kung ano ang ginagawa ko sa mga anak ko kapag sumasama sila sa field trip ba yun? Oo yun nga, alam naman natin na di ka pinapasama ni Rebecca sa mga ganun kaya nga nagtaka ako nang pumayag siya" mahabang lintaya ni Magda kaya di makasagot si Jazz.

"Pero-"

"Ay naku tama na ang katwiran. Tanggapin mo nalang kasi nandiyan na" tila naiinip na putol sa kanya nito kaya napangiti ang dalaga.

"Salamat Ya, da best ka talaga" nakangiting sabi niya sa matanda tsaka ito niyakap. May naisip siyang isang bagay kaya tinanggal niya ang tali ng kanyang buhok at kinuha ang puting panyo na ginawa ni Magda para sa kanya.

"Pwede niyo po bang itali ito sa buhok ko? Para perfect na ang OOTD ko?" Agad naman tumango ito sa kanyang pakiusap. Pagkatapos ayusin ang kanyang buhok ay bumaba na sila. Itinali niya muna sa kanyang bewang ang sweater na binigay sa kanya ng kanyang ina at isinukbit sa kanyang kanang balikat ang may kalakihang bag.

Specimen Q (On-going) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin