𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟎

23 38 0
                                    

-VENT-

Pagbukas ng elevator sa ground floor ay napabuntong hininga ako. Nakalagay sa magkabilaang bulsa ng aking pantalon ang dalawa kong kamay habang naglalakad palabas ng building.

Bakit nandoon si Iyah? Nakita niya kaya kami ni Doc Vlad na nag-uusap tungkol sa serum?

Sinabi ko kay Doc Vlad na ayaw ko ng saktan si Iyah. Na gusto ko na bumalik sa dating kami, yung super close at nasasabi namin ang lahat sa isa't-isa. 

Hindi siya pumayag dahil parte daw yun ng project. At masisira lahat ng pinaghirapan nila kapag ginawa ko yun.

Iyah needs to experience constant pain para gumana ang serum, para alam daw niya kung hanggang saan kakayanin ni Iyah before she... snaps.

Kaya naman laging pinapabantay ni Doc Vlad si Iyah kay Klint na pwede naman sanang ako ang gumawa. Kapag kasi nakikita ko silang magkasama ay nagseselos ako. Kahit pa sabihin nilang it's just part of the project. Nararamdaman kong mas nagiging close sila at baka mahulog sa isa't-isa. 

Putanginang project yan! Hindi naman talaga ito cure kundi experiment! Ginagawa nilang guinea pig si Iyah! at ayoko ng makita yun! Pero ano ang magagawa ko, I signed a fcking contract not to disclose any information to anyone who isn't part of the experiment, especially Iyah.

And Klint was the one who needs to push her buttons! 

We're friends yes, pero sa oras na maging sila ni Iyah at saktan niya ito, hindi ako magdadalawang isip na sabihin lahat sakanya. 

Nung una ay pinabayaan ko lang siya, ngunit seeing them happy together, gave me a painful emotion. 

He told me that he would promise to take care of her if Iyah gave him the chance to be with him.

 I know that was a lie, dahil hindi niya siguro alam na alam ko na binabayaran lang siya ni Doc Vlad just to let Iyah fall inlove with him. Fcking Klint!

Ayoko! yun lang ang naging sagot ko sakanya. He just shrugged his shoulder as if he didn't hear anything at nagpatuloy padin landiin ang dapat saakin.

***

Nandito ako ngayon sa mall upang magpahangin muna. Tumambay ako sa sunset terraces at niramdaman ang malamig na hangin ng Baguio. 

I took a deep breathe in and smelled the fresh air. Wala na ba talaga yung hyperosmia ko? Hindi sa hindi ako masayang wala na ito, it just made me... unique when I had it.

Naglakadlakad lang ako hanggang sa mapahinto ako sa isang variety shop. I saw this big yellow rose and it reminded me of someone. Someone who once had multiple personalities I could distinguish because of their scent.

It made me remember Iyah. She loved yellow roses because it reminded her of happiness and hope. I smiled as I reached for the artificial flower. Hindi ko siya nabigyan ng mga dilaw na rosas noon dahil bukod sa mahirap ito hanapin, torpe pa ako.

"Magkano po?" tanong ko sa tindera na matanda. I could see the wrinkles on the sides of her eyes as she smiled at me.

"One thousand pesos lang, hijo" sagot niya sa tanong ko. Napalaki naman ang mata ko sa mahal ng bulaklak na ito.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Där berättelser lever. Upptäck nu