𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟑

31 42 1
                                    

-IYAH-

Ano 'to? Tanong ko sa sarili ko habang hawak hawak ang bola sa aking kamay. Pinipilit kong gisingin ang diwa ko dahil baka panaginip lang ito ngunit hindi pala. Narinig kong sumenyas 'yong kateam mate ko ata na ishoot ko na ang bola sa hoop.

Ali! Ano bang nangyari at pinalabas mo ako ngayon. Nakita kong bumibilang ang referee at napressure ako bigla kaya binato ko na agad ang bola. Hiyawan ang mga tao dahil pumasok ito sa hoop sabay sa pagtunog ng buzzer signaling that the game has just ended.

Sana nakita mo 'yon Vent. Si Iyah! Naipanalo ang semi-finals. Akalain mo iyon! Inikot ko ang aking mata at nakita si Vent na nagmamadali palabas ng gym hawak ang kan'yang ilong. Agad naman sumunod si Klint na halatang concern na concern kay Vent.

Sana okay ka lang Vent. Ilang araw na rin kasi siyang nagnonosebleed basta manonood ng laro ng basketball. Inexplain niya rin naman na dahil naooverwhelm daw ang kan'yang ilong pero nakangiti pa rin siya habang sinasabi ito. Hirap kasi kay Vent ay magaling siya magtago ng emosyon mas lalo kapag malungkot siya, galit, o kapag may nararamdamang hindi na maganda.

Parang noong nakaraang linggo, nilalagnat na pala. Kung hindi pa ako pumasok sa kwarto niya hindi niya sasabihin sa aking iba na pala ang pakiramdam niya. Naabutan ko siyang mataas ang lagnat, nanginginig at pinagpapawisan. Kaya agad rin naman akong umabsent sa mga klase ko para mabantayan ko siya. He didn't want me to ditch school because of him but I insisted. Kapag ang buhay at pinag uusapan, I am willing to sacrifice my time for that particular reason. Mas lalo kapag si Vent ang rason.

I just want him to feel na may taong mag aalaga sa kan'ya kahit hindi niya na kaya. I want him to know that I'm also here for him like how he is for me. Sa ilang linggo naming magkasama sa bahay ay hindi niya ako pinabayaan. He always cooks us breakfasts kaya ang gagawin ko nalang ay gumising dahil pati ang kapeng inaasam ko kada umaga ay nakalagay na rin sa lamesa kasama ang sweet little notes na nakadikit dito. "Kape ka ba? Kasi hindi ako mapakali kapag wala ka sa umaga" Ito ang nakadikit ngayon. Oh, diba ang sarap gumising pag gan'yan agad madadatnan mo sa umaga. He always made me feel good mula sa paggising hanggang sa pagtulog sa gabi.

Naipon na nga ng sticky notes ang isang parte sa kwarto ko dahil inipon ko lahat ng notes na binibigay niya. Kahit korni minsan ang mga nakalagay alam kong pampagood vibes niya lang iyon para masaya ang mood ko. Ilang araw na rin kaming hindi nag sasabay umalis dahil mageensa 'yo daw siya. Gusto niya kasing magpractice ng wala pang tao dahil nadidistract lang siya sa amoy kapag marami ng tao.

Buti nga natitiis niyang maglaro habang hindi sumasakit ang ulo at ilong niya. Ang sabi niya naman basta nakafocus daw siya sa pagdribble ng bola ay nacocontrol niya ang pag-amoy sa mga nasa paligid niya pero pagkatapos naman ng laban ay bigla naman siyang magnonosebleed. Kaya pinapahinga rin siya ng coach dahil baka mas lalo pa daw siyang mapano. For the next games hindi na siya kasama and it was okay for him. At least that was what he said.

Tumakas ako sa gym dahil iba ang pakiramdam ko. Tumakbo agad ako sa pinakamalapit na boys CR dahil alam kong doon pupunta si Vent. Kinakabahan ako, iba ang pagtibok ng puso ko ngayon. Bakit naiiyak ako. Bakit natatakot akong makita si Vent.

Nakita kong palabas na si Vent at nakaalalay sa kanya si Klint. I noticed how pale he was. Seeing him so fragile breaks my heart. Sinabihan ko na kasi siya na wag na sanang pumunta sa mga matataong lugar mas lalo sa gym kasi siguradong maraming manonood kay Ali. Baka magnosebleed nanaman ito, ang kaso ay hindi talaga nakikinig sa akin/saamin.

I rushed towards him "Vent! Vent!" I said, with the most concerned voice. Naiiyak na ako dahil sa kalagayan niya. Tinignan niya ako ngunit patuloy na niyang naipikit ang pagod niyang mga mata.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now