Kabanata 25

181 8 1
                                    

Kabanata 25

"'MORNING," bati ni Patty sa magkakapatid na Del Valle pagkalabas niya sa balkonahe sa ikalawang palapag. Hindi niya mapigilang mapahikab. "Sorry," aniya habang takip-takip ang bibig.

Iwinasiwas ni Adi ang kamay nito. "It's okay. Come here, Patty. Sit beside me," anyaya nito saka tinapik ang bakanteng silya sa pagitan nito at ni Azi.

Dito sa mansion sila nagpalipas ng gabi ni Caleb. Kaya pala bitbit ni Caleb ang gamit nila galing Infinitely kahapon.

Napatingin siya sa breakfast na nakahain sa mesa. Merong bacon, pancake, egg, sinangag, saka hotdog.

"Ano'ng gusto mong inumin? Coffee? Tea? Or me?" natatawang ani Azi.

"Ang aga-aga, Azrael!" anang kararating na si Caleb saka binatukan si Azi.

Natawa naman si Patty at Adi. Kasunod ni Caleb ang ka-triplet ni Azi na sina Ali at Aki. Sa tabi ni Azi umupo si Caleb kung kaya't halos malapit na siya rito. Nginitian niya ang lalaki na sinagot nito ng tango. Halatang inaantok pa ito dahil namumungay pa ang mga mata nito.

"Give us some hot chocolate, Azrael," utos dito ni Caleb.

"Hot chocolate? Parang dati puro ka beer, ah," pang-aasar dito ni Azi na sinagot lang ni Caleb nang masamang tingin. "Hot chocolate is for sissies, dude."

"Kaya pala hot chocolate ang iniinom mo," walang emosyong singit ni Aki.

Natawa silang lahat lalo pa't namula ang mukha ni Azi. She liked the company of Del Valles siblings. Sana, kahit malaman ng mga ito ang kasinungalingan niya, manatili pa rin na maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Tumayo na si Azi para marahil kumuha ng hot chocolate nila ni Caleb. Lumipat naman si Caleb sa upuan ni Azi kaya naging katabi niya ito. Nagulat siya nang nilagyan nito ng bacon, pancake, at eggs ang pinggan niya.

"Kumusta naman ang pag-stay mo rito sa El Corazon, Patty?" saad ni Adi.

"Enjoyable. Sobrang ganda ng isla. Lalo na 'yong slide!"

"Nasubukan mo na bang mag-dive? O kaya puntahan 'yong rock formation?"

"Nag-scuba diving na kami ni Caleb sa pang-beginner na spot. Gusto ko ngang makita 'yong shipwreck pero ayaw nito," aniya saka itinuro si Caleb.

"Gusto mo ba ng sinangag?" sabi ni Caleb imbes na pansinin ang pasaring niya rito.

Nakita ni Patty ang pagpapalitan ng titig nila Aki at Ali at ang miminsanang pagtitig ng mga ito kay Caleb.

"Sige pero kaunti lang."

"Let's visit the rock formation today. Kuya Ali? Kuya Aki? Caleb?" si Adi 'yon.

Binalingan siya ni Caleb habang nakaangat ang kilay na para bang tinatanong siya kung game siya. Sunud-sunod na tumango si Patty.

"Okay," sabi ni Caleb.

"We're free."

"I'm always free," singit ni Azi saka inilapag sa harapan niya ang umuusok na mug.

"Thanks, Azi."

Umupo na ito sa binakanteng upuan ni Caleb kanina. Sa pagitan ng pagkain ay ang pagkukuwentuhan nila.

"Are you two dating?" biglang sabi ni Aki habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Caleb.

Hindi niya alam kung sinadya nito iyong itanong habang umiinom siya dahil sadista ba ito o coincidence lang pero dahil sa gulat niya sa tanong nito, naibuga niya ang iniinom na hot chocolate. Dahil bahagyang nakaharap kay Caleb, natamaan niya ito ng hot chocolate.

"Oh, my God. I'm sorry, Caleb. Sorry!" natatarantang aniya saka kumuha ng tissue. Dali-dali niyang pinunasan ang collarbone nito, maging ang ilang parte ng damit nitong nabasa. "Sorry, sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Si Aki kasi!" paninisi niya.

Pinigilan siya ni Caleb sa kanyang bisig. Pagtingin niya kay Caleb ay nakita niyang nakatingala ito na para bang iniiwas sa kanya ang tingin.

"Caleb?"

Saka niya na-realize kung saan niya dapat pupunasan si Caleb kung hindi nito pinigil ang kamay niya. She was about to touch his abs! Hala! Hindi 'yon sadya!

"S-sorry!"

Hinaklit niya ang braso saka umayos ng upo. Pagtingin niya sa mga kasama nila sa mesa, parang gusto na niyang lumubog sa kinauupuan. Nakangisi ang mga ito na para bang enjoy na enjoy sa napanood.

"Hindi ko alam na aggressive ka pala, Patty," natatawang ani Azi.

"S-shut up!"

Sa pagitan ng asaran at kulitan, nakikita ni Patty ang sarili na maya't mayang napapatitig kay Caleb.

How could a person love so much like this?

She was happy before but now... now that she has a love like this in her heart, she felt happier. Lighter. She didn't know what would happen to this love but she didn't care. She would just love.

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Where stories live. Discover now