Kabanata 14

137 10 1
                                    

Kabanata 14

PATTY looked at herself in front of the mirror. Dahil nakasuot ng two-piece aqua swimsuit, kita ang scar niya sa dibdib sanhi ng surgery niya. She wanted to hide it but this was her battle scar, she should be proud of it no matter what people would think of it. Kinapa niya ang scar sa dibdib saka napahugot ng hangin.

"I can do this," mahinang aniya.

Kinuha niya ang shawl saka iyon ipinatong sa balikat. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok. Bitbit ang towel at floater ay dire-diretso siya sa may mga beach umbrella at pumuwesto sa isa sa mga bakanteng lugar. Inilatag niya ang bitbit na towel saka doon umupo. Sinimulan niyang pahiran ng sunblock ang katawan maging ang mukha. Sinusubukan niyang maglagay sa kanyang likod nang may anino ang tumakip sa kanyang harap.

"Caleb?" usal niya nang makita ang lalaki.

"What are you doing?"

"Naglalagay ng sunblock, malamang," pabalang na sagot niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Caleb bago ito umupo sa tabi niya sa lilim ng beach umbrella. Tahimik na nakatingin lang si Caleb sa kanya habang sinusubukan niyang lagyan ng sunblock ang parte ng kanyang likod na maaabot niya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Caleb bago nito inagaw ang sunblock sa kanya. "You are annoying," sikmat nito.

"Ano?!"

"Turn around," utos nito.

Nakasimangot na sinunod niya ang lalaki. Naramdaman niya ang mainit nitong palad sa kanyang likuran. Pinahiran nito ng sunblock mula balikat hanggang sa kanyang beywang. She could feel the spark of electricity on the part of her skin that he touched.

"There. Done," anito saka ibinato sa kandungan ni Patty ang sunblock.

"Salamat."

Umayos na siya ng upo saka hinayaang kumapit sa balata ng sunblock. Ilang minuto ang lumipas nang magpasya siyang mag-swimming.

"Ikaw, Caleb? Dito ka lang?" aniya.

Walang salitang hinubad ni Caleb ang pang-itaas nito. Napanganga si Patty habang ang tingin ay nasa malapad nitong balikat at dibdib. Fine hair were scattered across his chest.

"E-exhibitionist ka!" bulalas niya.

Umangat ang kilay ni Caleb saka magaang ibinato sa kanya ang sando nito. Itinakip niya iyon sa mukha para pagtakpan ang pamumula ng kanyang pisngi. Umiikot sa kanyang ilong ang mabangong amoy ni Caleb.

"Tama na kakasinghot sa damit ko, Patricia," nang-uuyam na anito.

Binato niya pabalik sa lalaki ang sando nito saka patakbong lumusong sa dagat habang bitbit ang floater. She enjoyed the feel of the water against her bare skin. Ramdam niya ang tingin ng ilang tao sa kanya. Dahil siguro sa scar sa dibdib niya.

Naiilang siya pero hindi niya kayang takpan ang scar na iyon. It was the proof that she was alive. She would never hide it.

"Napapalayo ka na, Patricia," ani Caleb kasabay nang pagpigil nito sa kanyang braso.

Natauhan naman siya saka binalingan ang lalaki. "Sorry."

"Hindi ka ba sasakay d'yan sa duck mo?"

"Duck?"

"Your baby floater," seryosong anito pero nakita niya ang pagdaan saglit ng amusement sa mga mata nito.

"What's wrong with my floater?!" nakapameywang na aniya. Hinayaan niyang lumutang-lutang sa dagat ang floater.

"Nothing."

Napalabi siya. Nothing daw, eh, parang pinagtatawanan siya nito!

"Sumampa ka na."

"Fine!"

Hinawakan ni Caleb ang floater para hindi iyon tangayin ng alon habang sumasampa siya roon. Nang makasampa ay humiga siya at tumitig sa langit. Ang init ng dampi ng araw sa balat at nakakasilaw pero hindi niya magawang alisin ang tingin doon.

"Stop looking directly at the sun," sita ni Caleb kasabay nang pagpatong ng palad nito patakip sa kanyang mga mata.

"Ano ba!"

Wala siyang narinig na tugon kay Caleb kaya nagtatakang inalis niya ang palad nito sa kanyang mga mata. Pagtingin niya sa lalaki, napansin niyang ang tingin nito ay naka-focus sa scar niya sa dibdib.

Dahan-dahang bumaba ang palad nito at gamit ang daliri ay trinace nito ang scar niya.

"What happened to this?"

Hindi alam ni Patty ang isasagot. Magsisinungaling ba siya? Mayamaya'y napabuga siya ng hangin.

"This," she traced the scar. "Is my battle scar."

"Battle scar?" Hindi maalis ang tingin nito sa scar niya.

"Sakitin ako maliit pa lang ako. May sakit ako sa puso. Dilated cardiomyopathy. Sa simpleng salita, nahihirapan mag-pump ng dugo ang puso ko kaya nagkaroon ng komplikasyon. Pabalik-balik sa ospital, hindi ma-experience ang mga na-e-experience ng mga kaedad ko, mahina. Dumating sa puntong pahina na nang pahina ang katawan ko. The hospital became my second home. Ang tanging makakapagpagaling sa akin ay heart transplant."

Nakita niya ang paglunok ni Caleb. May halo-halong emosyon sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan.

"It must have been hard..." he trailed off.

Ngumiti si Patty. "Yeah. I almost gave up. Naisip kong sakit lang ibinibigay ko sa pamilya ko. Pero sila, hindi sila sumuko. My family became the source of my strength. I fought for them."

"Kailan..."

"Five years ago, when I was at my worst, I got a heart donor."

"Are you okay now?" His voice was so soft she was afraid the person in front of her wasn't really Caleb.

"Yep. Kaya nga nagagawa ko na ang mga bagay na hindi ko nagagawa dati. First time kong makapunta sa beach, makasakay sa eroplano, sa bangka. First time kong makatikim ng iba't ibang pagkain."

Umangat ulit ang daliri ni Caleb at kagaya kanina ay dahan-dahan nitong hinaplos ang scar niya. A warm tingle was flowing on her skin when it made contact to his. Para siyang na-electrocute.

"You are a strong soldier, Patricia," seryosong anito. "Treasure your second chance at life. Not everyone... has been fortunate enough to have it."

Patty felt something stabbing at her heart. She knew Caleb was talking about Pauline. What would he feel if he knew the heart she owns was the heart of his dead girlfriend? Sasabihin pa rin ba nitong fortunate siya?

"Kaya pala..."

"Hmm?"

"Kaya pala maganda ang tingin mo sa buhay."

Ngumiti si Patty. Wala sa loob na ipinatong niya ang palad sa ulo ni Caleb at ginulo ang buhok nito na para bang isa itong bata.

"Patricia, isa!"

Tumawa si Patty habang halatang naiinis si Caleb. But he was all bark and no bite. Ganito lang talaga ang lalaki. Grumpy.

"You'll see it, too."

Nangunot ang noo nito. "Alin?"

"The beauty of life."

She would make him see it. That despite the darkness and pain, there would always be a light after it.

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon