Kabanata 24

164 6 0
                                    

Kabanata 24

HINDI makita ni Patty kung nasaan dito ang "small party" na sinasabi ni Azi. Puno ng tao ang bulwagan ng mga Del Valle. Everyone was mingling with each other and she totally felt so out of place!

The Del Valle family was a nice family and they made her feel so welcomed. Nakilala na niya ang patriarch na si Jacob Del Valle maging ang mga kapatid ni Azi na sina Achilles (Aki), Apollo (Ali), at Aphrodite (Adi). Even the cousins were nice. Sadya lang na hindi siya kumportable.

Dahil siguro sa itinago niyang katotohanan. She was feeling guilty. They accepted her so easily. Ni hindi nagtaka ang mga ito, hindi nanghingi ng proof na kaibigan nga siya ni Pauline. They trusted her so easily it was mind-boggling.

Hinanap ng kanyang tingin si Caleb. Nangunot ang kanyang noo nang hindi makita ang lalaki sa paligid. Nagpasya siyang maglakad-lakad. Hindi niya namalayang sa malawak na garden siya dinala ng mga paa. Lumapit siya sa fountain na nandoon. Dumukwang siya saka ikinawkaw ang kamay sa tubig.

"Bakit nandito ka?"

Napapiksi siya Patty saka napatuwid ng tayo nang marinig ang tinig na iyon ni Caleb. Nilingon niya ang lalaki. Mula sa dilim ay lumitaw ang pigura nito. Lumapit sa kanya ang lalaki habang seryoso ang mukha.

"Masyadong magulo sa loob, eh," sabi niya.

"Hmm."

Umupo si Caleb sa pasimano ng fountain. Nang walang sinabi ang lalaki ay ginaya niya ito.

"Are you... okay?"

Matagal bago sumagot ang lalaki. "I think so."

"Ah."

Silence reigned between them. Patty could not explain the air around Caleb. Was it pain? Anguish? Fear?

"They're all nice. Hindi ko alam kung bakit pa ako kinabahan," putol niya sa katahimikang namayani sa pagitan nila.

"Yeah. They were nice. Too nice. They never blamed me for the accident."

"Maybe it's because you're not at fault."

Hindi sumagot si Caleb. Nanatiling nakatingala ang lalaki sa kalangitan. Mula sa lalaki ay lumipat ang tingin niya sa langit. She wondered why there were so many stars in here but so few in the city.

"Alam mo bang noong maliit ako, pangarap kong makahuli ng bituin."

"What?"

She chuckled when she remembered how silly she was thinking she could catch a star and make it her pet. "Nalaman kong hindi pala mahuhuli ang bituin pero puwedeng bumili at ipangalan sa sarili. Alam mo bang pangarap kong magkaroon ng star na sa 'kin nakapangalan? Pinagalitan pa nga ako nila Kuya Pace kasi sabi ko, once na hindi na kayanin ng katawan ko ang sakit at mamatay ako, gusto kong ipangalan nila sa 'kin ang isang bituin para hindi nila ako masyadong ma-miss."

Naramdaman niya ang paggagap ni Caleb sa kanyang palad. Hindi niya inalis ang tingin sa langit.

"And now?"

"Now... I just want to fulfill that kid's silly dream. To have a star named after me. To remember that, that kid was able to grow and live."

"I'll buy you a star."

Natawa si Patty saka siniko si Caleb. "Ewan ko sa 'yo." Bahagya siyang sumandal sa balikat nito saka pumikit. Hinayaan naman siya ni Caleb. Who would have thought that the guy who was so serious before, who did his best to stay away from her, was now letting her be this close to him? "Bakit sinasabi nila Azi at Tita Anya na nagmo-mongha ka?"

Napaungol si Caleb saka sinapo ang ulo. "Let's not talk about it."

"Sabihin mo na," ungot niya.

Napabuga ng hangin si Caleb. "When Pauline died five years ago, all I could feel was anger. Anger at myself for failing her. I became angry at the world, at everything. I turned my back on my family... on Pauline's family. I couldn't face them."

"Caleb..."

Nagpatuloy ang lalaki na para bang hindi siya narinig. "Unti-unti, para akong nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Imbes na asikasuhin ang trabaho sa kompanya namin, mas gusto kong magpunta sa bar at magpakalunod sa alak. I was self-destructing. I didn't know it before. I was too blind to see it. It wasn't until my family got tired of fixing my mess. They told me not to bother with the company unless I am serious about it." A sardonic laugh escaped his lips. "And here I am now. Who's the weak one now, Patricia?"

Hindi makasagot si Patty. The pain he felt was different from her own. She didn't know what he had been through so she couldn't judge him. Each of them have different way of coping. She would never judge him. She would never demean him.

"You are weak," wala sa sariling sabi niya. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Caleb bago nito iniwas ang tingin sa kanya. Sinapo ni Patty ang mukha nito at pilit iyong hinaharap sa kanya. "But you can be strong, Caleb," sabi niya.

Hindi kumibo ang lalaki at nanatiling nakatitig sa kanya. Mayamaya'y napabuga ito ng hangin saka masuyong ipinatong ang mga palad sa palad niyang kumukulong sa mukha nito.

"You always know what to say, Patricia."

"It's Patty," pagtatama niya.

Inalis na ni Patty ang mga kamay sa mukha ni Caleb. They remained sitting with each other. Wala na sa isip nila ang party na nagaganap sa loob ng mansion ng mga Del Valle. It was as if all that mattered was the person sitting next to them.

"You've changed," sabi niya. "Wala kang ginawa dati kundi sumimangot. Malamig ang tingin mo sa 'kin. Suplado ka pa. Pero ngayon... ngayon, ngumingiti ka na. Tumatawa. I... like it."

Hindi kumibo si Caleb. Pinisil lang nito ang kamay niya habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

I like you, piping aniya.

Umangat ang kanyang libreng kamay saka idinutdot iyon sa tungki ng ilong ni Caleb. "Boop," sabi niya.

Amusement was written all over his face before he shook his head. "You are so silly."

Natawa naman si Patty. Sumandal siyang muli sa balikat nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanila ni Caleb. Ang alam niya, mahal na niya ito. Ganoon kasimple. Ganoon kadali. Ganoon kabilis.

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu