🎭 TWENTY-FIRST BEAT

64 6 15
                                    

BINIGYAN KAMI NI SIR Joke ng 30-minute break kaya heto, nakaupo lang ako at saka nag-Facebook sa aking cellphone. Pagkatingin ko nga sa oras, alas-nuwebe pa lang ng umaga kaya mabuti pang kalabanin muna ang pagiging bored ko at nanood na lang ng mga mini-vlog ng mga nagluluto at ’yong a-day-in-a-life ng vloggers na kung magsalita, iisa lang ang tono nila.

Pero habang nagse-cellphone, hindi ko naman mapigilan ang mapasulyap sa bandang harapan ko—walang iba kung hindi si Donny. Nakita ko siya, hayun, kasama niya sina Angel at Janella na nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Halatang masaya sa buhay at walang stress. Samantalang ako, halos sumabog na; may atraso pa sa akin ang lalaking ito.

Ayaw ko talaga siyang tigilan, ano? Panibagong araw, panibagong pagkakataon na naman para umasa at magpakatanga sa kaniya.

Nagpatuloy na lang ako sa panonood ng mga short vlog, pero nakakainis lang kasi enjoy na enjoy na nga ako sa pinanonood ko, may part two pa pala.

“Chester.” Sumabay pa na tinawag ni Sir Joko ang pangalan ko kaya automatic akong napatingala at inilapag ang cellphone sa desk.

“Puwede, pumunta ka sa stockroom? Pakikuha pala ’yong mga boxes na may props do’n,” utos ni sir na napahawak pa sa baywang ang dalawang kamay pagkatapos ay nagpaypay.

“Sige po, sir.” Wala, masunuring mag-aaral itong si Chester Lumba Maglalang kaya walang rekla-reklamong sununod sa teacher namin.

“Ang sabi ko kasi kay Kuya Pol, ilagay dito ’yong mga kahon ng props. E, sa bodega pala nalagay,” sunod pang sabi ni Sir Joko habang kaagad akong tumayo para lumabas na ng classroom.

Pero nasa bandang pintuan na ako nang may pinahabol pa ang teacher namin.

“Donny, samahan mo si Chester na kumuha ng mga gamit.” Kulang na lang at mapanganga ako sa sunod na sinabi ni sir. Ha? Sasamahan ako nito?

Hindi ko alam ang gagawin, pero hindi na lang ako nagsalita. Putek, ang awkward nito! 

“Noted po.” Wala, pumayag pa ang loko kaya wala na akong kawala. 

Nauna akong naglakad papaakyat sa second floor ng kabilang building kung nasaan ’yong bodega ng mga gamit. Pero wala pa ring imikan sa aming dalawa ni Donny na para bang naging estranghero kami sa isa’t isa.

Habang papaakyat, hindi ko nga matingnan itong si Donny. Kanina pa nga ako nangninginig sa kaba at kulang na lang, mag-self-destruct ako nang wala sa oras.

Mga sandaling minuto lang ang inabot namin bago makarating sa may storage room. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa kung papaano kakausapin si Donny. 

Hanggang dito ba naman, may competition na namamagitan sa amin?

“Una ka na,” pag-give way ko sa kaniya bago pumasok sa loob.

“’Di, okay lang.” Ayaw pang magpatinag ng isang ito at gusto pang mangpaubaya.

Kung magkahiyaan, parang hindi nag-share sa laway ng isa’t isa.

No choice. Huminga na lang ako nang malalim at saka nanuna nang pumasok. 

Pagkapasok sa bodega ay kaagad kong sinara ang pinto, pagkatapos ay kaagad na naming nakita ’yong mga kahon na may mga. Feeling ko, makakaya naman itong buhatin pababa hanggang sa pabalik.

Nagkaniya-kaniya kaming kuha ng mga kahon nang hindi pa rin nag-iimikan sa isa’t isa. As in, wala lang; parang hangin lang kami sa isa’t isa.

Sa mga kahon na lang ako nag-focus na ayusin at pagpapatung-patungin. Noong tingnan ko ang laman nito, mga karton ito na kinulayan. Ito nga ang props na gagamitin namin para sa play.

Behind the CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon