𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟗

25 35 4
                                    

-VENT-

Kanina pa kami nagtititigan ni Rom dito sa sala niya. She didn't even blink once making her creepier by the second.

*cough* *cough*

Sinadya kong umubo to break the tension between us. Sabi ko naeexcite ako dahil nag-iba ang amoy niya kanina, nung tumakbo siya palabas, like she was about to switch with an alter worth communicating, pero ngayon bumalik nanaman yung nakakamatay niyang odor at hindi ito nag switch.

Tumayo siya at pumunta sa isang vanity table sa loob ng kanyang kwarto. Hindi ko din ito maintindihan dahil hindi naman nagsasalita.

Sinenyasan niya akong pumasok doon at nagsimula na siyang kumuha ng papel at ballpen. 

Ano to? Makikipag communicate siya saakin gamit iyon? Marunong naman siya mag salita kaya bakit hindi nalang niya sabihin ang gusto niyang sabihin.

She began to sketch on the blank paper. Tinignan ko iyon ngunit hindi ko talaga maintindihan. Puro linya lang naman ang mga iginuguhit niya kaya hindi ko alam kung pinagtritripan niya ba ako o may gusto siyang sabihin.

Matapos niyang gumuhit ay pinakita niya ang larawang at iniabot niya saakin. Tinignan ko ang binigay niyang papel at kahit angulo ay hindi ko alam kung anong tinitignan ko.

I gave her a confused look at doon niya lang binigay ang iba pang mga papel na iginuhit niya. They were all random, puro linya linya at may unting mga kurba pero hindi ko talaga maintindihan ang gusto niyang sabihin.

Inilatag ko isa isa ang mga papel sa sahig at pinagmasdan ito ng mabuti.

Rom was just standing behind me giving me chills as she stares at me staring her drawings.

"Pwede bang sabihin mo nalang saakin ang gusto mong sabihin" I told her to break the silence at para makalayo din ako sakanya.

Nakatitig parin siya saakin ng hindi kumukurap at itinuro lang ang mga larawang nakakalat sa sahig.

What do you want to tell me! Mag charades nalang kaya tayo Rom! Tao ba to? Bagay? Hayop? Ano!!!!

Mababaliw na ata ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang gusto niyang ipahiwatig sa mga larawang nakahilata sa sahig. Pumipintig na din ang ulo ko dahil lumalakas ang nakakalason niyang amoy.

Then, just as I was about to give up, my mind suddenly formed an invisible interconnecting line to the drawing laid out on the floor. They were like puzzle pieces waiting to be assembled.

I looked at Rom with a big smile and she gave me a creepy one. Kahit ba naman sa pag-ngiti Rom, nakakatakot ka parin?

I slowly picked up the drawing pieces that would probably fit together and began to assemble it. Madami din ang drawing ni Rom kaya mahirap padin pagtagpi-tagpiin ito.

Finally! After 40 minutes of putting the pieces together ay nabuo ko na din sila. Pinagdikit dikit ko na sila gamit ang tape para hindi na ulit masira. Tinitigan ko 

I was so proud of myself kaya ngumiti ulit ako at hinanap si Rom. Inikot ko ang apartment niya pero hindi ko siya mahanap. 

Where the hell is that creep gone to now?

Bigla siyang lumitaw sa gilid ko kaya napatayo ako at mabilis na tumibok ang puso ko.

"Shuta ka talaga Rom, pwede bang paki-iwasan ang paggugulat saakin, baka maatake ako sa puso ng dahil sayo eh" pagprangka ko sakanya.

She just stared at me with her eyes wide open, not blinking, and gave me a slow thumbs up together with a creepy smirk.

What the hell.

Inayos ko ang aking sarili at muling tinignan ang pinagtapi-tagping larawan na mga ginuhit niya. Inikot ikot ko ito ngunit hindi ko parin mawari kung ano ba talaga ang nais niyang ipahatid.

