Kabanata 21

151 8 1
                                    

Kabanata 21

PAGKALABAS ng hotel ay kaagad na hinanap ni Patty si Caleb. Nauna itong lumabas dahil may kakausapin pa raw ito. Ever since the night when she cried inside his arms and when he told her about his ex-girlfriends, Patty felt like she became close to him. It felt like they grew closer. It felt like she got to know him more.

Nang makitang may kausap na lalaki si Caleb ay nagpasya siyang umupo na lang sa tire swing kaysa lapitan ito. She watched him from afar. Hindi maalis kay Caleb ang tingin niya.

Hindi niya alam kung bakit ganito na lang ang nagiging reaksyon niya kapag iniisip ang lalaki. Kapag nasa malapit ito, hindi mapakali ang puso niya. Kapag nadidikit ang balat nito sa kanya, para siyang nakukuryente bigla. Hindi niya maintindihan kung bakit naging ganito siya ka-aware sa presensya nito. It was as if all she could see was him.

It was annoying!

Para bang naramdaman ni Caleb ang titig niya dahil bigla na lang itong lumingon sa kinauupuan niya. Kaagad niyang iniwas ang tingin. Hindi niya napigilan ang sarili at itinakip ang palad sa mukha. She could feel the heat coming from her cheeks.

What's wrong with me?!

"What's wrong?"

Napaupo siya ng tuwid saka inalis ang palad sa mukha. Iwinasiwas niya ang mga kamay. "Wala, wala. Nasaan na 'yong kausap mo?" aniya saka lumagpas dito ang tingin.

Nangunot ang noo nito. "Nilapitan mo dapat ako no'ng lumabas ka ng hotel."

"May kausap ka. Ayokong makaabala."

Lalong nagsalubong ang kilay nito kasunod nang pagbuga nito ng hangin. "That's the eldest son of the Monteverdes'. Sila ang may-ari nitong Infinitely."

"Ah. Friends kayo?"

Nagkibit ito ng balikat saka inilahad ang palad sa kanya. "Come."

"Saan tayo pupunta? Magda-diving ba tayo?!" excited na wika niya. Ayaw pa kasi nitong sabihin kung saan siya nito dadalhin. Ang bilin lang nito ay magsuot siya ng pang-swimming. So she wore her one piece black suit.

"Just wait and see," saad nito.

Napalabi siya pero nakasunod naman sa lalaki. Papalapit na sila sa dagat at mula sa pampang ay may nakita siyang isang jetski!

"Magje-jetskiing tayo?!" bulalas niya.

"Yeah—"

"Oh, my God! Thank you, thank you!" natatawang aniya saka tinakbo ang nakaparadang jetski. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas niya at nagawa niyang hatakin si Caleb.

"Easy, Patricia. Hindi mawawala ang jetski," pigil sa kanya ni Caleb pero nagpatianod naman sa kanya.

"Whoa," anas niya nang makalapit sa jetski. Sa mga magazine lang niya ito nakikita. "Cool."

"Pinahiram 'to ni Migos, 'yong kausap ko kanina. I know how to operate this but if you want some other—"

"Please, please, please let's go, now!" aniya saka walang pag-aalinlangan na sumampa sa jetski.

"Before that... here." Inabutan siya ni Caleb ng lifejacket. "Suotin mo."

"Yes, sir!"

Umupo sa harapan niya si Caleb. "Hold me."

Anuraw?!

"Ha?!"

Bahagya siyang nilingon ni Caleb. Nakaangat ang kilay nito na para bang nagugulang sa aksyon niya. Eh, kasi naman! Hold me raw?

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Where stories live. Discover now