Kabanata 26

171 14 5
                                    

Kabanata 22

"UNTIL when are you going to stay there, Patricia?"

Hindi kaagad nakasagot si Patty. Nakatitig siya sa malawak na karagatan habang nasa balkonahe ng kanyang cabin. They were back in Coastline. Kasama nila si Azi na ngayon ay nasa cabin ni Caleb. It was past two in the morning but Patty couldn't sleep. Again.

Ngayon ay kausap niya sa cellphone ang Kuya Pace niya. Pinauuwi na siya nitong pilit sa Maynila. Ilang gabi na rin siya nitong tinatawagan dahil doon.

"Kuya..."

"Hindi mo pa rin ba naaamin sa kanila ang totoo? Kung hindi mo kaya, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Go home, Patricia."

Napalunok siya. Her mission was to thank the family of Pauline. If she went back without telling the Del Valle the truth, it was as if she was being ungrateful. Para saan pa't nagpunta siya sa El Corazon at hinanap ang Del Valle?

"We've given you all the time you wanted and needed, Patricia," malumanay na ani Kuya Pace sa kabilang linya.

Hinilot ni Patty ang kanyang sentido. "I just don't know how to say it, Kuya. Paano ko sasabihin sa kanila na ako ang nakatanggap ng pusong idinonate ni Pauline? Is there an easy way of letting them know that? Tell me!"

"What?"

Halos mapatalon siya nang marinig ang tinig na iyon. It wasn't her Kuya Pace and it wasn't coming from the phone! Sa katabing balkonahe ay nandoon ang pigura ni Azi. Gulat na gulat ang lalaki habang nakatingin sa kanya.

"May problema ba, Patricia?" nag-aalalang tanong ng kuya niya sa kabilang linya.

Ang lakas ng tibok ng puso niya habang nakatingin kay Azi. "I'll call you back, Kuya. 'Love you." Pinutol na niya ang tawag.

Namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nila ni Azi. Hindi alam ni Patty ang sasabihin at parang ganoon din si Azi.

"S-sorry, Azi," mahinang aniya saka iniwas ang tingin sa lalaki. "I didn't mean to fool you and your family."

Hindi sumagot si Azi. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Sorry talaga."

"Let's not talk here. Baka magising si Caleb. Let's take a walk. Doon tayo sa shore."

Lumabas ng cabin si Patty. Halos sabay lang sila ni Azi na lumabas. Walang usapan na namagitan sa kanila hanggang sa makarating sila sa pampang. Pumuwesto sila malapit sa bonfire para hindi sila lamigin. Umupo sila sa buhanginan. Hindi nila alintana ang mga buhangin na didikit sa kanilang damit.

"You're... the receiver of Pauline's heart?"

Tumango siya.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin? Sa akin?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "Natatakot kasi ako. Kasi, paano ko ba sasabihin sa inyo, sa pamilya ninyo, na ako 'yong pinagbigyan ng puso ni Pauline? Paano ko sasabihin sa mga taong nawalan, na ako, nandito, buhay dahil nawalan kayo? Sobrang bait ninyo sa akin, Azi, na habang tumatagal, lalo akong natatakot na aminin ang totoo. I can see your pain, your longing, and I don't want... to give you more pain. Kaya nagsinungaling ako. Doc Blake told me about you and your family. He's actually my doctor. Sorry."

Nakagat niya ang ibabang labi at pilit inaalis ang bigat sa dibdib. Was it a wrong decision to be here after all?

"When I first met you, I didn't know why I felt at ease. It was like I've known you longer. Kaya nang sinabi mong kaibigan ka ni Pauline, naniwala ako kaagad." Napailing si Azi pero may maliit na ngiti sa mga labi. "Now I know why I like you. It's because you have a piece of my sister inside you." Ginagap nito ang palad niya. "How are you doing now?"

"Hmm?"

"Are you well after the operation?"

She wasn't expecting that question. Tumango siya. "Yes. Nagagawa ko na 'yong mga bagay na hindi ko nagagawa dati dahil sa sakit ko sa puso. Nagagawa ko na 'yong mga bagay na akala ko, hindi ko na magagawa. Dahil kay Pauline." Nilingon niya si Azi habang may luha sa mga mata. "For sixteen years, I always thought I would never get the chance to live freely. But I was given a second chance at life because of Pauline. Thank you so much," umiiyak na aniya.

Naramdaman niya ang pagpatong ng palad nito sa kanyang ulo. Marahan nitong ginulo ang kanyang buhok. Masuyong nakangiti si Azi habang nangingislap ang mga mata na tila pinipigilan ang pag-iyak.

"Naaalala mo pa ba 'yong sinabi ko sa 'yo noong unang beses tayong nagkita sa puntod ni Pauline?" Tumango si Patty. "It saddens us to part with Pauline but knowing she was able to help someone made us happy. Seeing you right now, living your life happily and freely, made me so proud of my sister. Cherish your life, Patty. Not just for Pauline, but for yourself."

Niyakap niya si Azi nang sobrang higpit. "I don't know how I can thank you and your family, Azi. Thank you so much. Thank you."

He chuckled while caressing her back. "All I ask is for you to live."

Hinayaan siya ni Azi na umiyak sa bisig nito. Being inside his arms made her realize how different it felt like when it was Caleb who was holding her.

Kumalas na siya kay Azi saka pinahid ang pisngi.

"Kakausapin ko ang pamilya mo," sabi niya kapagkuwan. "Sasabihin ko sa kanila ang totoo."

"Patty—"

"I'm scared but I realized a girl like Pauline would never grow up to be a great girl if she wasn't raised by great people. Parang ikaw. Tapos na ang pagiging duwag ko. You've all treated me well, especially your parents. Hindi magandang lokohin ko sila."

"How about Caleb?"

Nanigas siya sa kanyang kinauupuan. Unti-unting umangat ang kanyang palad saka itinapat iyon sa kanyang puso.

"I'll tell him the truth as well."

"Hmm."

"He might hate me after this but he deserves the truth as well."

Ginagap ni Azi ang palad ni Patty. "Wala kang kasalanan kaya bakit ka matatakot? Yes, you received Pauline's heart but it was freely given by her. It is a gift. You're not at fault. Never."

Napangiti si Patty. Whatever tomorrow would bring, she would accept it. She was ready.

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora