Ayos naman iyon sa kaniya. Dahil bukod sa natatanggap niyang 1 million na suweldo every month. Hobby na din nila ni Letter na mambuwisit sa nanahimik niyang Kuya na mukhang laging banggag at wala ang kaluluwa sa sarili sa trabaho.





O D A N U Z
Na anak ng Ina ko,
P.O.V


MAGKAKASAMA kaming anim sa loob ng isang magarang--- "Ma? Ano ngang tawag sa tinutuluyan natin?" Sorry sorry mga ka-yow. Wala kasi akong alam rito, galing kasi ako sa banyo para magbawas. Napakamot pa ako ng buhok. Tinignan niya ako at nakataas na naman ang isa niyang kilay sa'kin. Maldita e.

"Hotel. Hotel ang tawag rito. Bakit mo na itanong?"

Nginitian ko siya. Ang ganda talaga ni Mama, kaso madalas shunga at mukhang adik. "Huwag mo na Mama alamin. Pero dahil mapilit ka. Gumagawa po ako ng sulat para kay Pareng Tulfo. Ibinigay ko nga din po pala Mama ang location natin sa mga pulis e."

"Bakit?" Magkasalubong na ang kilay niya. Ngumisi ako.

"Kasi sinabi ko na nandito ang kilalang drug adik ng bansa. Mama, inilaglag ka na namin Ma sa mga pulis. Mag-iingat ka po sa kulungan, ha? Kita-kits na lang sa 10,000,000,000 years."

Umilag ako ng binalak niyang ibato sa'kin ang unan. Tinawanan ko siya na may kasamang kembot. Narinig ko pa nga reklamo niya. Luh si Mama, parang 'di na siya sanay sa'min....

"Buwis*t ka ano?" Kinindatan ko lang siya at patakbong linapitan ang isang babasagin na pintuan. Sabi ni Mama balcony raw 'to. Sabi namin ng mga utol ko e, terrace ito. Si Mama kasi pauso. Balcony balcony pang nalalaman.

Pagkabukas ko ng pintuan ay nadatnan ko si Arkus na nakabukas ang dalawang braso habang yakap siya ni Uranus sa kaniyang likuran. Narinig ko din ang mga nagkakasingkantahan na si Ikarus at Erkus. Ganoon din ang ayos nila sa nauna. Napanguso ako.

"Every night in my dreams, I see you.... i feel you.🎶" Erkus.

Napahawak ako sa bibig. Hindi nila ako sinali!

"Mga traydor!" Sigaw ko.

Sabay-sabay silang humarap sa'kin. "Oda... Oda... let us explain," sumimangot ako. Joke, joke lang e. Mga uto-uto din. Linapitan ko sila at sabay-sabay kong sinenyasan na mag-akbayan kaming lima. Sinilip namin ang magandang siyudad. Sabi ni Mama, building raw ang tawag sa mga nagsisitaasan na bagay na 'to, akala niya naman hindi namin alam 'yom. Napakunot ang noo ko ng mapansin ang napakataas na building. Kakaiba siya sa lahat. Sobrang taas niya e.

"Kita niyo 'yon? Taas nung building." Sabi ko.

"Oo nga ano? Minsan sabihin natin kay Mama na pumunta tayo roon." Nagsitanguan kami sa sinabi ni Uranus. Gusto ko din noon.

"Tapos ihulog natin si Mama? Titignan natin kung gaano kataas iyung building! Titignan natin kung buhay pa siya pagkatapos n'on!" Nagpalakpakan kami sa naisip ni Arkus. Tama tama.....

Sumabat din si Erkus. "Hindi 'yan si Mama basta mahuhulog. Immortal 'yan e." Nagsinang-ayunan kami. Nagkuwentuhan kami hanggang sa bigla na lang kaming nanahimik at pinagmamasdan na lang ang mapayapang kalangitan. Napangiti ako ng makita ang anim na ibon na nagsisiliparan. Si Mama, si Arkus, Ikarus, Erkus si Odanuz at Uranus. Anim....

"Si Mama.... ayos lang ba siya?" Tanong ko. Naramdaman ko ang pagtapik nila sa'king likuran.

"Masaya si Mama," nanigurado na sabi ng katabi kong si Uranus.

"Okay lang si Mama," Erkus.

"Si Mama ay si Mama pa rin," Arkus.

"Masaya si Mama. Okay lang si Mama. Si Mama ay si Mama pa rin---" sabay-sabay namin binatukan ai Ikarus.

"Masakit 'yon!" Angil niya.

"Gagaya-gaya ka kasi!" Sigaw ko sa kaniya. Sumimangot lang siya sa'min. Ibinalik ko ulit ang tingin si tanawin.

"Mga lalaki anong pinagmi-meeting-an niyo?" Liningon namin si Mama. Napangiti kami ng suot niya ang regalo namin sa kaniya na damit. Dress iyon na strap lang sabi noong ale. Wala naman kaming alam sa mga damit pambabae. Kulay peach, uso iyon kaya binili namin kay Mama. Nagustuhan namin ang kulay kaya sapilitan namin na ipatago roon kay Ale. Para hindi mabili ng iba. Masaya kami ng bumagay sa kaniya.

Payat na payat si Mama.

"Huwag Mama kalimutan gumamit ng rexona ha?" Nagtawanan kami sa paalala ni Arkus. Sinimangutan niya kami.

"Hay nako, magbihis na nga kayo at aalis tayo ngayon," nagkatinginan kaming lima at patakbong pumasok ulit para maligo na't mag-ayos.

Lumabas kami na mukhang hype na hype beast ang datingan. "Yow!" Nagsi-fist bam din kaming magkakapatid.

"Grabe. Mukha kayong mga gangsters." Nguminguwi si Mama. Si Mama talaga sinaunang tao talaga. Hindi niya ba alam na ganito na ang mga sikat ngayon? Mga tidied na t-shirt. Mga rip jeans. Gold tag. Bling bling. Gold chain. Road trip broom broom. Mga ganoon!

Inayos namin ang pagkakasuot ng sumbrero. Nakabaliktad 'to. May suot din kaming mga singsing na bungo ang design niya. Cool ano?

May panyo din kaming naka-ipit sa'ming maluwag na pantalon. Nakalaylay lang iyon para galawan cool boys. Kami ang hari ng kalsada. Walang titibag sa'min. Kami lang malakas🤙🤙.

"Mama nakaladlad lang 'yang buhok mo?" Tanong ko. Tumango lang siya. May backpack si Mama na may mukha ni Dora the laskuwatsera. Iyung bruha na hindi alam ang direksyon na pupuntahan. Layas e. Shunga.

"Aalis na tayo," kumapit na kami sa kaniya pagkasabi niya n'on. Napangiti kami magkakapatid. Excited na ako sa pamamasyal namin ngayon! Hihihi! Ililigaw namin si Mama.

Hiding Vowels Onde as histórias ganham vida. Descobre agora