Chapter 32

3 0 0
                                    

Maaga akong pumasok sa kumpanya. I arrived earlier to prepare for the grand opening of our project. Nauna lang sa akin si Sean dito at sunod-sunod na din na nagsidatingan ang iba kong kasama. May humawak na mga tao sa event ngayon kaya hindi na namin iyon prinoblema pa. 

Today, I will seize this moment. This is it! Wala munang kahit na anong bagay. Walang Arrow, Walang Eunice, at walang ibang taong iintindihin kundi ang mga nangangailangan muna. We will make this day memorable for them!

Nasa office ang mga team ko. We greeted each other. Sean and Dave made a fist bump. Hlatang masaya ang lahat para sa araw na ito. Ang dalawang babae ay tahimik lang na nag-aayos at kumakain sa kabilang gilid. As usual, sila Dave lang talaga ang maingay at kanina pa ang kwentuhan. 

Leigh stood up and handed me the program flow. I quickly scanned it to verify what my time for speech. I already told them na hindi na kailangan pa iyon but they insisted na ilagay pa rin. Hindi lang din naman ako ang naghirap sa trabahong ito kaya alam ko na mas may deserve pa kaysa sa akin na mag-speech. I insisted on my team na sila na lang pero mukhang wala din talaga yata akong choice.

“Luh! Anong alam ko dyan sa speech-speech na ‘yan.” Tanggi ni Sean sa akin. “Pass.”

Lumingon ako sa gawi ng dalawang babae. I know Leigh can do this or Jelly.  

Umiwas lang sila sa akin ng tingin. “Taga-video ako, Elle.” Depensa ni Leigh. “Walang matinong kumuha ng pictures natin kundi lang din ako. Blurred kayong lahat kumuha!” 

Jelly giggled. “Ako na bahala sa make-up mo! Spare me pi!”

I took a deep breath. Kahit ayaw ko ay bumaling ako kay Dave na nagsuot lang ng earphone pagkakita ko. 

“Super pass, beh! Not me!” tanggi nya. “Ayaw ko nga sa essay nung high school, speech pa kaya.” 

That’s how it went. Mas gusto nilang nagtatrabaho sa likod kaysa sa nakikita ng mga tao. And I think it’s better na din kaysa ipagmalaki sa iba ang mga nagawa mo dahil hindi naman natin ma-aassure kung sino talaga ng masaya sa achievements natin o sino ang hindi. People tend to fake their emotions. 

Magkakasunod kaming dumating sa project site. Si Jelly ay sumabay na sa sasakyan ni Dave dahil ayaw siyang pakawalan nito habang kami naman nila Sean at Leigh ay gamit ay kanya-kanyang sasakyan. 

Madami ng tao sa venue. Naglagay sila ng simpleng stage sa harap ng mga bahay. Maayos iyong nakahilera base sa kalkulasyon namin. Hindi na namin iyon nilagyan pa ng pangalawang palapag. We want it to be more a family type of home. Hangga’t maaari ay gusto naming bigyan sila ng bahay na mararamdaman nilang pam-pamilya talaga. 

“Good morning, Engineers!” bati ng mga nakatrabaho namin sa site. We greeted them back. Nando’n din si Mang Reynaldo na tuwang-tuwa. 

I smiled. Nakakaginhawa lang sa pakiramdam. Kids are running. Ang iba ay nakikiusyuso na sa mga bahay. They are excited for their new home. Kahit ako ay masaya para sa kanila. Totoo din pala na kahit may sarili kang pinagdadaanan ay mawawala iyon kapag nakakita ka ng mga taong nakukuhang maging masaya sa kabila ng bigat ng problema nila. 

“Good morning, everyone!” the emcee started. Agad nagpalakpakan ang mga tao pagkabukas ng programa. They clapped their hands in joy. “Are you all excited?!”  

Ilang minuto lang ang itinagal ng programa. They called us, the project engineers on the stage. I saw how my teammates eyes glistened on joy upon seeing those smiles of people waiting for their new home.

“Alam niyo po nung inassigned sa akin itong project na ito, feeling ko hindi ko kakayanin…ng mag-isa. Yes, I am hopeful na kami ang hahawak dito dahil alam naman po namin na maitataguyod namin ito ng maayos. You know, when you have this commitment na you want to build better homes, na you devoted yourself in making the constructions better, and here it is nakikita mo na yung ilang linggo mong pinagpuyatang plano, ilang buwan niyong tinapos just to make this into reality…that’s the best feeling of an Engineer. Sa propesyon namin napapatunayang… dreams do really come true.” I paused. “Sa totoo lang po, I really really wanted to handle this project kaso naisip ko kung hindi para sa akin, sa amin…bakit naman ‘lo?” the crowd laughed. 

First and LastWhere stories live. Discover now