𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟐

31 37 0
                                    

-VENT-

"Right Again! Mahusay ka talaga Vent" pagpuri saakin ni Sir Zed habang tinuturo ko ang susi ng bawat padlock sa opisina nila. Isang amoy ko lang kasi sa mga ito ay nahahanap ko na ang ka-partner ng susi na padlock. Madali lang naman kasi, yung iba naman hindi ko na ginagamitan ng pang-aamoy dahil itsura palang nung pattern ng susi malalaman mo na.

"Grabe talaga yang ilong mo! sana kapag nag-graduate ka mag-apply ka agad dito. For sure, malaking tulong ang maibibigay mo dito sa aming agency!" binigyan ko ng tipid na ngiti si Sir Zed. 

Gustuhin ko man magtrabaho agad dito, may iba pa akong plano. Gusto ko sana magpahinga muna. Pakiramdam ko kasi sobrang napagod yung katawan at utak ko sa pag-aaral, isama mo pa itong napakagulong kaso na ang papa ko pala ang suspect.

Last day na namin ng training at sobrang saya nila Sir Zed at ng iba pang mga staff dahil  maabilidad daw kaming lahat. We perfected the trainings as if we were really made for this mission. 

Sinabi ko na rin kina Vince at sir Zed and revelation namin about sa lawang hinahanap nila. They were amazed by how I decoded Rom's notes. Sinabi pa nga ni Sir Zed na gagawan niya ako ng recommendation para hindi na ako dadaan sa interview kapag gusto ko dito magtrabaho.

 Excited na kaming lahat i-execute yung mission but there's this tingling sensation in my heart na gustong umatras dahil kinakalaban ko ang kaisa-isa kong kadugo. 

Wala naman na din kasi akong ibang kilalang mga kamag anak dahil nag-iisang anak lang naman si mama, at patay na din ang kanyang mga magulang. Tanging si papa nalang talaga ang meron ako. At heto ako, tumutulong upang hanapin ang duming tinatago niya ng matagal na panahon.

"Vent, can I talk to you for a second?" tawag saakin ni Vince. I just nodded as a response. Bakit ba hindi ko maibigay sakanya ang buong pagkatiwala ko? Bakit parang may humaharang? 

Lumabas kami sa training area at pumunta sa may conference room. Kaming dalawa lang ang nandoon at sinigurado niya pang walang taong nakapaligid dito bago niya ako kinausap.

"Tomorrow will be crucial, kapag hindi natin naisagawa ng maayos ang missiong ito. Hindi lang tayo ang malalagot, kundi lahat ng taong nakapaligid sa atin." seryosong pagpapaliwanag ni Vince. Hindi ko maintindihan bakit saakin niya lang sinasabi ito. Hindi ko mawari bakit kailangan hindi pwedeng marinig ng iba.

"If the plan does not work, can you promise me that you will finish the job? Alam kong papa mo ang kaisa-isang suspect natin, but please, always choose justice over anything else" he said in a low monotone voice.

Matapos niyang sabihin yun ay bumalik na siya sa training area kaya napatunganga nalang ako habang nag-iisip ng malalim. What does he mean about "if the plan does not work?". Does he really think na hindi namin kayang gawin ang mission?

Just watch me Vince. I will prove to you that I am a man of justice and that this plan of yours will work.

***

-CHARM-

Kasama ko ngayon si Vince at Vent para puntahan yung lawa sa likod ng Hindu Temple. Vince was wearing a tuxedo while I was wearing a wedding dress. We disguised ourselves as a couple na mag pre-prenup at dito kunwari ang venue namin. Vent was the fake photographer holding a DSLR. 

I blushed as we tried to create couple positions for the photo. Bakit parang iba si Vince ngayon. Parang masyado siyang gentleman at sobrang sweet. May mga oras din na bumabanat siya na nagiging dahilan kung bakit umiinit ang buong katawan ko. May gusto ba saakin toh? Jusko please don't give me mix signals Vince at baka patulan kita!  

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now