𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟕

62 48 0
                                    

-VENT-

It's been 2 weeks since I last saw Iyah or her Alters. 

Pagkatapos kasi ng malalim namin na halik ng isa niyang Alters ay tumakbo na siya ng mabilis kaya naman hindi ko na nahabol dahil hingal na hingal din ako. Kung hindi niya siguro ako binitawan ay malamang nawalan na ako ng malay.

I couldn't forget her scent, and the way she handled my virgin lips. First kiss ko 'yun at sobrang intense, kaya hindi ko basta basta makakalimutan iyon.

I hope I could meet her again, so we could properly introduce each other. Kaso parang malabo, dahil hindi ko macontact si Iyah. Pinuntahan ko na rin siya sa boarding house niya, kaso sa kasamaang palad, hindi ko siya naaabutan. Ang sabi ng landlord nito ay maaga raw itong umaalis at late naman umuuwi.

Tinatawagan ko rin ang kanyang cellphone, kaso pinapatayan niya ako. Atleast alam kong gumagana pa ang number niya at hindi ako naka-block. Siguro nga kailangan niyang mapag-isa muna.

Kakaen nalang ako dito sa CHIRPS habang inaantay siya. May dala rin akong isang libro para hindi ako mainip. I ordered takoyaki and coffee only. Wala rin kasi akong gana kumain dahil hindi nagpaparamdam si Iyah.

Busted na kaya ako?

Sky zoned?

Sky Zone kasi iniwan nalang sa ere. Mas mahirap pala maging Sky Zoned kesa maging Friend Zoned. Kasi at least kapag na FZ ka, pwede mo pa rin siyang kasama kahit bilang kaibigan lamang.

Isusubo ko na sana ang nakatusok na takoyaki ng biglang may dalawang lalakeng nakasuot ng amerikana at sunglasses ang lumitaw sa harapan ko. Para silang mga Men in Black.

"Mr. Huxley?" Tanong ng isang lalaking kalbo sa 'kin. Sa kinis ng ulo niya, nag mumukha siyang takoyaki. Nawalan tuloy ako ng gana kainin ito kaya ibinaba ko nalang.

"Umm, Yes? Ano pong kailangan nila sa 'kin?" Tanong ko sa machong kalbo na mukhang takoyaki ang ulo.

"We found him.." Bigla akong kinilabutan sa sinabi nung isang lalaki. Nakakatakot siyang tignan dahil sa laki ng katawan nito. May nakalagay sa tenga nila na parang speaker phone kaya doon nito sinabi na nahanap na daw nila ako.

"Mr. Huxley, please follow us" tinitigan ko lang sila, hindi ako tumayo sa upuan ko. Mukha naman silang hindi masamang tao dahil wala akong naaamoy na kahit na anong bahid ng kasamaan. Amoy downy pa nga sila eh. Natawa ako sa 'king isip dahil mga brusko pero amoy downy. Parang gentle giants ganoon.

"And why should I follow you? Hindi ko po kayo kilala" nagtinginan lang silang dalawa na parang plano pa nila akong kidnappin kapag hindi pa ako pumayag.

"Do you know this woman?" May inabot 'yung lalaking may buhok at malaki ang katawan na litrato sa harap ko, nagulat naman ako sa 'king nakita.

"Mama ko 'to!, teka sino itong kasama niya?" Magka-akbay kasi sila ni mama pero bakit parang hindi lang sila mag kaibigan. Parang mag jowa ganun. Bata pa si mama rito at parang buntis ito.

"That man beside your mom is your biological father" sambit nung lalaking makinis ang ulo. Napanganga nalang ako. I'm internalizing the info I just heard. Totoo ba? Ang sabi kasi sa 'kin dati ni mama ay namatay na raw si papa noong ipinagbubuntis niya palang ako sa tyan, kaya hindi ko na 'to muling tinanong sa kanya.

"What the fu-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng iharang ng lalaking kalbo ang kamay niya sa mukha ko. Problema nito? "Yes sir, we will bring him today" sagot niya sa speaker na nasa tenga niya. Sino kaya ang kausap nila? At bakit nila ako hinahanap.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now