🎭 FIFTEENTH BEAT

82 6 13
                                    

DONNY IS OFFICIALLY BACK. Siguro naman, wala na siyang iba pang commitments at makapagpo-focus na siya sa rehearsals lalo na at sa paglipas ng mga araw, lumalapit na ang date ng mismong play.

Araw ng Linggo, nagpunta ako sa bahay nila para mag-practice. Sa totoo lang, isa talaga ito sa mga na-miss kong ginagawa namin dahil bihira lang din kaming makapag-practice noong nagte-training din si Donny para sa quiz bee.

Nakatayo kami sa likod ng kama ni Donny at nire-rehearse ang mga linya namin. Suot din namin ang fake costumes na tela at props na hiniram pa galing kay Sir Joko. Para tuloy kaming nagbabahay-bahayan sa ginagawa namin.

“Oberon, sandali!” Sunod-sunod ang pagbuga ko ng lines, “Kausapin mo ako!” Nagmamakaawa ako kay Donny rito habang sinusundan siya. Nagpakaseryoso ako dahil madamdamin ang eksenang ito kung saan aamin na ang dalawa sa nararamdaman nila.

Bago umalis si Donny, hinawakan ko ang kamay niya. “Bakit mo ako iniiwasan, Oberon? Ano ba ang nagawa ko para hindi mo iyong pansinin?” Napatigil si Donny at saka lumingon sa akin.

Bumungad ang mala-anghel na mukha ni Donny sa akin. Kahit seryoso na, katindig pa rin siya ng prinsipe. Bakit ba ang ganda ng hulma ng mukha nito? Nakakainis!

Hoy, Chester, focus lang sa practice!

Pagkatapos, binigkas na niya ang kaniyang sasabihin, “Chester, mahal kita.”

Sandali, tama ba narinig ko? Ano raw? Bigla akong nanginig, nawala sa ulirat, parang nakoryente na ewan. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Wala iyon sa script!

Nakanganga pa rin ako na parang timang sa harapan ni Donny. “Luh, ba’t ganiyan ka makatingin?”

Bumalik ako sa ulirat at saka tinuro si Donny. “A, namali ka!”

“Ay, shet! Mali nasabi ko.” Napahawak si Donny ng bibig at humagalpak sa pagkakamali niya. Nanti-trip naman ang lalaking ito, e. “Sorry.” Nakitawa na rin ako sa kaniya.

“Titaneo kasi ’yon!”

“Oo na po. Nagkamali lang po ako, okay?”

Tiningnan pa ako nang nakaloloko, “Pero okay lang ’yan, lab naman kita. Yiee~” Ayaw pa akong tigilan sa mga banat niya, a?

“Tanginamo, tumigil ka na!” Buwiset na Donny na iyan. Ang cute talaga niya. Ang cute niyang tirisin!

“Bleh!” Aba’t, binelatan pa ako? Kaya sa sobrang gigil, pinagsusundot ko siya sa tagiliran. Pero gumanti naman ang loko at kiniliti ako sa tiyan. Pero sorry, marunong akong umilag kaya hindi niya ako matama-tamaan.

Para kaming mga bata kung magharutan sa kuwarto at habang tinitingnan ko ulit ang mukha niya, hindi ko mapigilan ang maistatuwa. Kulang na lang at sambahin ko na ito.

Pero it’s a trap! Kaagad akong nahuli ni Donny at saka binalot ng isang braso niya ang leeg ko. E, sleeveless hoodie shirt pa naman ang suot niya kaya mas nakaramdam ako ng kiliti tuwing magtatama ang braso niya sa leeg ko.

Pinipilit kong magpumiglas, pero ayaw akong tigilan ni Donny. Ganito pala ang feeling na sinasakal ng braso niya. Shet, kung ano na naman ang naiisip kong ito. Patuloy akong nanlaban sa lalaking ito kahit hirap na akong makahinga, “Tumigil ka na, Don—”

Narinig nga lang namin ang tunog ng pagbukas ang pinto ng kuwarto at biglang napakalas si Donny sa akin noong pumasok ang mama at papa niya sa loob at nadatnan na lang kami roon.

“Ay, mukhang naistorbo namin kayong dalawa diyan,” ang sabi ni Tita Vivian nang makita niya kaming dalawa. Obvious naman na nagtataka siya sa nangyari sa ’min.

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now