Kabanata 23

159 9 1
                                    

Kabanata 23

"MALAPIT na ba tayo, Azi?" tanong ni Patty sa lalaking nagda-drive. Nasa backseat siya habang nasa passenger's seat naman si Caleb. Papunta sila sa bahay ng mga Del Valle para sa party na gaganapin sa araw na iyon.

Good thing Patty was prepared. Suot niya ang off-shoulder pale blue dress na iniregalo sa kanya ng Kuya Pace niya. Hindi iyon formal looking masyado pero hindi rin naman masasabi na casual.

"Yeah."

"Ang ganda ng village na 'to," aniya habang ang tingin ay nasa malawak na kagubatan.

"This is our garden."

Napanganga si Patty. Garden?! Garden?! Ang lawak namang garden nito?!

"Are you trying to catch flies using your mouth?" sarkastikong ani Caleb habang nakatingin sa kanya mula sa rear view mirror. Maiinis na sana siya pero nahuli niya ang amusement sa mga mata nito. Bahagya rin nakaangat ang sulok ng labi nito.

Sumimangot siya saka inirapan ang lalaki. "Whatever, Caleb."

Natawa naman si Azi. "The Del Valle and the Saavedra own this place."

"Saavedra?"

"Our cousins from our father side."

"Ah."

Halos ingudngod na ni Patty ang mukha sa salamin ng kotse nang makakita ng iba't ibang hayop na nakakawala sa lupain ng mga Del Valle.

"Are you growing crops and fruits as well?"

"Yes. Pero ang mga Saavedra ang humahawak sa business na 'yon. Our family focuses mainly on hotels and resorts."

"Ah."

"Baka mauntog ka sa bintana, Patricia. Umusog ka," singit ni Caleb.

"KJ," mahinang aniya saka binelatan ang lalaki.

He rolled his eyes at her.

Umayos na ng upo si Patty lalo pa't natanaw niya sa harapan ang "bahay" ng mga Del Valle. Hindi na siya nagulat nang makita ang malaking mansion nila Azi.

"Welcome to Casa Del Valle, Ma'am," nakangising ani Azi habang ipinapasok sa garahe ang sasakyan nito.

Tatlong palapag ang bahay at sobrang lawak. Parang apat na ulit yata ang laki nito sa bahay nila sa Maynila. Casa Del Valle has this vintage look and feel. Patty could not wait to see the interior. Tiyak siyang maganda iyon lalo.

Akmang bababa na siya sa sasakyan pagkapatay ni Azi ng makina nang naunahan siya ni Caleb. Gulat na napatingin siya sa lalaki nang binuksan nito ang pinto sa side niya.

Umangat ang palad ni Patty saka sinalat ang noo nito. "Wala ka namang sakit, ah. Is this a prank?!"

"Why you—" Pinisil ni Caleb ang pisngi niya.

Natatawa naman si Patty saka hinawakan ang bisig ni Caleb at pinipilit itong bitawan ang pisngi niya. "Nakakagulat ka kasi."

Pumalatak ito. "Baba na."

"Opo, sungit."

"Isa, Patricia!"

"Dalawa."

Nang makita ang masamang tingin ni Caleb ay nagpasya siyang bumaba na ng sasakyan. Isang ngisi muna ang binigay niya kay Caleb bago muling binalingan ang Casa Del Valle.

She suddenly felt scared and nervous. She would finally meet the family of Pauline. Just that thought made her nervous as hell. Patty could feel the sweat forming on her hand. Kinakabahan na siya kahit hindi pa niya nakakaharap ang buong pamilya ni Pauline.

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Where stories live. Discover now