𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟕

39 40 3
                                    

-IYAH-

Nandito ako ngayon sa Chirps dahil na miss ko ang ambiance nila. 

The walls were now painted in a warm and comforting combination of orange and black, creating a welcoming atmosphere for diners. 

May nakapinta nadin na logo ni Chirps sa isang malaking wall, at may mga areas  na may fairy lights at green hanging veins kaya pwedeng pwedeng pang instagram post.

Ang sarap din sa ilong yung amoy ng mga niluluto nila. The enticing aroma of this place is sure to whet your appetite. Siguro kung nandito si Vent masaya nanaman yung ilong niya dahil nakaiwas nanaman ito sa mga masangsang na mga amoy.

Kamusta na kaya siya? Bumalik na kaya ang malakas niyang pang-amoy? I doubt kasi hindi ko na siya napapansing sinusuot yung special mask niya. 

Hindi ko nga alam bakit hindi niya ginamit yun nung may sports fest, alam naman niyang madaming tao kaya sana naagapan niya na yun. 

This place changed a lot, halata mong umaasenso na sila dahil bukod sa mas marami ng taong nakapila, mas gumanda na din ang paligid nito. Not to mention dumami na din ang nasa menu. They added some rice meals and drinks na mukhang nakakatakam. Meron na ding squad deals at barkada budget meals. 

This was the first place Vent brought me to when we wanted to eat dinner, favorite niya daw kasi ang takoyaki dito dahil sa napakasarap nilang garlic sauce. Natawa pa nga ako noon dahil gusto niya akong hitatid kaso sa taas lang pala nito ang boarding house ko. 

Nakakamiss din yung pagtatambay namin dito dahil mas nakilala namin ang isa't-isa. 

Dito kami nakakapagusap ng maayos kasi parang we had this place all to our self. Meron din kaming certain area na inuupuan kapag napapadaan dito at kilala na din kami ng mga staff. 

Come to think of it, this was the first time na pumunta ako dito ng hindi kasama si Vent. Napabuntong hininga ako as I reminisce the times we had here. Kelan kaya mauulit yun? Pumupunta pa kaya dito si Vent? Hindi kaya namimiss niya na yung takoyaki dito?

Nag-order ako ng isa sa rice meal nila na worth 99 pesos lang at isang green apple fruit sparkler na 22 ounces. 10 minutes na ang nakalipas at nakikita ko na ang paparating kong order. Inilapag ni Kuya Cjhay ang order kong Ala King sa harap ko at ngumiti saakin ng matipid.

"Oh, himala! Mag-isa ka ata ngayon Iyah" tugon nito. Siya ang may-ari ng Chirps at the same time, siya din ang cook ng mga chicken recipes nila. Minsan siya na din ang nagdedeliver ng orders sa mga tables ng customers dahil sa dami ng tao.

"Ah, O-opo. Busy po kasi si Vent kaya hindi kami magkasama ngayon" I said nervously. Tinanong lang naman ako kung bakit ako mag-isa, bakit ako kinakabahan. 

"Busy ba talaga o LQ kayong dalawa?" natawa ito at nagulat naman ako sa sinabi niya. He gave me a teasing smile which sent me blushing.

Umiling ako sakanya habang nakayuko at sumubo ng mabilisan sa order kong Ala King. Mainit pa ito kaya naman napaso ang bunganga ko. I felt my tiny tastebuds burning inside my mouth.

Inilapag na din ni Ate Angel ang order kong 22 oz na Green Apple Fruit Sparkles kaya agad ko naman ito ininum. Aaaahhhh I sighed. I experienced a soothing sensation as the frigid liquid cooled my scorched taste buds. 

Nagulat naman ako ng biglang may nag burst na kung ano sa loob ng bunganga ko. I gave Ate Angel a confused but excited look as I pointed the thing that popped inside my mouth.

"Ahh, popping boba yan! para siyang pearls na nilalagay sa milktea pero ito kapag nakagat mo ay magrerelease ng liquid na may flavor, specifically yogurt. Yun ang nilalagay namin para kahit anong flavor ang orderin mo ay bumabagay sa lasa nito" she explained with a matching cute smile.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now