Kabanata 7

142 8 0
                                    

Kabanata 7

"NAGLAGAY ka ba ng sunblock?"

Mula sa pagsipat sa suot na gear ay binalingan ni Patty si Caleb. Kagaya niya ay nakasuot na rin sa lalaki ang gear nito.

"Bakit pa? Naka-rashguard na naman ako," aniya.

Nasapo ni Caleb ang mukha kapagkuwan ay napabuga ng hangin. Mula sa bitbit nitong bag ay may kinuha ito saka inabot sa kanya. It was a sunblock.

"Maglagay ka sa mukha at leeg," utos nito.

Kinuha niya ang de spray na sunblock at akmang ii-spray iyon sa mukha nang pinigilan siya ni Caleb. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

"Bakit?" nagtatakang saad niya.

"Hindi ganyan."

"Huh?"

An impatient sigh left his lips. Tumayo si Caleb at lumipat sa tabi niya. Inagaw nito ang sunblock spray sa kanya. Ini-spray-an nito ang magkabila nitong palad saka iyon pinahid sa mukha niya.

"Magbasa ka kasi ng instructions bago gumamit ng isang bagay," parang nanay na sabi ni Caleb habang pinapahid ang kamay na may sunblock sa kanyang mukha.

Hindi nakakibo si Patty. Para siyang itinulos sa kanyang kinauupuan. His hands were big and rough but it wasn't painful in her face. She could not believe a cold guy like him could have a warm and gentle hands.

"There. May mga sunblock na kahit direkta mong i-spray sa mukha ay okay lang pero may mga hindi naman." Inabot nito pabalik sa kanya ang sunblock. "Spray this on your legs," anito.

Sinunod naman niya ang utos nito. Nakasunod ang tingin niya kay Caleb na kausap si Manong Junjun at ang instructor niyang si Quill. Napailing na lang si Patty. Ikinalat niya ang sunblock sa hita. Nang matapos ay ibinalik niya iyon kay Caleb.

Huminto na sa pag-andar ang bangka. Tumayo si Patty at inilibot ang tingin sa paligid. All she could see was water. Maliit na rin ang El Corazon mula sa puwesto nila. There were similar boats near them. Tourist din siguro kagaya niya.

"Ito ang diving spot para sa mga beginner," untag ni Caleb sa kanya. "May tanong ka pa ba? May hindi ka ba naintindihan sa itinuro ni Quill kanina?"

Umiling siya at nag-thumbs up. "I got it."

"Hmm."

Isinuot na ni Patty ang flippers. Tinulungan naman siya ni Caleb na isuot ang head gear pagkatapos ng isa pang tutorial nito. Hindi mapakali si Patty. Excited na siyang maglunoy sa tubig-alat.

"We'll be with you," biglang sabi ni Caleb.

Tumango siya. Inayos na ni Caleb ang suot na head gear. Nauna ito sa pagbaba sa bangka. Nakaantabay ito sa kanya sa tubig. She was excited and nervous at the same time. Pikit-matang tumalon sa tubig si Patty. Narinig niya ang pagsunod sa kanya ni Quill.

The water was a cross between warm and cold. Napadilat siya nang maramdaman ang mainit na palad sa magkabila niyang beywang. Si Caleb iyon.

Isinenyas ni Caleb ang pagsisid nito. Inalala niya ang bilin nito maging ni Quill. Inhale through her mouth, exhale through her nose. Slowly... steadily...

Tumango na si Patty.

Pagkasisid ay kaagad siyang namangha sa nakikita. She immediately grabbed Caleb's hand to catch his attention. Nang binalingan siya nito ay itinuro niya ang isda na kulay asul. She could not read the expression in his face but Patty didn't mind. She could not keep her eyes off the interesting view.

Nagulat siya nang maramdaman ang pagpisil ni Caleb sa palad niya. Hindi niya napansin na magkahawak pa rin pala sila ng kamay. Siguro, kaya hindi 'yon mabitawan ni Caleb ay dahil iniisip nitong natatakot siya.

Nagtatakang binalingan niya si Caleb. Itinuro nito ang kabilang parte ng dagat. Namilog ang mga mata ni Patty at muntikan pang mamali ng paghinga nang makita ang pawikan!

Hinila niya ang palad ni Caleb kaya lumangoy sila palapit doon. Nakasunod pa rin sa kanila si Quill na siguro ay tinitingnan kung kaya ba niya ang pag-scuba dahil nga beginner siya. Patty was in awe as she looked at the different aquatic specie. From above, it would seem like a normal water but beneath it lies the different world. It was beautiful.

Hindi niya alam kung ilang minuto o oras silang nagpaikot-ikot ni Caleb. Nawala na nga sa isip niyang may kasama silang instructor. Hindi nito binibitawan ang palad niya. Kapag may nakikita itong kakaiba ay itinuturo rin nito iyon sa kanya.

Pagkaahon ay kaagad niyang hinubad ang head gear. Ngiting-ngiti si Patty habang habol ang hininga kahit na ba hindi naman siya naubusan ng hangin. Hindi lang talaga siya kumportable na huminga gamit ang bibig.

"That was so cool!" bulalas niya. "Ang gaganda ng mga coral reef, tapos 'yong mga isda. Tapos 'yong pawikan! Ganoon din ba kaganda sa ibang diving spot?"

"Yeah."

"Gusto kong subukan, Caleb!"

Hinagod nito ang buhok na tumabing sa mukha nito. Droplets of water was cascading in his face down to his neck. "Let me think about it."

"Gusto kong makita 'yong shipwreck. Please, please, please."

"It will too much for a beginner like you," sabi nito.

Napalabi si Patty. "Stingy."

Umangat ang palad ni Caleb at sa gulat niya ay bigla nitong dinutdot ang noo niya. "'Wag matigas ang ulo."

Nasapo ni Patty ang noo saka inirapan si Caleb. "Fine."

"Marami ka pang magagawa dito sa El Corazon bukod sa diving." Bigla-bigla na lang siya nitong hinawakan sa beywang saka binuhat pasampa sa bangka.

Parang tumagos sa suot niyang rashguard ang init na nagmumula sa palad nito.

"Kumusta ang unang pagsisid mo, Patty?"

Ibinaling na ni Patty ang atensiyon kay Quill na kagaya nila ay hinubad na rin ang head gear. Ipinagsawalang-kibo na lang niya ang naramdaman kanina.

"Sobrang enjoy! Gusto ko nga po ulit pero sa ibang lugar naman."

"Magpasama ka ulit kay Caleb. Bihasa na 'yan pagdating sa pagsisid," natatawang anito.

"Quill!" pagsita ni Caleb sa lalaki na sinagot lang nito ng ngisi.

Naguguluhang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. "Saan na tayo?"

"Kumain muna tayo ng early lunch."

"Okay!"

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon