𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟖

Magsimula sa umpisa
                                    

Umiling siya at tinuro ang mga taong nasa loob ng office ni Doc Vlad.

"Hindi mo ba nakikitang may kausap siya ngayon?" turo niya sa opisina ni Doc Vlad. T

inignan ko ang naiinis na Vent at galit na Doc Vlad. Hindi man lang nila kami napapansin dahil naka-focus lang sila sa isa't-isa at sa isang folder na hawak ni Doc Vlad.

Pinapakita niya ito kay Vent pero mukhang hindi naman interesado ang isa. He had this hand signals na parang sinasabing pagod na siya. He also shook his head na gustong sabihing ayaw niya na.

I was so curious kung anong pinag-uusapan nilang dalawa at ganyan ang mga expressions nila ngayon. At saan naman napapagod si Vent at umaayaw na?

"A-ah e-eh, antayin ko nalang po siya dito" sagot ko kay Ms. Jelly at tumango nalang ito.

Umupo ako sa mahabang bench na nasa labas ng office ni Doc Vlad at inantay silang matapos. Gustong gusto ko ng makausap si Doc Vlad dahil hindi ko na din alam ang gagawin ko.

He is the only person I could trust ever since I was a child. Because of him I managed to control my alters and healed my emotional scars.

I know he could assess the picture of Vince if it was fake or not. Isa kasi siya sa pinakamagaling na psychologist kaya kahit ang mga pulis ay tinatawag siya upang mag testify sa mga kaso.

Sa lahat ng problema ko, kay Doc Vlad ako lumalapit dahil alam kong hindi niya ako bibiguin. That, he was willing to listen and provide guidance when I was at my weakest point.

Inilabas ko ang cellphone ko at nakita ko nanaman ang lockscreen kong yellow butterflies. I took a deep breath in and took a deep breath out, like how its wings flutter up and down, calming myself before unlocking my phone.

Nakita kong may mga text saakin si Klint ngunit hindi ko muna binasa ang mga ito. Hinanap ng mga mata ko ang messenger app at binuksan ito. I click on Vince's profile and tried to open the photo he sent me. But to my surprise, he unsent all the messages.

"What the??!!" napalakas ata yung pagkakasabi ko dahil tumingin saakin si Ms. Jelly ng nakakasindak.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka may toyo siya ngayon at mapaaway pa kaming dalawa. Malakas pa naman ang loob ko ngayong makipagtalo dahil nasagap ko na ata ang personality ni Chali.

I squinted my eyes as I stared at the unsent messages from Vince.

Someone is really behind this and I need to know who it was.

"Kakayaning ko kaya yung limang taon? Doc?" narinig ko ang malungkot na boses ni Vent kaya napatayo ako sa kinauupuan ko.

Napansin nila ang presensya ko at nanlaki bigla ang mga mata nila. Bakit naman ganyan sila makatitig saakin. May dumi ba sa mukha ko? Baka may naiwan pa palang cream sa gilid ng labi ko dahil nagmadali na din ako umalis sa Chirps.

Pasimple kong pinunasan ang bibig ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtantong malinis ito.

"I-Iyah? kanina ka pa jan?" gulat na tanong saakin ni Vent. Si Doc Vlad naman ay idinampi ang kanyang kamay sa likod ni Vent at sinensyasan na umalis na.

"A-ah, mga 15 minutes siguro" nahihiyang sagot ko.

"Sige na anak, saka na tayo mag-usap, mukhang kailangan ako ni Iyah ngayon" tugon nito kay Vent at agad naman siyang naglakad patungo sa elevator. Pinindot niya ito para magbukas ang pinto at humarap saakin. Malungkot ang kanyang mukhang nakatitig saakin at ganun din naman ako sakanya, hanggang sa nagsara na ang mga pinto ng elevator.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon