Kabanata 29

199 14 4
                                    

Kabanata 29

PATTY felt like she was in a limbo. It has been weeks since she left El Corazon but it felt like she left her heart in that place. She went back to her life before El Corazon. Ang nagbago lang ay ang miminsanang pagtawag nila Azi sa kanya. Kahit si Tita Anya ay tinatawagan siya.

But Caleb? Nah. Wala na siyang balita sa lalaki. Kahit si Azi, parang iniiwasan na banggitin sa kanya si Caleb. Siguro iniiwasan lang nito na saktan siya?

Hanggang ngayon ay kinukulit pa rin siya ng Kuya Pace niya kung bakit siya naiyak nang makita niya ito. Sinabi niyang na-miss lang niya ito pero hindi ito naniwala. Gusto na nga nitong sugurin ang mga Del Valle sa pag-aakalang may ginawa ang mga ito na hindi maganda sa kanya pero pinigilan niya ito. She told him how nice the Del Valles were.

Ngayon ay nagre-review na si Patty para sa kanyang nursing licensure exam. Sa tulong nito ay nagagawa niyang maialis sa isip kahit papaano si Caleb. Kahit saglit lang.

Hinilot ni Patty ang sentido. Napapagod na siya kababasa ng mga reviewers pero kailangan niya ito kung gusto niyang makapasa. Niligpit na niya ang mga gamit saka lumabas ng review center. Nagulat siya nang makita ang pigurang nakasandal sa isang kulay itim na kotse pero kaagad din siyang napangiti.

"Azi!" bulalas niya saka nilapitan ang lalaki. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Lumagpas sa lalaki ang kanyang tingin at kaagad na nadismaya nang makitang mag-isa lang ito. Aaminin ni Patty na medyo umasa siyang kasama sana ni Azi si Caleb.

"That's how you treat a friend? I'm offended," he mocked.

Natatawang hinampas niya ito sa braso. "Drama mo. Nagulat lang ako. Akala ko matagal ka pa sa El Corazon."

Umiling ito. "Kababalik ko lang kahapon."

"Oh."

"Caleb went back in Manila a week after you left," dagdag nito.

"Ah."

"Kumain ka na ba? Let's have an early dinner." Binuksan nito ang pinto ng passenger seat ng kotse nito saka iminuwestra na pumasok siya. Pagkasakay ay isinara ni Azi ang pinto saka ito umikot papunta sa driver seat. "Ano'ng gusto mo? Japanese? Chinese? Filipino?"

"Japanese, please. Nagke-crave ako sa ramen at tempura," sagot niya.

Saglit lang ang biyahe papunta sa isang malapit na Japanese restaurant. Tahimik lang silang dalawa sa durasyon ng biyahe. Pagkarating sa restaurant ay sa pandalawahang mesa sila pumuwesto. She was familiar with the restaurant since she had been here before so she didn't bother with the menu.

"How are you and your family, Azi?"

Ilang saglit munang itinutok ni Azi ang pansin sa menu. Nang makapamili ay saka nito iyon isinara at binitiwan.

"We're okay. I think what happened helped us, especially our parents. Hearing what you've said helped us. So thank you."

"That's good. I was afraid I'd ruin the peace in your family."

Umiling ito. "You did not."

Tinawag na ni Azi ang waiter saka um-order. While waiting for their food, they talked about what had happened to his family after she left El Corazon.

"How about you? How are you doing, Patty?" biglang anito.

Nagkibit siya ng balikat. "I'm doing okay." Tinitigan siya nito nang maigi na para bang tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo. Napabuga naman siya ng hangin saka napalabi. "I miss him," matapat na sabi niya.

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Where stories live. Discover now