Nakailang ikot din ako bago ko na realize na isa palang mapa ang hawak ko ngayon. 

Mapa saan? 

May gusto ba siyang puntahan?

Gusto niya bang makipag date saakin?

Saan ba ito?

Mukha siyang blueprint ng isang building na napakalaki. Pero bakit niya pinapakita ito saakin?

"Saan ito?" seryosong tanong ko kay Rom na nakahiga na sa sahig ngayon at nakapikit. Hindi siya gumagalaw at hindi mo rin pansin ang kanyang paghinga.

Lumapit ako sakanya at tinitigan siya. Parang natutulog ata, baka napagod sa kakaantay saaking buoin yung mapa.

Pinicturan ko yung mapang iginuhit ni Rom gamit ang aking cellphone saka ko siya nilagyan ng kumot. 

Pumunta ako sa kusina at nakita kong may nakahaing pagkaen sa lamesa. May nakalagay pa na note doon.

Eat Vent.

Natawa ako sa nakasulat sa note dahil hindi ko alam kung kakaen ba ako o kakainin niya ako.

Nilanghap ko ng maigi ang pagkaen na niluto ni Rom. Hindi naman niya siguro nilagyan ito ng lason, wala naman akong ibang naamoy na hindi dapat ilagay.

Kumuha ako ng kutsara at tinidor sa loob ng kabinet na malapit sa lababo. Kakaen na sana ako ng may maramdaman akong kamay na malamig na humawak sa aking makabilang paa.

"Putangin-" napatalon ako sa gulat at natabig ko lahat ng pagkaeng nasa lamesa. Napunta lahat sa sahig yung pagkaen kaya nasayangan ako. Sobrang gutom pa man din ako. 

"Ano bang problema mo Rom! Tumayo ka nga jan! Para kang si Sadako na gumagapang eh!" mabilis pa din ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang gulat na naramdaman ko. She was just staring at me habang dahan dahang tumatayo. 

She looked like a ghost from a horror movie, kulang nalang ay umikot ng 360 degrees yung ulo niya at complete scare package na siya.

Jusko! mamamatay na talaga ako sa takot dito kay Rom. 

Pwede bang ibang alter naman ang lumabas?

Tinitigan niya ang mga nakakalat na pagkaen sa sahig tapos tumitig nanaman saakin. This time, masakit yung tingin niya, na parang may mali akong ginawa.

"S-sorry, ginulat mo kasi ako eh!" mahinang sigaw ko. Kumuha nalang ako ng walis at dustpan para linisin ang kalat ko. Pinunasan ko na din ang lamesa at hinugasan yung pinggan at mga utensils na ginamit ko.

Kumuha nalang ako ng tubig para mag kalaman ang tiyan ko. 

Hayst.

Iyah, I miss you.

Kelan ka ba lalabas?

Napabuntong hininga ako.

Muli nanaman akong tinitigan ni Rom at ngayon ay medyo naging malambot ang kanyang mga titig. Hindi na masyadong nakabukas ang kanyang mga mata at tanging half-opened nalang ito.

She handed me a muffin na parang batang nag aalok ng pagkaen sa bago niyang kaibigan. Natuwa ako sa ginawa niya kaya inabot ko iyon then tapped her head and hugged her tight.

"You're not so bad after all Rom" I said gently while caressing her hair.

Nagulat ako dahil biglang nag-iba yung amoy niya. She smelled like old and new books with a with a subtle hint of peaches.

I missed her smell.

I missed hanging out with her.

I miss her intelligence.

Tumingala siya habang yakap yakap ko parin siya sa aking bisig at nakapatong ang aking baba sa kanyang ulo. Her smell is so intoxicating.

"V-Vent" nahihiyang tawag niya sa pangalan ko. 

I missed the way she says my name.

"Shhh... just let me hug you. Mor" I told her gently.

***

#VSA29



𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon