Unti unti ako dumilat ng kinanta namin ang part na yan.Bakit may nakikita akong pag sisisi at pang hihinayang sa mata ni Jiro?Bakit hangang ngayon siya parin ang mahal ko?


Ikaw lang ang tunay na minamahal

Ikaw lang hinihintay

ko ng kaytagal.


Nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Jiro habang kinakanta niya yan dahil hinila niya ako at nang makalapit ako ng tuluyan sa kanya ay hinawakan niya ang pisngi ko.Napapikit na lang ako ng ginawa niya yun at kumanta.


Ikaw ang ligaya, 

Ang buhay at pag-asa

Ikaw lang, wala ng iba

kaya't


Bawat bigkas ko sa mga yan ay puno ng emosyon hindi ko namalayan na nakahawak na ako sa mga kamay niya na nakahawak sa pisngi ko,nasa ganung posisyon kami hangang matapos ang kanta.


Ikaw ang ligaya,
Ang buhay at pag-asa
Ikaw lang, wala ng iba
kaya't

Dapat ba nating pagbigyan
Ang ating mga puso muli pang buksan
At ibibigay lahat ang pag-ibig na tapat.
Sa iyo.
Sa iyo.

Hanggang ngayon,
Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Hindi ko na kayang mag-isa
Ikaw lamang,
Ikaw lamang,
Ikaw lamang,
ikaw lamang,
Hanggang ngayon.


Nang matapos namin awitin yan ay dumilat ako at tumingin sa mga mata niya at hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha ko kaya tumalikod ako agad upang pumunta sa back stage.Pag karating ko sa back stage ay pumunta ako sa CR at umupo sa may toilet at pinukpok ang ulo ko gamit ang kamay ko.

"Nag padala ka nanaman Naomi...ang tanga tanga mo."

Pag katapos ko yan sabihin ay tumayo na ako at humarap sa salamin at ngumiti at lumabas na sa CR hindi pwedeng puro puso ang gagamitin ko at hindi dapat mag paapekto ako sa mga nang yayare.Hindi na ako tulad dati.Pag kadating ko sa lugar kung saan kami nag aayos ay hindi ko siya binigyang pansin nag bihis lang ako ulit ng gown.Ito na yung inaabangan ng lahat ang Q&A.Naka black na gown ako na backless at fit na fit ito sa akin si Jiro naman ay naka black na suite.Isa isa na kaming tinawag para sa Q&A lahat may maayos na sagot,wala nang tatanga tanga dahil ang Q&A ang may pinakamalaking puntos sa competition na ito.

"Good evening candidate number 8."Bati sa akin ng emcee kaya ngumiti ako at nag good evening rin sa kanya.Pinabunot niya ako kung sino ang mag tatanong sa akin at ang nabunot ko walang iba kundi si Ms.Casey isang sikat na modelo.

"Ang tanong ko sayo ay may pinag sisihan ka ba sa mga desisyong ginawa mo?Bakit?"Dahil sa tanong na yan ay nawala ang mga ngiti ko at nag seryoso.

"Wala,dahil yung araw na nakilala ko siya,yung araw na minahal ko siya ay yung pinaka masayang nang yare sa buhay ko kahit sinaktan ako ng mga taong minahal at pinag katiwalaan ko ng lubos  wala akong pinag sisihan sa mga ginawa kong desisyon.Dahil kung hindi dahil doon ay wala ako ngayon dito at ako parin yung taong inaapi api nila."Taas noong sagot ko lahat ay nanahimik dahil sa sinagot ko pero maya maya ay nag hiyawan na sila.Bumalik ako sa pwesto ko dahil si Jiro na ang tatanungin.

"Same question Mr. may pinag sisihan ka ba sa mga desisyong ginawa mo?Bakit?"Seryosong tanong sa kanya.

"Marami,marami akong pinag sisihan,dahil sa maling desisyon ko nag bago ang lahat.Kung maibabalik ko lang ang panahon babagohin ko ang nang yare,hindi ko siya sasaktan at ipag tatanggol ko siya,pero wala na ako magagawa tanging pag sisi lang ang maari dahil imposibbleng maibalik ko pa ang nakaraan o itama ito."Malungkot na sagot ni Jiro.

Pag katapos isagot yun ni Jiro ay bumalik na siya sa pwesto namin.Hangang matapos ang Q&A ay hindi kamin nag kikibuan hangang sabihin ang mga nanalo.

"And our Ms and Mr Cruz 2010 none other than Ms.Shayne Cruz and Mr.Jiro Ken Woo!Let's give them a round of applause!"Hindi na ako nagulat ng kami ang nanalo dahil expected ko naman talaga na kami ang mananalo sa ganda ko pa naman.Nang matapos ang program ay nilapitan ko si Kate at si Jiro.

"Kate,Jiro iniinvite ko kayo na pumunta sa bahay ko mamaya small celebration lang,aasahan ko kayo ahh.Sama niyo rin si Clark...salamat"Tumango naman sila at nangakong pupunta sa bahay namin mamaya.Umalis na ako pag katapos ko yun sabihin dahil sasabihan ko pa sila Zac at Zash na pumunta mamaya sa bahay.Nang nakita ko sila ay sinabihan ko agad sila umuoo naman sila.

Hindi ko maiwasan ngumiti habang nasa byahe ako papunta sa bahay,dahil mamaya lang ay magaganap na ang pinaka hihintay ko kaylangan ko mag handa para sa mga darating na bisita ko.Napatingin ako sa labas ng sasakyan at hinawakan ang bintana.

"This night is my night."Then I smile.

The Sweet Revenge Of A NerdWhere stories live. Discover now