🎭 TENTH BEAT

86 6 18
                                    

GANITO PALA FEELING NA sa simula, ayaw ko sa kaniya pero habang tumatagal, unti-unti ko na pala siyang nagugustuhan.

Nakatayo kami ni Niel sa gitna ng mga nakapalibot na mga upuan, tapos ako, seryosong binitiwan ang line ko, “Ama, hindi n’yo dapat ipagawa ang lahat ng iyon kay Oberon! Sige na, itigil n’yo na ito, nagmamakaawa po ako sa inyo.” Pero ngayon, may kaniya-kaniya kaming suot na kurtina at fairy wings para sa aming mga diwata. Hindi pa naman ito ang actual na costume para sa play, pero para at least, masanay na kami na iba ang susuotin namin.

Ito ang scene na kung saan ipinagawa ni Haring Rillius ang mga mahihirap na pagsubok kay Oberon para patunayan ang pagmamahal kay Titaneo. Grabe, kung sa mga teleserye lang ito, milyones lang ang katapat para ilayo ng matapobreng magulang ang anak sa taong mahal niya.

Pero uy, isa ito sa mga pinakamabibigat na part ko sa play kaya siyempre, seryosong acting-an dapat ang gagawin ko. Hindi na puwede ang aanga-anga rito.

“Hindi, Titaneo. Kailangan na gawin ni Oberon ang nararapat.” Matigas ang boses ni Niel habang binibigkas ang mga sasabihin niya. E, hari ba naman ang role niya.

“Pero Ama, hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin upang patunayang karapat-dapat siya?”

“Dapat na tanggapin mo ang katotohanan, Titaneo. Diwata ka, tao siya. At hindi pupuwede ang gusto mong mangyari. Magkaiba kayo ng mundong ginagalawan.”

Nag-internalize muna ako saglit, bago ulit may sinabi habang kaharap si Niel, “Kailan pa naging sukatan iyon? Magkaiba man kami, oo. Pero hindi iyon sapat para maging hadlang sa aming dalawa. Iba man ang kinalakhan naming mundo, iisa lang ang tibok ng puso namin.”

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang emosyon ko na basta-basta na lang lumabas sa akin. Pero siguro sa sinabi nga ni Donny noon sa akin. English pa nga iyon—to put myself into his shoes—kung ako ang nasa kalagayan ni Titaneo, paano ako magre-react?

Huminga muna ako nang malalim bago itinuloy ang kasunod na linya,
“At ano? Hahayaan n’yo na lang siyang mamatay sa mga panganib na puwede niyang hara—” Hindi ko pa nga tinapos ang sasabihin ko nang bigla na akong “sampalin” ni Niel.

“Lapastangan!” Hindi naman tumama sa mukha ko ang sampal, pero nagpatumba pa rin ako at bumagsak sa sahig—’yong acting-an na tinalo na ang mga nasa teleserye ng Kapuso at Kapamilya.

Lumapit si Angel na gumaganap na Reyna Celestia tapos ay inalalayan ako. “Rillius, itigil mo na iyan! Anak mo pa rin siya.”

“Celestia, wala akong anak na suwail. Bilang hari ng mga diwata, ang utos ko ang dapat na masusunod.”

Kaagad akong tumayo, tiningnan nang masama si Haring Rillius, at nagdabog sa inis bago naglakad palayo.

Nang matapos ang eksena, nagsipalakpakan ang mga nanood sa aming tatlo. Napalingon ako para tingnan si Sir Joko na imbes na nakakunot ang noo, may malawak na ngiti habang pumapalakpak sabay tingin sa akin.

“Success!” bulong ko sa sarili. Ibig sabihin, tama ang ginagawa ko.

“Good job, guys!” masaya niyang sabi sabay tayo at saka lumapit sa amin.

Inakbayan ako ni Sir Joko tapos ay tinapik-tapik pa ang balikat ko. “That was your best performance yet, Chester. Ang galing mo! I would never thought na mabibigyan mo ng justice ’yong character ni Titaneo.”

Nagkamot ako ng ulo, “Yieee, sir, kinikilig naman ako. Thank you po!” Sobrang saya ko talaga. Nagbunga ’yong gabi-gabing pagme-memorize ng lines at inaamin ko...nakatulong talaga ang ginagawa namin ni Donny.

“Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang mapili para gumanap na Titaneo. Pagaling ka talaga nang pagaling every single rehearsal natin.”

Nakaka-validating ang marinig ang mga salitang iyon mula sa aming teacher na noong una, bugbog-sarado ako sa kaniya dahil hindi makasunod sa script, laging wala sa sarili, at hindi alam ang ginagawa.

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now