🎭 SIXTH BEAT

99 7 21
                                    

"SINO KA AT SAANG lupalop ka nagmula?"

Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa akin at bakit hindi ako matanggal-tanggal sa Teatro Apaliteño sa kabila ng mga pinanggagagawa ko. Pero baka no choice na talaga sina Sir Joko sa akin kaya ako pa rin ang gaganap na Titaneo.

"Prinsipe Oberon ng Camiro. Ako ay humihingi ng paumanhin dahil ako'y naliligaw at hindi makabalik sa amin."

Kaming dalawa ang unang sinalang sa rehearsals ngayong araw. Ito ay ang unang pagtatagpo nina Prinsipe Oberon at Prinsipe Titaneo. Malamang din, marami pang pagkakataon na lagi kaming magkakaeksena ng lalaking ito-siyempre, kami ni Donny ang bid. Kami ang may maraming interactions sa isa't isa-wala na naman akong magagawa kahit labag sa kalooban ko at kahit na naiinis pa rin ako sa kaniya. Wala, e, nandito na ako. Ito ang ginusto ko.

"Malamang ay isa kang tao. Alam mo bang ipinagbabawal sa kahariang ito ang sinumang tao na manghimasok? Mga kawal, dakpin ang lalaking ito!"

"Wala kayong karapatang hulihin ako."

"At sino ka para sabihin iyan? Ako ang prinsipe ng kahariang ito at wala kang karapatang baliin ang aking kautusan! Dalhin siya sa piitan, ngayon din."

Nagawi ang mata ko kay Donny habang binabasa namin ang script. As usual, wala pa ring imikan sa aming dalawa. May kaunting dinaramdam pa rin...siguro? Pero dahil nandito na rin ako, mas okay nang maging civil ang pakikitungo ko sa kaniya-plastikan na nga lang, pinaganda ko pa. Siyempre, kung mag-aartista man ako, kailangan kong maging professional, kahit na mahangin pa sa signal number five na bagyo ang katrabaho ko.

Dahil ito na ang second chance na ibinigay sa akin ni Sir Joko, kailangan kong patunayan sa kaniya na karapat-dapat talaga ako sa play na ito. Hindi na puwede ang lalamya-lamya at tatamad-tamad; sabi nga sa basketball, do-or-die.

"Puwede na, Chester. At least, mas okay kaysa dati." Isang matipid na ngiti ang ipinakita ni Sir Joko habang nakaupo at nakapakrus ang braso.

Himala! For the first time, may nagawa akong tama sa buhay ko. Alam kong simple lang ang ginawa ko, pero ang sarap pala sa feeling na natuwa sa akin si Sir Joko na parang kailan lang, halos madurog na ako sa kakasermon niya.

Medyo umepektus din pala sa 'kin ang paggaya kay David Licauco sa role niya na. Ginoong Fidel. Assignment kasi ni Sir Joko na manood ng Maria Clara at Ibarra para maging guide sa pag-arte ko.

"Thank you po, sir." Nginitian ko si Sir Joko, 'yong halos mapunit na ang pisngi ko sa lawak. Sumulyap pa ako kay Donny at tinitigan nang may pagtaas-taas pa ng kilay. Tapos ay ngumisi siya sabay iwas ng tingin sa akin. Wala na, mayabang na ako nito.

"Ayusin mo pa niyan, Chester, a?" Tumango ako bago siya nagsabi pa ng "Sige, continue."

Noong mga hapong iyon, naging maayos naman ang daloy ng aming rehearsals. Talagang tinuldukan ni Sir Joko ang paraan ng aming pagsasalita at paggalaw para mas makilala ang mga character na ginagampanan namin.

Siyempre, may mga kaunting sermon pa akong natatanggap kay sir, pero hindi na ganoon kalala hindi tulad noong mga nakaraang araw. Kahit ganoon, mas naging maayos na ang lahat. Kung script reading lang ang gagawin, ang dali-dali lang pala. Puwede, ganito na lang gawin ko sa play?

Mga alas-sais na ng gabi natapos ang rehearsals-kasabay ng dismissal namin sa afternoon session. Kakakuha ko lang ng aking bag mula sa upuan at nakita kong nagsisimulang maglinis ang mga kasamahan ko pagkatapos gamitin ang lumang classroom para gawing rehearsals room.

E, kahit ako ay tatamad-tamad, tamang tulong pa rin ako sa pagpapatong ng mga monobloc chairs pagkatapos gamitin. Tapos napansin ko pa itong si Donny na kinausap ang isa kong kasamang babae na si Alliah na gumaganap na isa sa mga diwata.

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now