𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏𝟑

Start from the beginning
                                    

I placed my palm on his face, and it was so cold. May kumawala na luha sa aking mga mata dahil ayokong nakikitang ganito si Vent. I placed a gentle kiss on his forehead thinking and hoping he will be fine. Agad ko namang tinulungan si Klint upang itakbo siya sa clinic.

Nandito kami sa ospital kasama si Klint dahil hindi ma-diagnose ng mga medical staff ang kalagayan ni Vent. Mababa rin ang kan'yang oxygen level kaya kinailangan siyang i-oxygen at lagyan ng swero.

Tatlong oras na kaming nag-aantay sa lab results ni Vent at sa mga oras na iyon, hindi pa rin siya nagigising.

I held his hand close to my lips. I prayed so hard that he would wake up and tell me some korni jokes. Dumating na ang Doctor na nagcheck sa kanya kanina at tinignan ang kalagayan ni Vent. Mukhang maldita pa ito dahil inirapan ako. Please lang po wag kayong magtataray dahil hindi ko rin alam ang kaya kong gawin kapag si Vent na ang usapan.

"Why are you still here little lady? Shouldn't you be in school?" tanong sa akin habang nakataas ang mga kilay. "He needs me" matipid kong sagot. Hindi niya ata narinig 'yong sinabi ko dahil natingin at ngumiti siya kay Klint, ay malandi ang babaita. "P'wede naman ikaw lang ang maiwan at magbantay sa kaibigan ninyo" sambit niya kay Klint, malambing ang kan'yang boses habang kausap ito at mas ikinainit naman ng dugo ko.

Pogi si Klint, kung tutuusin ay kung ikokompara siya kay Vent ay malayong mas makisig ito ngunit iba rin kasi ang dating ni Vent. Mas malakas ang sex appeal ni Vent dahil rin siguro sa kan'yang mga mata. His eyes were full of passion and determination. It was full of love and care. It was full of hope and happiness.

Huminga ako ng malalim. Buti nalang at sumagot si Klint. "Aalis na rin po ako sinamahan ko lang po ang girlfriend niya" medyo umirap si Doc Irap sa akin pero hindi ko nalang pinansin.

Hindi pa naman ako gf ni Vent pero hearing those words made me want to hear it from his voice. "Thank you" I mouthed to Klint as he waved goodbye. "Balitaan mo nalang ako kapag nagising na siya" pahabol niya namang sabi na agad ko namang tinanguan.

"Stable naman ang lahat ng kan'yang Vital Signs pero we need to take some more tests para masiguradong okay siya but he needs to wake up for us to take those tests kaya jan ka muna at tawagin mo nalang kami kapag gumising na si Prince Charming mo" Sagot ni Doctor Irap.

Umalis na siya at pumunta ako sa gilid ni Vent. "Hay nako Vent! kung si Chali lang talaga ang nakaharap ngayon baka nasabunutan niya na ang doctor na yon. Pasalamat siya mabait ang nakaharap niya" bulong ko kay Vent habang minamasdan ang mahahaba niyang pilikmata.

Ngayon ko lang siya natitigan matulog. He was gorgeous and pure. Parang ang bait bait nito habang natutulog ngunit makulit kapag gising. Gising ka na kasi Vent! Okay lang sa akin na kulitin mo ako kahit every second pa basta gumising ka lang.

Lumipas ang tatlong araw at nanatili pading nakapikit ang mga mata ni Vent. Exempted naman na rin kami sa finals dahil nirepresent daw namin ang aming college kaya okay lang na hindi na kami pumasok. Natalo naman kami sa finals basketball dahil hindi rin lumabas si Ali kaya hindi na rin ako nakapaglaro. Alam siguro ng mga alter ko na ako lang ang kailangan ni Vent sa mga panahong ito. I was the only one who knew how to take care of him at this state.

Naalala ko naman 'yong ikinuwento sa akin ni Ali noong una siyang nagpakita kay Vent. Natawa pa ako habang binabasa ang mga nakasulat sa journal namin na isinulat ni Ali.

"Hi Iyah! Vent was weak, kailangan niya pa mag exercise para maapprove ko siya para sa 'yo. Pero he was consistent and determined kaya, sige, p'wede na, unti pa. Basta kaya ka niyang ipagtanggol haggang sa huli, payag akong mahulog ka sa kan'ya, pero kung ikaw lang din ang lalaban para sa kan'ya, Aba! mag-isip ka muna girl! Magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo, wag nanaman 'yong ibibigay mo ang lahat para sa isang tao. I just want you to be happy and safe Iyah! I love you to the fullest! -Ali"

Itong mga alter ko talaga, kaya love na love ko sila eh. Sana lang 'yong iba makipagcommunicate ng maayos para rin naman alam ko kung paano ko sila ilulugar at bibigyan ng priveledge to front. Alam ko namang hindi nila ako ipapahamak I just want them to know na I trust each and everyone of them and they have to trust me as well.

