𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟏

35 36 0
                                    

-VENT-

Dumeretso kami ni Mor sa Chirps para kumaen at agad naman bumungad saamin ang babaeng cute na may 2-toned hair. Namiss ko pumunta dito kasama si Iyah o kahit na sinong alter niya.

"Iyaahhhhh!!! Veeennnttt!" malakas na sigaw ni Ate Angel ng makita niya kaming magkasama. Hindi nila alam ang tungkol sa kalagayan ni Iyah na iba-iba ang personality niya kaya Iyah ang tawag nila sakanya.

Namula si Mor ng yakapin siya ni Ate Angel. Her cheeks turned red at itinago niya pa ang kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay.

"Kayo na ba?" tanong ni Ate Angel saamin habang papalit palit ang mga kamay niyang itinuturo saamin.

"H-Hind.."

"Malapit na" inunahan kong magsalita bago pa masabi ni Mor ang sasabihin niya. Kumindat ako kay Mor at mas lalong namula ang tinatago niyang mukha. Damn! she's so cute!

"Yiieeee! sinasabi ko na nga ba, kayo din lang ang magkakatuluyan eh" talon siya ng talon sa harap namin sa tuwa. Yakap yakap niya si Mor na sobrang pula ang mukha.

Hinampas niya naman ako ng malakas at nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Baka nakakalimutan mo Vent ha! hindi mo naubos yung CCC kaya kailangan mo magbayad!" she pouted at me. Oo nga pala, hindi ko yun naubos dahil sinundan ko agad si Rom pataas ng apartment nila.

"Ako na bahala dito kay Vent, Babe" inakbayan ako ni Kuya Cjhay habang nakatitig lang kay Ate Angel ng may malaking ngiti.

"Kaya ka nalulugi kasi lagi ka nalang nagbibigay ng free!" she mumbled while still pouting at Kuya Cjhay.

"Paano ako malulugi kung sayo palang, panalong panalo na ako" he bit his lower lip as he smirked at Ate Angel.

May mga naghihiyawan na mga customers at inaasar pa silang dalawa. 

"Go Kuya Cjhay!"

"Sweet talaga ni Kuya Cjhay!"

"Ang cute talaga nilang dalawa!"

"Bumalik ka na nga sa kitchen at marami nanamang nag-oorder!" paghahampas ni Ate Angel ng may mapulang mga pisngi.

"Sus, kayang kaya na ni Pjong yun! na-train ko na siya" sagot naman ni Kuya Cjhay ng may malapad na ngiti sa mukha.

Babalik na sana si Kuya Cjhay ng bigla siyang nagtatatalon palapit kay Ate Angel na parang may masakit sakanya.

"W-Wiiiii...! Wiiii...! Wiiii!..."para siyang ambulanyang nagpapatunog ng sirena nito. Umikot-ikot pa ito kung saan nakatayo si Ate Angel.

"Ano, nanaman bang trip mo!" naiiritang tanong ni Ate Angel. Nakatingin lang kaming lahat sakanila habang nakikitawa sa mga ikinikilos nila. Kay kuya Cjhay na napakulit, at kay Ate Angel na naiirita.

Padabog ng aalis si Ate Angel ng marinig niya ang tawanan ng mga customers nila ng biglang lumuhod si Kuya Cjhay sa harapan niya.

Napatigil si Ate Angel sa paglalakad niya at nagulat sa ginawa ni Kuya Cjhay. Nakita kong namumuo na ang mga luha sa mata ni Ate Angel at halatang kinakabahan na din ito.

Naglabas si Kuya Cjhay ng ring box at nagtilian nanaman ang mga customers.

"OMG! magpro-propose na si Kuya Cjhay! Kayaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Yes! Agad Ate Angeeee!"

"Wohooo invited kaming lahat sa kasal niyo ahh!"

Marami pa ang nagkomento sa ginawang pagluluhod ni Kuya Cjhay ngunit napatigil ang lahat ng buksan niya ang laman ng ring box.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum