🎭 SIXTEENTH BEAT

75 6 15
                                    

MAY MGA PAGKAKATAON SA buhay na nararamdaman ng isang tao na magiging maganda ang araw niyang iyon. Hindi ako sure kung kung totoo dahil kung ako ang tatanungin, palagi namang stress ang nakukuha ko sa pag-aaral.

Pero sa totoo lang, simula noong masali ako sa Teatro Apaliteño at maging part ng stage play, lagi na akong may nilu-look forward sa buhay. Parang feeling ko, lagi na lang may mangyayaring maganda sa akin. Motivated? O parang eng-eng lang talaga ako?

Habang nasa labas kami ng classroom ng mga tropa ko, sa may mesa na gawa sa semento, napatititig lang ako sa langit. Ang aliwalas tingnan ng mga ulap, isama pa ’yong araw na umaaslag kaya sobrang init ng panahon ngayon.

“Kanina ka pa lutang, Chester. Anyare?” Panira naman itong si Japs, nagmo-moment ako rito. Ano na namang gusto ng mga ito?

Sumunod naman itong si Oliver na may paakbay pa sa akin, “Alam mo, matagal na naming napapansin sa ’yo, Chester. Fume-fresh ka, a? Ano’ng meron sa mga pangiti-ngiti mong ’yan?”

Napakunot ang noo ko sabay tingin nang masama sa kanila. “Ha, ano’ng pinagsasasabi n’yo?”

“Uy, gago, mga p’re, confirmed nga.” Humagikhik si Mok-mok sabay apir kina Oliver.

“Inlababo ’yan. Mukhang may pinopormahan na, kaya inspired.” Ano’ng pinagsasasabi ng mga ito?

“Si Chester, tahimik lang sa umpisa. Pero baka gulatin tayo niyan, may ipapakilala nang chix sa ’tin.” Parang gusto ko na lang magsabi ng masasamang words sa mga ito.

Dahil hindi na kinaya ng pasensiya ko, napahampas na ako ng mesa sa inis. “Tangina n’yo! Ano’ng may pinopormahan? ’Di ba puwedeng masaya lang talaga?” buwisit akong nagpaliwanag sa kanila. Daig pa nila si Boy Abunda kung mang-intriga.

Napabuga pa ako ng hangin bago nagpatuloy na para bang mayroon talaga akong ipinaglalaban, “’Di ba puwedeng excited lang para sa play namin? Okay, ganito. Natutuwa lang ako siguro...kasi nahahasa lalo acting skills ko. Na nakikita ng ibang tao ’yong potential na meron ako. Ang validating kasi.”

Basic, ganoon lang naman kasimple iyon, walang ibang halo.

Sa ilang buwan ng rehearsals namin, mas marami akong nadidiskubre sa sarili. ’Yong feeling na kaya ko pala—may ibubuga pa pala ako sa ibang bagay maliban na lang sa basketball. Puwede namang dahilan iyon, a?

“O, chill ka lang, mainit ang panahon, baka mapa’no ka. Nagtanong lang naman kami, tapos dami mong in-explain.” Ayaw pa ’kong tantanan nitong si Japs.

Siniko naman siya nitong si Mok-mok bago ako kinausap, “Baka passionate ka lang, ’no? Ewan ko ba dito sa mga kaibigan natin. Kaltukan mo nga minsan.”

Siguro nga. Baka inspired talaga akong mag-improve sa ginagawa ko. Grabe, ang sarap pala sa pakiramdam na mahahanap ko ’yong nagpapasaya sa ’kin.

Tapos, boom! Bigla namang sumulpot si Donny sa paningin ko na dumaan sa corridor. Pagkatapos naglakad naman  siya palapit sa amin.

“Hey, guys! Ano’ng meron?” tanong niya na para bang nakikichismis sa kuwentuhan namin.

“’Tong si Chester kasi, tinanong namin bakit laging nakangiti. E, inspired yata,” si Oliver ang sumagot, at saka ko sinamaan ang tingin sa kaniya.

Inalog ni Donny ang ulo niya sabay pitik ng dila habang nakatayo. “Naku, malala na ’to. Kanina ko din napansin sa rehearsals namin, laging motivated. ’Kala mo, nasobrahan sa mga vitamins.”

“Iba na ’yan. Padoktor ka na, Chester,” pabiro pa niyang dagdag na nagpalaki ng butas ng ilong ko. Ang init-init na nga, sasabay pa init ng ulo ko.

Behind the CurtainsWhere stories live. Discover now