7 DAYS have passed pero hindi pa rin talaga nagigising si Vent. I was starting to have a nervous breakdown, but I had to stay strong for him. Araw-araw ko siyang kinakausap kahit hindi siya sumasagot dahil alam kong naririnig niya ako at sabi rin ng Doctor na he can hear his surroundings.

I let him listen to songs he likes. I let him hear the movies he loves. I let him smell things he loves like lavenders and other wonderful scents but to no extent did he gain consciousness.

"Vent! kapag hindi ka pa nagising jan ay lalagyan ko ng ipis yang paa mo" I jokingly said. He was afraid of cockroaches. Kahit 'yong pinakamaliit ay takot siya kaya natatawa ako kapag sumisigaw siyang parang maliit na batang babae kapag nakakakita siya ng ipis.

Hindi rin siya mapakali hangga't makikita niyang patay ito kaya naman tinatawag niya ako para mahanap at mapatay ito gamit ang baygon.

I saw his big toe twitch hoping he will open his eyes any moment but did not. "Alam kong naririnig mo ako Vent kaya gumising ka na 'yan" I told him. Tears fell from my face. I missed him so much. I'm becoming so used to him making me breakfast and coffee that I couldn't bare myself to make some for myself. Naiiyak lang ako kapag pinipilit ko ang sarili kong magluto sa umaga. Stary strong Iyah! Stay Strong.

2 WEEKS have passed but still no Vent was awake. "Klint, ikaw muna mag bantay kay Vent. Bibili lang ako ng bulaklak" Klint looked at me and said, "Iyah, hindi kailangan ni Vent ng maraming bulaklak, hindi pa siya patay. Saka isa pa mahihilo lang 'yon ulit kasi masyadong mabango ang mga iyan" turo niya sa mga bulaklak na nakalagay sa lamesa ng room ni Vent.

Siniko ko naman si Klint. We grew closer, we were the ones that mostly took care of Vent at sa mga panahong iyon I confessed my illness to him which he accepted openly. Magaan ang loob ko kay Klint. Nagkwento rin siya about sa family niya at sa kan'yang sarili.

He shifted from Engineering to Psychology dahil tinatakasan niya daw ang math kaso nagkamali daw siyang isiping walang math subjects sa Psychology. But he grew to love psychology ang the people he met, meaning me and Vent.

Mabait si Klint, matalino, pogi, magalang, magaling magluto, matangkad, maputi.. Very ideal guy of every girl ngunit malakas ang trip at mapangasar, minsan hindi alam saan ilulugar ang pagjojoke.

"Ang sama talaga ng ugali mo Klint! Anong sinasabi mong hindi pa siya patay jan!" natawa ko namang sabi sa kan'ya. At least when he was here beside me nawawala ang pagkabalisa ko sa kalagayan ni Vent. "Hindi naman talaga!" sumbat niya sa akin. "Wag mong lagyan ng "pa" dahil mamabubuhay yan!"

"Ahy sorry naman Iyah, wrong grammar lang, tao lang" natawa naman siya.

Bigla namang pumasok ang isang Nurse sa room ni Vent. Nakatingin siya kay Klint at nagtanong. "Mr. Valenciano? Ready na po ba kayo sa Vasectomy niyo?"

Nagulat si Klint sa sinabi ng Nurse. "Huh?? Hindi po ako ready! at hindi po ako si Mr. Valenciano!" malakas nitong sagot na agad namang ikinamula ng mukha ng nurse. Tinignan niya ang room number namin at saka muling nagsalita. "Ay pasensya na po, wrong room" at saka sinaradoang pinto.

Nagtinginan kaming dalawa ni Klint at nagtawanan ng malakas. "Tangina! wala pa nga akong anak magpapavasectomy na ko! balak ko nga ay mga sampu sana eh!" Sumakit naman ang tyan ko kakatawa dahil sa pagkakamali ng Nurse. Imagine mo magpapavasectomy si Klint ng walang kamalay malay.

Our laughters were cutt off when we saw Vent moving his fingers. We rushed beside him and he flattered his eyelashes. Ilang saglit lang ay bumukas na ang mga mata niya. Para akong nahugutan ng tinik habang pinagmamasdan siyang pagmasdan ang kan'yang paligid. Hawak namin ni Klint ang kan'yang magkabilang kamay at inaantay kung magsasalita siya.

"Vent?"tanong ko. Tinitigan niya lang ako at tinitigan niya rin si Klint. Lumipat sa akin at kay Klint and kan'yang mga tingin. Pinagmamasdan kami mabuti. He spoke softly, but the words that came out of his mouth made me loose the tears I was holding.

"Sino kayo?"

***

#VSA13

***

A/N: Kamusta kayo? Masakit na likod ko kaka-update pero para naman sa inyo ito kaya go lang ^_^

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now