Kabanata 13

148 11 3
                                    

Kabanata 13

"WALA bang iba?" nakalabing ani Patty habang nakatingin sa pagkain na in-order ni Caleb.

Dito na sila nag-decide na mag-lunch sa flower farm. May maliit na kainan doon. Nag-take out sila ng pagkain at sa free nipa hut nag-decide na pumuwesto.

Vegan-style ang restaurant sa flower farm. She didn't dislike vegetables. Pero kasi, lumaki siyang halos puro gulay ang kinakain. Nanawa siya at ngayong puwede na siyang kumain ng kahit ano (moderately, syempre), gusto niyang tumikhim ng iba naman.

"Ikaw ang may gustong dito tayo kumain. Ano ang gusto mong kainin? Bulaklak?" sarkastikong anito habang isinasalansan ang mga pagkain sa mesa.

"Chicharong bulaklak?"

An exasperated sigh left his lips. "Kung anu-anong sinasabi mo."

"Gusto ko ng barbeque," sabi niya.

"Next time."

"Saka ng roasted chicken!"

"Next time."

"Saka ikaw."

"Next time—Patricia!"

Natawa siya. "Ayan, hindi ka kasi nakikinig."

Napailing ito saka sinapo ang mukha. "Bakit ka ba sa 'kin pinagbilin ni Azrael?"

Nagkibit siya ng balikat saka ngumisi. "Ayaw lang siguro ni Azi na mag-mongha ka sa cabin at maging grumpy old troll."

Bumalot ang pagtataka sa mukha ni Caleb. "What? Grumpy old troll?"

"Teka." Inilabas niya ang cellphone saka kumonekta sa internet gamit ang mobile data. May s-in-earch siya sa internet saka iyon ipinakita kay Caleb. "Ayan. Grumpy Old Troll. Ikaw 'yan," proud na sabi niya.

Bigla na lang pinitik ni Caleb ang noo niya. "Magtigil ka."

Nasapo ni Patty ang noo. "Aray, ha!"

"Kumain na tayo."

"Kumain na tayo," panggagaya niya saka nag-make face. Nag-peace sign siya nang sumama ang tingin ni Caleb sa kanya. Nilagyan na nito ng pagkain ang paper plate niya.

Kahit na alam niyang napipilitan lang itong samahan siya, maasikaso pa rin ito sa kanya. Kaya nasasabi niyang kahit ganitong seryoso, malamig, at tila galit sa mundo si Caleb, mabuti itong tao. Nasaktan lang ito. Iyong sakit na imbes na gamutin, hinayaan nitong nasa puso lang nito.

Nang maamoy ang mabangong pagkain ay saka nakaramdam ng gutom si Patty. Dire-diretso ang subo niya at hindi na ininda ang poise-poise na 'yan. Si Caleb lang naman 'tong kaharap niya, 'no!

Nagulat si Patty nang bigla na lang niyang maramdaman ang daliri ni Caleb sa sulok ng labi niya. Namimilog ang mga matang napatingin siya sa lalaki. Kagaya niya ay may nagdaan din pagkagulat sa mukha nito na para bang hindi rin nito inaasahan ang ginawa nito.

"Hindi ka mauubusan ng pagkain," sita nito saka tumikhim para marahil alisin ang tensyong pumalibot sa kanilang dalawa.

Nagtataka man sa inasta nito ay ipinagsawalang-kibo na lang niya iyon.

Caleb was weird like that.

And so was she when until now, it was as if she could still feel the warmth from his touch.





"BAKIT hindi ka pa natutulog?"

Mula sa pagtingin sa kalangitan ay binalingan ni Patty si Caleb. Hindi na siya nagulat na gising pa ito kahit lagpas alas dos na ng madaling araw. Muli ay nakahiga siya sa duyan sa may balkonahe. Dinig niya ang alon sa dagat maging ang huni ng mga ibon.

"Hindi lang ako makatulog."

Paglingon niya kay Caleb ay saka niya nakitang humiga rin ito sa may duyan sa may balkonahe ng cabin nito. He was looking at the sky with an expression she could not name.

"Salamat sa pagsama sa 'kin kahapon kahit napilitan ka lang," wala sa sariling sabi niya.

He grunted. It was the end of their conversation, so it seemed.

Ibinalik na ni Patty ang atensiyon sa langit. Ang daming bituin at bilog na bilog ang buwan. She remembered wishing many times for a healtier body when she was small. Kahit hindi falling star, humihiling siya sa bituin. She was that silly. Was the star able to hear her wish?

"Mamaya..."

Napabaling siya kay Caleb nang magsalita ito. "Ano?" untag niya nang hindi ito tumuloy sa pagsasalita.

Tumikhim ito bago nagpatuloy. "Mamaya, kung may pupuntahan ka, sasamahan kita."

Napangiti nang mawalak si Patty. "Enjoy kang kasama ako?"

Tumalim ang tingin nito sa kanya. "Sa 'kin ka ipinagbilin ni Azrael!" angil nito.

Natawa siya. "Oo na. Kahit 'wag mo nang aminin na nagustuhan mo ang company ko."

"Shut up, Patricia!"

"Shy-type ka pala, sungit."

"Patricia, isa!"

Sinagot niya ng tawa ang pagbabanta nito.

Despite the darkness, Patty never felt so safe and warm like she felt right now.

His Beautiful Redemption (Beautiful Trilogy #3) (To be published under PHR)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu