𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟖

30 40 0
                                    

-IYAH-

"Iyah! okay ka lang?" bumalik ako sa wisyu ng tapikin ni Ate Angel ang balikat ko. She looked so concerned as she held my shaking hand.

"A-ayos lang ako a-ate" amin ko sakanya na parang hindi naman siya naniwala. Medyo kumalma na ako pero nanatiling tulala ang aking paningin sa cellphone kong nasa sahig, katabi ang natapon na green apple fruit sparkler drink.

Pinunasan ni Kuya Cjhay ang sahig gamit ang mop at pinulot ang aking cellphone.

Agad ko naman itong kinuha sakanya ng iabot niya ito at nagpaalam na ako sakanila. Muntik pa akong pinigilan ni Ate Angel dahil hawak niya pa ang kamay ko, but I gave her a faint smile to assure her that I was okay.

Binitawan niya naman ang kamay ko at deretso ng lumabas sa Chirps. Ramdam ko padin ang mga titig nila saakin habang naglalakad palayo ngunit hindi ko na sila nilingon pa baka ayaw ko pang umalis.

Huminga ako ng malalim, at tinignan muli ang message saakin ni Vince.

This is really impossible. How can he be so alive in this photo?

Someone is creeping me out and I don't like the idea that they're using Vince for this.

Tinitigan ko lang ito ng ilang minuto. I inspected each angel para masiguradong si Vince ba talaga ito. I was in complete shock when I saw that he has dimples on the corners of his mouth. Just above his chin.

Remembering Vince, wala siyang kahit anong dimples. His dominant facial features were 3 cute little moles just under the corner of his right eye, at magkakatabi pa yoon na parang star-constellation.

Sa nakikita ko ngayon wala siyang mole doon kahit isa, kaya imposible talagang si Vince ito. Pero bakit kamukhang kamukha niya? Kung siya talaga ito bakit ngayon lang nagparamdam?

I bit my lower lip and tried to reply his message but I just couldn't let my fingers press send. May parte saakin na gustong maniwalang buhay siya pero may parte din na natatakot na umasa.

I have to find out who's using Vince's account. Malakas ang kutob kong hindi siya yun dahil alalang alala ko pa ang kanyang facial features. I used to internally trace his moles like a kid tracing the stars in the night sky, finding Orion's belt.

***

Pumunta ako sa office ni Doc Vlad at sumilip sa glass wall nito para siguraduhing wala siyang pasyente ngayon. Kailangan kong sabihin ito sakanya para na rin kumalma ang pag-iisip ko.

Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko ng makitang kausap nito si Vent.

Hindi ko marinig ang mga pinaguusapan nila dahil soundproof ang kanyang office, pero base sa mga kinikilos nila ay parang may pagtatalo sila. Ngayon ko lang nakita ang galit na mukha ni Doc Vlad dahil kadalasan ay kalmado at nakangiti ito.

"Ahem, Ms. Roma. May appointment po ba kayo ni Doc Vlad ngayon?" tanong saakin ng secretary ni Doc Vlad na si Ms. Jelly. Nakakrus ang mga kamay nito at nakataas pa ang isang kilay.

"W-wala po Ms. Jelly, pero pwede ko po ba siyang makausap?" kinakabahan kong sagot, iba ata ang aura ni Ms. Jelly ngayon. Dati rati kasi ay nakangiti ito kapag kinakausap ako, ngayon niya lang din ako tinaasan ng kilay. Siguro may pinagdaraanan kaya hinayaan ko nalang.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now