🎭 TWENTY-THIRD BEAT

72 5 27
                                    

MINSAN, PARANG ANG MASARAP gawin ay tumunganga na lang sa dami ng mga iniisip ko sa buhay. Alam kong wala nang laman ang aking kokote, pero wagas naman sa lalim ang mga pinag-iisip ko. Kaunti na lang talaga, iuumpog ko na ang ulo ko sa mesang gawa sa semento kung saan ako nakaupo ngayon.

Habang hinihintay ang oras ng klase, nakatambay lang kaming magkakaibigan sa may tapat ng school building. Pero heto, maya't maya pa ang pagiging wala ko sa sariling ulirat sa lalim ng iniisip ko.

Pero panira naman ng moment ko sa maya't mayang naririnig ko na nag-uumpugang betlog. Kanina pa ako naiirita sa ingay na ginagawa nitong si Mok-mok sa paglalaro ng lato-lato.

Napabuga ako ng hangin. "Mok-mok, utang na loob! 'Di ka ba, titigil? Ipakain ko kaya sa 'yo 'yang lato-lato mo!" Nilakasan ko pa boses ko sa sobrang inis. Tanghaling tapat, sira na agad ang mood ko.

"O, chill ka lang, p're. Init naman ng ulo mo." Minasa-masahe pa nga Mok-mok 'yong balikat ko habang nakaupo ako. Pero wala, inis pa rin ako.

"Oo nga. Puwede, itigil mo muna 'yan, kanina pa naririndi tainga namin sa 'yo." Sumunod pang nagsalita itong si Oliver na maski siya, naiirita na rin sa tunog ng laruan ni Mok-mok.

"E 'di, sorry," sagot nitong si Mok-mok. Pero ang ginawa niya...itinuloy pa rin ang paglalaro.

Ewan ko ba kung bakit Lunes na Lunes, stress na stress na ako agad. Puwede ko na talagang ikamatay itong pagiging overthinker ko. Wow! Sana, ganito rin effort ko sa pag-iisip para sa subjects namin.

Pero ang totoo niyan, napaisip lang ako sa sinabi sa akin ni Papa kahapon tungkol kay Donny. Sa mga pagkakataong iyon, mas nagkaroon ako ng takot para sa aming dalawa. Paano kung malaman nga niya na lalaki rin nga ang gusto ko? Ayaw ko lang na magkaroon ng gulo.

Maski sa mga kaibigan ko, ayaw ko pang sabihin ang totoo sa kung ano ang namamagitan sa aming dalawa. Katulad ni Donny, mahalaga silang tatlo sa akin, at hindi ko kayang mawala sila nang gano'n-gano'n na lang. Putik, parang ang hirap nga na mapasok sa ganitong sitwasyon.

Habang nagkukuwentuhan pa nga kaming apat, bigla namang napasigaw itong si Oliver at may kung sino'ng tinawag, "Donny!"

Naistatuwa ako sa kinauupuan noong marinig ang pangalang iyon. Lumakas ang kabog ng puso ko nang makita siyang papalapit sa amin. "Hey, Donny, my friend. Come here." Narinig ko pa ang pagyaya ni Oliver.

Grabe, wala man siyang ipinagbago noong huling nagkita kami, pero iba pa rin ang epekto niya sa akin. Parang araw-araw, mas lalo siyang gumaguwapo sa paningin ko.

"Uy," bati sa akin ni Donny at saka ako tinanguan.

"Uy. Kumusta?" chill kong bati pabalik sa kaniya at saka pa nakipag-apir. Tapos, hanggang doon na lang, wala nang iba.

Wow, parang hindi naglaplapan noong isang gabi, a?

Pero maliwanag pa talaga sa sikat ng araw ang hitsura niya ngayon. Ang aliwalas talaga ng mukha ni Donny kahit kailan. Ewan ko ba, makita ko lang na nakangiti ang lalaking ito, okay na. Solb na ang buong araw ko. Wala na, umiikot na ulit ang mundo ko.

Nakita ko namang napangisi itong si Mok-mok; mukhang tumigil na sa paglalato-lato niya. "Pansin ko lang, lalo kang pumopogi ngayon, a? Ano secret mo?" Inakbayan pa niya si Donny.

"Gago, ano na naman 'yan?"

"Patay-gutom ka talaga, Mok. Gusto mo lang niyang makalibre, e." Siniko ni Oliver ang loko.

Dumepensa itong si Mok-mok at ayaw pang tumigil, "Grabe kayo. Napansin ko lang si Donny. Kita n'yo, kahit maraming pinagagawa 'yong mga teachers natin, fresh pa din siya. 'Di man mukhang haggard. May pina-practice pang play 'yan, a?"

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now