🎭 SEVENTH BEAT

99 7 15
                                    

TAHIMIK LANG AKONG NAGLALAKAD mula sa Apalit High School hanggang sa makalabas ng kanto bandang 588 Shopping Mall para makauwi. Medyo late na nga kaming pinauwi ni Sir Joko para sa rehearsals kaya hindi ko na kasabay ang tatlong unggoy na nauna nang umuwi sa akin. Kahit medyo madilim sa kalsada, ayaw ko rin namang mag-tricycle dahil daig ko pa ang nag-commute papuntang Maynila sa presyo ng pamasahe. Lapit-lapit na nga lang ng bababaan, tapos kung makasingil, trenta kada pasahero, may students’ discount na iyon, a?

Alas-singko ng hapon naman kaming nag-start lalo na at may emergency meeting pa si Sir Joko kaya na-move ang dapat na oras sa araw na ito. Inaantok at pagod man, nakakayanan ko pa ring lakarin ang kalsadang ito kahit na wala nang masiyadong tao o sasakyan ang dumaraan. E, alas-siyete pa lang naman ng gabi.

Pero naglalakad na ako sa may bandang warehouse na katapat lang noong mosque nang may mapansin akong dalawang taong nag-uusap, kaya binagalan ko ang aking paglalakad upang usisain kung ano ang mayroon. Wala rin namang ibang tao ang nasa labas, maliban na lang doon sa katabing bukas na tindahan.

“Sige na, akin na bag at cellphone mo.”

Napasilip ako sa kung ano’ng nangyayari sa kalsada nang nakakunot ang noo. Namana ko nga pagiging Marites sa mama ko kaya kapag may eksena lang akong makita sa daan, kaagad na napapipintig ang aking tainga.

Tapos ay may narinig pa akong isa na umatungal. Pero sandali, parang nabobosesan ko siya.

Tumingin ako ulit at pasalamat na lang sa street lamp ay naaninag ko agad kung sino ito.

“Gago, si Donny ’yon, a?” bulong ko nang mahinasa aking sarili. Tama nga ang aking hinala. Pero ang ipinagtataka ko, sino ang lalaking kausap niya at bakit hinihingi ang bag?

“Ayaw ko nga, sabi! Sino ka ba?” May puwersa ang pagkakasabi ni Donny habang iniyayakap ang kaniyang bag. Ayaw naman siyang tigilan noong lalaking kausap niya.

Wait lang, hinoholdap ba siya?

“’Di mo ibibigay, a?”

Alam kong madilim na, pero nakita kong naglabas ng kung ano mula sa kaniyang bulsa ang lalaki. Nang maaninagan kung ano ang hawak ng lalaki, bigla akong natigilan at nanigas sa kinatatayuan ko—isang maliit na patalim pala iyon at itututok niya kay Donny.

Nagsimulang tumulo ang pawis sa gilid ng mukha ko sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin lalo na at kami lang ang nasa kalsada. Hindi naman ako agad makahingi ng tulong at baka mapahamak na agad itong si Donny. Bigla bang ’yong pagod ko kani-kanina lang ay napalitan ng kaba.

Kailangan kong mag-isip agad ng gagawin. Ayaw ko namang tumunganga na lang at walang gagawin lalo na at nasa peligro ang tao.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari at naramdaman ko na lang na mabilis na humakbang ang mga paa ko palapit at saka tumakbo papalapit sa kanila—walang ano-ano at walang pag-aalangan. Bahala na talaga si Batman sa gagawin kong ito.

“TANGINA MO, TIGILAN MO SIYA!” Kaagad ko siyang sinuntok at sumapul ang kamao ko sa pagmumukha niya. Napangiwi sa sakit ang lalaking holdaper at napahawak sa parteng natamaan ko na dahilan para maibagsak niya ang hawak na patalim. Napalakas din pala ang pagkakasuntok ko.

Parehas kaming nagkatinginan ni Donny bago niya dali-daling kinuha ang patalim na nahulog sa lupa.

Iyon nga lang, hindi pa pala roon natatapos ang lahat. Pagkabawi ng lalaki sa suntok, napatingin siya sa akin at saka naglakad palapit sa akin.

Aba, gusto pa talagang makaisa ulit nito.

“Isa ka pang tarantado ka, a?” Galit na galit itong lalaki sa akin. Biglang ako na ang naging puntirya niya.

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now