🎭 FOURTEENTH BEAT

76 6 11
                                    

“SINO KA? AT SAANG LUPALOP kang nagmula?” Sa dalas na pagpa-practice namin para sa play araw-araw, hindi na mapigilan na magsawa sa kakasabi ng lines ko. ’Yong tipong nakauumay na kasi parang sirang plaka na inuulit-ulit ko ’yong bawat line at eksena.

Ngayon ko lang naisip na ang hirap pala ng pagtetatro kasi maliban sa dapat kabisado ng mga actor ang lines nila, dapat alam nila kung papaano ang tamang galaw ng karakter na ginagampanan at ’yong tamang timing ng eksena na dapat pasukan dahil hindi tulad sa pelikula o TV series, isang take lang ang stage play. Bawal magkamali o masisira ang buong daloy ng play.

Pero okay lang naman, ang importante, natututo. At least, kahit magulo sa simula at wala akong kaalam-alam sa pinasok kong ito, nagagawa ko na siyang mahalin—kahit nai-i-stress pa rin ako kung minsan.

“Prinsipe Oberon ng Camiro. Ako ay humihingi ng paumanhin dahil ako'y naliligaw at hindi makabalik sa amin.” Si Jeric pa rin ang kaeksena ko bilang si Oberon na binabasa pa rin ang lines. Nakalulungkot lang na nagawa na kaming indiyanin nitong Donny. Iniwan na niya talaga kami para sa contest niya. Nakapanghihinakit talaga ng loob ang ginawa ni Donny.

Nasaktong umaga pa ang rehearsals namin at ’yong oras din noong quiz bee nila. Tapos ang ang venue pa ay sa La Verdad. Kaya heto, kami nga nasa kasama ko sa teatro kasama si Sir Joko, wala kaming kaalam-alam kung ano na ang nangyayari at kung kumusta na ba si Donny.

Bahala na nga. Huwag ko na lang pakaisipin ang contest ni Donny. Tuloy lang sa pagre-rehearse. Habang si Sir Joko, nakita kong nakatutok sa cellphone habang pinanonood kami.

Umubo muna ako bago bigkasin ang line sa harap ni Jeric, “Malamang ay isa kang tao. Alam mo bang ipinagbabawal sa kahariang ito ang sinumang tao na manghimasok? Mga kawal, dakpin ang lala—”

Pero napalingon ako at nakita ang kung ano’ng pinanggagawa ni Sir Joko. Seryoso na nga ang eksena, bigla pang napasenyas sa amin si sir. Sandali lang, pinatitigil niya muna kami?

“Wait, stop n’yo muna,” ang utos na ni sir sa amin.

Kumunot ang noo ko nang may pagtataka.“Bakit po, sir?” May nagawa ba akong mali? Pero alam ko naman ang sinasabi ko, a?

“Guys!” Huminga pang malalim ang teacher namin sabay lagay ng phone sa dibdib bago itinuloy ang sasabihin, “Lumabas na nga ’yong balita.”

Natigil ulit si sir kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Ito namang si Sir Joko, may pa-suspense pang nalalalaman.

“Nanalo si Donny sa quiz bee! Look!” Excited na ipinakita ni Sir Joko ang picture na galing sa GC namin, at iyon na talaga, totoo na nga.

May si-nend na picture si Donny na kasama si Alyssa. Parehas silang may suot na medals at may hawak na certificate.

Hiyawan at palakpakan ang bumulabog sa buong rehearsals room noong nalaman namin ang good news. Daig pa ng nagpapiyesta ang mga kasamahan ko sa tuwa.

Pero ako, nakatayo lang at pasimpleng ngumiti. Hindi na ako na-surprise. E, ’yong utak no’ng Donny na iyon, daig pa utak ni Jimmy Neutron. Parang pumunta na lang siya sa quiz bee para kunin ang first place.

Wala man siya ngayon dito, pero proud pa rin ako sa kaniya.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin nang magsalita si Sir Joko, “Sige, Chester, ituloy n’yo ulit ’yong scene with Jeric, then maaga ko kayong idi-dismiss.” Wow, may himala. Nanalo lang si Donny, nagpa-early dismissal na siya sa amin. Ito ang mas magandang good news.

“Yehey!” Mas lalong napapalakpak ang iba kong mga kasama sa pa-last minute announcement na jyon.

“Yes naman, sir,” sagot ko nang may halong pang-aasar kay Sir Joko habang nakatayo pa rin sa gitna ng mga nakapalibot na upuan. Kung araw-araw na lang kayang nananalo si Donny sa contest para laging good shot sa amin si Sir Joko?

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now