Kabanata 12

146 7 1
                                    

Kabanata 12

"SO PRETTY!" bulalas ni Patty habang inililibot ang tingin sa flower farm. Iba't ibang klase ng bulaklak ang nandoon. Iba't ibang kulay, iba't ibang taas. Lumapit siya sa kulay pink na bulaklak na halos kasingtaas niya. "Pretty..."

Napatingin siya kay Caleb nang marinig ang click sound mula rito. Kinuhanan pala siya nito ng larawan nang hindi sinasabi sa kanya.

"Baka mukha na naman akong ewan dyan!"

It took seconds before he answered. "No. You look... okay."

"Is that a compliment I hear?" Inangilan siya nito na sinagot niya ng tawa. "Sungit," pang-aasar niya. Nilapitan niya ulit si Caleb saka hinablot ang bisig nito. "'Lika. Sa laki nitong flower farm, baka kulangin ang oras natin."

Parang sumasayaw ang mga bulaklak dahil sa pag-ihip ng hangin. Halo-halong amoy ang umiikot sa lugar hatid ng mga bulaklak. Sa buhay, mayroon mga mumunting bagay ang naghahatid ng ligaya sa tao.

"I... I can't believe I'm seeing this," humahangang aniya. She suddenly felt emotional while looking at this beautiful place.

All her life, all she could see was the bland white walls of her hospital room. The stagnant color of her room. The sterile smell of the hospital. But now, she could see different colors, different things. She could smell the flowers, the nature, and the ocean.

"So this is what it feels like to live," mahinang aniya.

"What?"

Ngumiti siya saka pumikit. "Nothing. Just... admiring life." Walang tugon galing kay Caleb kaya nagpatuloy si Patty. "Sometimes, it is painful to live. Sometimes, life gives you problem that makes you bend. But just like these flowers, you have to stand firm and continue living. Despite the pain and hardship, you have to continue living. It is okay to bend but you must never break. The Lord may give us a hard problem but only because He knows we are strong enough to face it."

Nakangiting binalingan niya si Caleb. "It's never a sin to live," dagdag niya.

Tumiim ang bagang nito habang ang tingin ay nasa malayo. Unti-unti ay napabuga ito ng hangin saka pumikit. Hinayaan niya ang lalaki.

There came a point in Patty's life when she almost break, when she almost gave up. She questioned everything. She almost lost her faith. But despite those, she continued believing because it was the only thing that was making her strong—her faith and her family.

She wanted to make Caleb see that life didn't have to end in pain. Life wasn't supposed to hinder you. Love wasn't supposed to break you.

Dumilat si Caleb. Binalingan siya nito habang dahan-dahang umaangat ang palad hanggang sa pumatong iyon sa ulo niya. Marahan nitong ginulo ang kanyang buhok.

"What is it?"

Umiling ito. Bahagyang umangat ang sulok ng labi nito dahilan nang pagsinghap niya. His face had soften because of that smile. Patty was starstrucked. Hindi siya makakilos at makapagsalita dahil sa ngiti nito.

"Pretty..." usal niya pero kaagad din natauhan. "I mean, 'yong background ang pretty, hindi ang ngiti mo. I mean... uh, argh!"

Tinalikuran na niya si Caleb saka nagmamadaling lumakad palayo rito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. It was just a smile but it changed his whole aura. It was just a smile but it disarmed her completely.

What a killer smile it was.

Naramdaman niya ang pag-agapay ni Caleb sa kanya. Paglingon niya sa lalaki ay nagtama ang tingin nilang dalawa. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Parang nakaukit pa rin sa kanyang isip ang maliit nitong ngiti.

"Patricia," tawag nito sa pansin niya.

"Y-yes?" aniya na hindi nakatingin dito.

"Baka madapa ka."

Huh?

Hindi niya napansin ang batong nakausli sa dinaraanan kung kaya't natapilok siya. Kung hindi pa marahil sa paghawak ni Caleb sa braso at beywang niya, baka sa sahig na siya pinulot.

She could feel the heat coming from his hands flowing through her skin. Halos masandal na siya sa lalaki dahil sa ginawa nitong pagkabig sa kanya.

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo," sita nito saka inayos siya ng tayo. "Ayos ka lang ba?"

Piping tumango lang siya. Tulala siya habang nakatingin sa lalaki. Nangunot naman ang noo ni Caleb saka bahagyang dumukwang sa kanya. "Masakit ba ang paa mo?"

Hindi siya nakasagot. Naiiling na lumuhod si Caleb para sipatin marahil ang paa niya. Doon lang siya natauhan.

"No, no! I'm fine, Caleb. Honest!" pigil niya rito. Hindi niya alam kung bakit ba siya natulala sa lalaki. Dahil ba sa ibang pakiramdam nang hawakan nito ang beywang niya? Dahil ba sa ibang hatid nito sa kanya?

Tumingala ito sa kanya. "Really?"

Sunud-sunod ang pagtango niya. "Oo nga. Promise."

Umayos ng tayo si Caleb. "Let's go."

Dahil nauunang naglalakad, malaya niyang pinagsasawa ang tingin sa likuran nito. She never realized how a smile could totally change how she viewed him.

Weird.

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin