"Uhm, s-sige, u-upo na kami," mahinang paalam ko kay Kirslie.

"Yeah, sure," sagot niya sa akin. Hinila ko si Keaton papunta roon sa tabi ni Kaizer na walang nakaupo. Nauna akong umupo at pumagitna naman siya sa amin ni Kaizer. He was still looking at me as if I have something in my face.

"Uhm, a-ano?" tanong ko nang naintimidate na sa titig niya sa akin. I thought he'll never look at me like that again.

"Anong ginawa mo sa building namin?"

"W-Wala," sagot ko.

"How do you expect me to believe you?" nanunuya ang kanyang boses.

"E-Eh ... w-wala nga!" bulong ko at yumuko, iniiwas ang tingin sa kanya.

Mahina siyang humalakhak sa aking tainga na nagpagulat sa akin. "Still the same Raine."

Nagkatuwaan ang mga pinsan ni Keaton na mag-videoke at mag-nintendo nang iniwan kami ng mga nakakatanda para pumunta sila doon sa wine cellar habang naghihintay na mai-serve ang full course dinner sa malaking dining room ng mansion. Nais ko sanang tumulong dahil nakikita kong busy si tita Mira sa paghahanda pero pinigilan ako ni Keaton sa pamamagitan ng pag-akbay sa akin habang hawak ang controller at kalaban sa Tekken si Nikolai.

He playfully growled at my ear when he lost to Nikolai. And the feeling made me happily contented. Parang unti-unti na kaming bumabalik sa dati.

Nang nag-dinner na ay panay business ang pinag-usapan ng mga tito at tita ni Keaton kaya medyo tahimik lang ako. Wala pa naman kasi akong experience sa pagha-handle ng business namin, maybe sooner kapag nagka-license na ako since ang degree ko ay under business naman.

"I heard you have accounting degree, Gremaica?" tanong ni tita Kiera sa akin.

"Opo," sagot ko.

"Saan mo planong mag-work when you get a license? Build your own firm?"

"Uhm, I'm actually thinking of handling the finances of our business."

"Oh, that's a good plan. Sooner, you'll not only handle the finances of your business but Keaton's finances," tumawa si tita Kieza sa sinabi at nagtawanan rin sila tita Mira. Ngumiti ako at bumaling kay Keaton. He was looking at the paella on his plate so I looked away from him.

"Nah, sooner or later, we'll attend their engagement party so better prepare your wardrobe for that night, people," si tita Mira naman ang nagsalita at sinabayan pa ito ng tawa. She playfully winked at me at hindi ko malaman kung paano magre-react. Siguro'y noon ay tatawa ako at sasang-ayon dahil iyon naman talaga ang plano namin ni Keaton but lately ... I really don't know if that plan is still on the line.

But nevertheless, I still smiled at Keaton's mom.

After dinner, ay pinaghanda sila ng lolo ni Keaton ng mesa sa malawak na garden sa likod ng mansion. Na-inlove ako sa crystal clear na kulay ng tubig sa malaking swimming pool at parang nang-eengganyo itong liguan ko pero pinigilan ko ang aking sarili. Wala akong dalang damit at hindi ko ito bahay.

Nag-inuman sila roon habang nagkukwentuhan. Dumating naman iyong isa pang pinsan ni Keaton na panganay na anak ni tita Kiera na si Zeus kaya mas lalo silang nag-ingay. And I was just there ... beside Keaton laughing if Kirslie throws a good joke. Nang kukuha ako ng beer mula sa mesa ay pinigilan niya ako.

"You're not allowed to."

"P-Pero ..."

"Ohh! Si Keaton nangbabakod na!" tinukso siya ng pinsan niyang si Zeus kaya sinamaan niya ito ng tingin na tinawanan lamang nila Kaizer.

"Bawal kang uminom, Raine," bulong niya sa akin kaya tumango nalang ako para matapos na ang usapan. Nilasap ko nalang ang sarap ng fruit punch habang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan minsan ay nasasali ako sa usapan pero minsan ay hindi pero ayos lang naman sa akin. I've never seen how Keaton is when he's around his cousins so natutuwa ako na makikita syang kumportableng nakikipag-usap sa kanila.

"Ilang taon na kayo ni kuya K?" mahina akong siniko ni Kirslie nang umupo siya sa tabi ko at lumagok ng beer.

"Kirslie, isusumbong kita kay dad," ani naman ng kambal nyang si Kaizer na tumayo at mukhang may katawag sa cellphone nito. Ngumiwi si Kirslie sa kanya kahit hindi na ito makita ng kambal niya.

