🎭 NINTH BEAT

86 7 12
                                    

KUNG MAY CONTEST SA amin ni Donny sa pagiging sabaw, walang duda, ako na ang panalo sa labang ito.

Pero 'yong feeling na kung saan doon na nga ako magaling, mauungusan pa rin niya ako? Aba, hindi ko matatanggap iyon.

Monday na Monday, at napakaaga pa nang ipatawag kami ni Sir Joko para mag-rehearse na sa school. E, ako kahit dakilang tamad, pumunta pa rin kasi no choice dahil ako nga ang bida. Pero kahit na, nag-e-enjoy naman ako sa rehearsals namin. Mga alas-siyete y media na nga rin nang makapagsimula na kami.

Kami ni Donny ang unang isinalang ni Sir Joko at pinapunta as usual sa harapan. Confession scene na ang nire-rehearse namin ni Donny ngayon.

"Oberon, sandali! Huwag kang aalis," madamdamin kong sabi habang inaabot ko pa ang kamay ko kay Donny na naglalakad palayo sa akin. O, wala nang script-script iyan. Nakakabisado ko na nga ang lines ko...mga 60% siguro.

Sumunod na si Donny na ibato ang kaniyang lines, "Hindi ko na kaya. Hindi ko na mapigilan itong nararamdaman ko sa iyo, Titeneo-wait, uh...Titaneo."

Sandali, ano daw? Titeneo?

"Cut! Cut!" Napa-cut tuloy si Sir Joko habang nagsisitawanan 'yong mga kasamahan namin. Tapos ako, tamang pigil lang sa pagtawa sabay takip ng bibig ko gamit ang kamay. Umagang kay kalat pala ngayon.

Parang iba yata gustong sabihin ni Donny, a?

"Ano'ng Titeneo? Donny, jusko ayusin mo naman." Napatayo si Sir Joko sabay tampal ng noo. Natigil din katatawa 'yong iba naming kasama.

"Sorry po, sir." Ngumiti si Donny habang inaayos ang kaniyang sarili. Pero kanina ko pa napapansin ang lungkot sa kaniyang mukha.

"Sige, from the top!" utos ni Sir Joko kaya inayos namin ulit ang aming posisyon. "Three...two...one...go!"

Iyon nga lang, ang akala ko, doon na natatapos ang lahat.

"Oberon, sandali! Huwag kang aalis."

"Hindi ko na kaya. Hindi ko na mapigilan itong nararamdaman ko sa iyo, Titaneo. Masiyado mo nang pinahihirapan ang puso ko tuwing lagi kitang nakikita. Magkaiba man tayo ng mundong ginagalawan, pero tila ba sa iyo na umiikot ang mundo ko."

Kumpara sa mga naging rehearsals namin, walang emosyon kung umarte ngayon ang kasama ko, hindi siya si Donny o hindi rin siya si Oberon.

"Donny, bakit malamya tayo ngayon?" tanong ni Sir Joko na mukhang hindi masaya sa performance ni Donny. Kitang-kita ang inis ng teacher namin, pero mukhang nagpipigil.

"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, a? Nag-breakfast ka ba?" patuloy ni Sir Joko nang may pag-aalala pero napakamot na siya ng kulot niyang buhok na namumuti dahil sa kunsumisyon at kakasermon.

"Uy, okay ka lang, Donny?" sunod na nagtanong si Angel na nakaupo sa likuran ng teacher namin.

Sumagot si Donny nang may ngiti, "Yes po, sir. Don't worry, okay lang ako."

"Sabihan mo lang ako if 'di maganda nararamdaman mo today," pag-a-advice pa nitong si sir bago namin ipagpatuloy ang rehearsals.

Tiningnan ko lang si Donny at saka tumango bago ulit kami nag-start.

For the first time na mapagsabihan nang ganito si Donny, kaya pakiramdam ko, may kakaiba sa kaniya ngayong araw. Nag-iba nga yata ang ikot ng mundo. Pero ewan ko ba, kahit may pagka-demonyo ako, hindi naman puwedeng matuwa ako sa ganitong nangyayari sa kaniya, ano?

Noong subject nga rin namin kay Sir Calara, nagpa-quiz siya sa amin noong kasisimula lang ng oras niya. E, alam ko naman ang sarili ko, dahil hindi ako gaanong pala-review, kaya expected ko na kung ano ang magiging score ko. Hindi bale nang mababa ang score dahil basta para sa akin, ang mahalaga, wala akong tinatapakang tao. Immune na ako diyan lalo na noong in-announce ang score ko-five over fifteen.

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now