SQ15: Performance

5 1 0
                                    

Jazz's POV

Today's the day that we're going to show everyone what we've been practicing for couple of weeks. Ngayong araw na ang kumpitisyon at ilang minuto nalang ay magsisimula na kaya dama ko ang kaba ng mga kasamahan ko.

Lahat kami nakabihis na, nilalagyan nalang ng manipis na make-up sina Thorn at Bruce na halata ang mga inis sa mukha habang minemake-upan sila ng kambal.

"Ano ba pwede bang wag na yan? Kainis naman eh" kunot noong reklamo ni Bruce sabay iwas ng mukha niya pero pwersahan itong hinila pabalik ni Summer.

"What I hate the most is those people who doesn't appreciate the importance of make up, do you want me to kill you, huh?" Mataray na sabi niya.

"Mama mo makeup" sabi nalang ni Bruce.

"Jazzy you look beautiful" biglang kumapit sa braso ko si Chanel kaya napatingin ako sa kanya, Chanel is undoubtedly beautiful yung tipong kapag nakita mo yung maaliwalas niyang mukha mapapabilang ka talaga ng mga kasalanan mo.

"Ikaw din naman" I replied, anyways ang kulay ng suot namin ay black and white, pero mas nangingibabaw ang itim. Kumbaga ang white parts ay may black prints kasi kaya ganun, it's print is looks like a magazine font, parang sulat sa mga magazine yung print. I'm wearing a black jacket na printed na gaya ng sinabi ko kanina, baka tube ako sa loob ng jacket at high waisted shorts tas boots na hanggang tuhod.

Si Chanel naman ay nakasuot ng printed dress na spaghetti straps sana pero nagsuot siya ng see through long sleeves top bago sinuot ang dress kumbaga nakapatong yung dress niya tapos naka  short cut boots siya. Tiningnan ko ang iba pa at ang gaganda din ng mga suot nila, Clarenet is wearing a black pants match with printed turtleneck long sleeves top. Summer is wearing a sleeveless printed top tapos printed din ang skirt niya na may maiksing slit both sides of her legs, may suot siyang belt na may malaking logo ng Louis Vuitton. Yung kakambal niya naman ay printed croptop na long sleeves shirt na fit sa katawan niya, naka short din siya gaya ko pero makintab yung kanya.

Yung sa mga lalaki naman ay ang gaganda din ng suot nila, Sum is wearing a printed cargo pants na itinerno niya sa simpleng black long sleeves shirt, yung kay Bruce naman ay sleeveless printed jacket tapos itim na sando sa loob at itim na Jagger pants. Yung kay Thorn naman ay long sleeves polo na may kagayang print tapos may suot siyang turtle neck na kulay itim sa loob tapos itenerno niya ito sa ripped jeans na kulay itim, si Clyde naman ay naka brush up ang buhok niya ngayon, he's wearing a short sleeves printed polo pero pinailaliman din ng itim na fitted long sleeves shirt tas naka itim na trousers siya at si Axis naman ay nakasuot ng simpleng printed long sleeve polo na may itim na bulsa sa magkabilang dibdib naka high waist trousers siya kung saan itinuck in ang pang-itaas niya kaya kita ngayon ang hulma ng katawan niya, he got no waist sa sobrang liit.

"Hayst magsisimula na pero wala pa din si Sketch, asan na ba yung lokong yun" iritableng sambit ni Clarenet.

"Baka naman panindigan niya pangalan niya ah, drawing" tiningnan ko naman nang may panghuhusga si Sum dahil sa sinabi niya.

"HAHAHA oh ayan tumawa ako Sum ah, wala na akong pagkukulang sayo bilang kaklase mo" nangaasar na sambit ni Thorn.

"I'm here" biglang sumulpot si Sketch na ngayo'y halata sa mukha ang hingal at pagod, napahawak pa siya sandali sa tuhod niya bago muling tumayo ng tuhod.

"Buti naman at dumating ka na" mataray na sabi ni Clarenet.

"Stop barking, Lopez. Where's my clothes?" Sabi niya tsaka inabot sa kanya ni Clyde ang mga susuotin niya, kinuha ko ang isang bote ng tubig at inabot yun sa kanya.

"Inumin mo mukhang mamamatay ka na eh" sabi ko, di na siya sumagot nilagok ang laman ng bote tsaka nagpunta sa likod ng kurtina kung saan kami nagbibihis.

Specimen Q (On-going) Where stories live. Discover now