"Like duh! You're just a minute older," bumelat siya sa malapad na likod ng kambal kaya napatawa ako. Ang cute naman nila! "Anyways ..." bumaling siya sa akin "Ilang taon na kayo ni kuya K?"

"Uhm ..." napatingin ako kay Keaton na katawanan sina Zeus at papa nito. Counted kaya iyong mga linggo na nagkahiwalay kami? "Hmm more or less, three years," sagot ko.

"Wow! Antagal niyo na! He did court you right?" napangisi ako sa kanyang mga tanong. "No, he didn't?" lumaki ang kanyang may pagka-chinita na mata.

"He did. Medyo ..." I trailed off nang naalala ang magandang alaala nung nagliligawan pa lang kami nung high school. "Mahiyain siya nung nanliligaw pa lang. Debut party ko nung sinagot ko siya. So, birthday ko ang anniversary namin."

"Wow!" pangalawang bulalas niya sa kumikinang na mata at lumagok muli mula sa hawak na beer. "I wonder ..." pinilig niya ang kanyang ulo. "... kailan kaya ako magkakaroon ng seryosong boyfriend?"

"Hmm?"

"You know, guys ... palaging naglalaro. Though gusto ko iyong lalaki ayaw kong masyadong ma-attach o ma-commit sa kanila dahil may instinct ako sa mga agenda nila. There are those who are naturally players, wants to play with you, ginagamit ka lang, past-times and the list goes on of the motherfvckers!" huminga siya ng malalim at ngumiti sa akin.

"Is he your first?"

"Huh?" nabigla ako sa tanong niya. "Anong first?"

"First boyfriend, of course. May iba pa ba?" sabay kaming tumawa nang tinaas-baba niya ang kanyang kilay sa akin. Natuwa ako sa nagiging pagkukwentuhan namin ni Kirslie. I wonder if mas maaga ko siyang nakilala. Sana hindi ko ginugol ang iilang oras noon para pagselosan siya at iyakan siya dahil sa pagseselos ko sa kanila ni Keaton. Sadyang close lang pala talaga sila.

Hinatid ako ni Keaton nang malapit ng maghating-gabi. Ayaw ko sanang ipag-drive niya ako dahil nakainom siya at gabi na sa daan pero nagpumilit siya dahil sa bahay lang din naman nila siya uuwi.

"B-But ... nakainom ka, K-Keaton," apila ko.

"I'm still sober, Raine."

Tinignan ko siya at tumango ako at hindi na nakipagtalo sa kanya. Okay, okay, if he's still sober then I'll let him drive me home.

"I don't want ... y -- to die," aniya bago pinaandar ang makina ng kanyang Strada at pinaharurot ito palabas ng garahe ng mansion ng kanyang lolo't lola. Sumunod siya sa humarurot na convertible ng kanyang pinsan na si Kaizer. Mahina ang pagpapatakbo niya at tahimik na ang daan na binabaybay namin.

Dahan-dahan ko siyang nilingon muli at nagtiim ang kanyang bagang sa pagchange-gear saka tumingin sa rear view mirror.

"K-Keaton ..." I just wanted to talk to him after all the happening this day. "Keaton, we're okay, right?" Tinapunan niya lang ako ng tingin at bumalik ulit ang paningin sa kalsada. "About what happene --"

"Can we not talk about it?"

"Bakit hindi, Keaton? H-Hindi ka pa rin ba maniniwala sa kung ano ang sasabihin ko? Pero, bakit?"

"Dahil ayoko!" tumaas ang kanyang boses. "Hanggang ngayon, Raine. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog sa kakaisip kung paano mo nagawa iyon sa akin. Minahal kita. Mahal na mahal. Baliw na baliw ako sa'yo pero bakit ikaw madali lang sa'yo ang gawin iyon sa akin. Every night thinking about you kissing another man is killing me. You loving another man is ... fvck!" hinampas niya ang kanyang manibela kaya malakas na bumusina ang kanyang sasakyan.

"Keaton!"

"Kaya please ..." isang kamay nalang ang gamit niya sa pagda-drive at minasahe ang kanyang panga. "If you don't want us to die, don't talk about it."

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tumango. Suminghap ako at mariing pumikit saka sumandal sa bintana ng kanyang kotse at tumingin sa mga sasakyan sa labas. Puno ng katahimikan ang buo naming biyahe. Walang tingin-tingin kong binuksan ang pintuan ng kotse nya at lumabas. Nang nakalabas na ay saka lang ako tumingin sa kanya.

"S-Salamat ..." sabi ko at tumalikod na.

"R-Raine!" hindi pa ako nakakalayo ay tinawag niyang muli ako pero hindi ko siya nilingon. "J-Just give me t-time, please. I want to figure this out."



Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora