🎭 TWENTY-SECOND BEAT

96 5 41
                                    

KANINA PA NAKATUTOK ANG mga mata ko habang pinanonood si Donny habang pinagbabaliktad 'yong mga karne na niluluto niya sa ihawan na nasa gitna ng mesa namin.

Ewan ko ba kay Donny at saang lupalop ako dinala at bakit sa isang samgyup place pa dito sa may San Fernando. Ako na nga 'yong nag-suggest na sa Jollibee o kaya Mang Inasal na lang kami kumain ng lunch namin, pero mapilit talaga ang lalaking ito. Si Donny pa nga ang nag-drive noong kotse ng papa niya para makarating kami rito.

"Hoy, ano tinitingin-tingin mo diyan? Tulungan mo kaya ako dito 'no, Chester?" Bigla namang nagsalita itong si Donny sa harapan ko nagpawala sa aking pagiging lutang habang nakatitig sa mga lettuce at kung ano-anong anek na nasa mesa.

Hindi ko na nga rin mapigilan ang sarili ko at saka huminga nang malalim. "Alam mo, parang tanga naman kasi ginagawa natin. Kakain na nga lang tayo sa labas, tapos tayo pa paglulutuin. Ang hassle naman nito. E, kung may paganitong niluluto sa harap natin pala gusto mo, e 'di, sana, nag-Angel's Burger na lang tayo."

Napatalak tuloy ako nang wala sa oras. Aga-aga, pagbubunganga ang inaatupag ko.

"Tanginamo, dami mong reklamo." Sa sobrang inis ni Donny, mukhang hahampasin pa niya ako nitong tongs na hawak niya.

Oo na, ako nang mareklamo. Pati nga itong kasama ko, gusto ko na ring ireklamo—bakit ba sobrang guwapo nitong Donny na ito? Kainis!

Sumubo na lang ako ng isang piraso ng bulilit na patatas na nakalagay roon sa maliit na platito kasama noong iba pang side dishes na naka-serve sa amin. O, chopsticks pa gamit ko. Akala ni Donny, siya lang marunong? Pasalamat na lang talaga ako kay Japs na nagturo sa amin, magagamit ko na rin pala ang skills ko sa ganito.

Pagkatikim ko pa nga, in fairness, masarap naman...lasang minatamis na kamote. Hindi lang talaga sanay ang panlasa ko sa mga ganitong kore-Korean.

Masasarap nga rin naman ang mga i-si-nerve at ’yong mga karne na pinagluluto ni Donny para sa amin. At halos lahat naman ay nagustuhan ko. Siyempre, kailangang lubusin dahil unlimited naman lahat. Pero aminin, mas sumasarap talaga ang pagkain kapag libre.

Paka-aesthetic pa nga ang suot nitong si Donny ngayon—orange and black jacket, tapos nakasuot pa siya ng baston na pantalon. May pa-beanie pa siya sa ulo na kulay black. Tapos ako, simpleng gray na hoodie jacket at saka maong shorts na galing Divisoria lang ang suot ko. Lakas maka-date nitong pormahan namin.

Hindi ko masasabing date ito pero parang ganoon na nga. Dami kasing paandar nitong si Donny, pero siyempre tamang sunod na lang ako sa kaniya. Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong time dahil after two weeks na ang magiging performance namin para sa play.

Habang busy akong kumakain ng samgyup meat, bigla naman akong tinawag ni Donny.

“Uy, picture-an kita, dali,” sabi niya na sobrang excited, tapos ay naglabas siya ng cellphone.

“Uy, psst! Gusto mo bang mabuking tayo?” Kumontra ako sabay pakita ng violent reaction kay Donny.

“Solo picture lang naman, uy! Sige na.” Ayaw pa akong tigilan ng Donny na ito.

“Ayoko nga sabi, e.” Hindi ako nagpatalo kay Donny.

“Sige na.”

“No.”

“Please.” Ngumiti pa ang loko at saka nagpa-cute sa akin. Wala na, naglabas na ng alas.

Napairap muna ako bago nagdesisyon. E ’di, no choice, pinagbigyan ko na lang ang request ng lalaking ito. Tae lang, ang hirap namang humindi sa lalaking ito. Kaya nga ako nahuhulog dahil sa mga paganito niya.

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now