Chapter 14

4 0 0
                                    

Buong buhay ko ay palagi akong iwas sa mga lalaki. Madalang lang akong magkaroon ng interaksyon sa kanila lalo na kapag alam kong hindi naman tungkol sa pag-aaral o trabaho. All my life ang nasa isip ko ay tanging si Lolo lamang ang matino sa lahat ng lalaki. Nadagdagan na lamang iyon simula ng makilala ko ang mga kasamahan ko sa trabaho. And that’s the point where my perspectives and opinions changed. 

Simula pagkabata nasa isip ko na kapag lumapit ako sa kanila ay mapapahamak ako, na kapag nakita ng mga matatanda na may kausap akong lalaki o simpleng nilapitan lang ay kasintahan ko na. Marahil ay iyon din ang dahilan kaya ni isa ay wala akong hinayaan na makapasok sa pribado kong buhay.

“Are you okay, baby?” tanong ni Arrow. Masyado na pala akong okupada ng isip ko. 

I nodded at him. Nakita ko pang naka-awang ang bibig ni Kier habang nakatingin sa aming dalawa at maya-maya ay nagpipigil ng tawa habang nakatitig kay Arrow.

“Miss, wag kang pauuto kay Arrow ane.” Paalala niya. “mas okay kung hindi mo yan sasagutin.” 

“Manahimik ka nga!” asik ng katabi ko. “Itikom mo bibig mo at baka matauhan siya.” They laughed.

“Why not. Wala din naman akong balak.” I answered.

Arrow shocked face suddenly turned at me. Nakaawang pa ang bibig habang mamatay-matay na sa kakatawa si Kier.

“Wooooohh!”

“Burrnn!” 

I heard Hercules soft chuckle while he’s resting his head on the sofa habang nakapikit. Kier holds his tummy hard while laughing his ass out. I quietly smiled habang si Arrow ay hindi inaalis ang paningin sa akin.

“Baby naman. Parang biro lang ehh!” kastigo niya sa akin. 

I seriously looked him na lalong kina-lumbay ng mukha niya. 

“Palagi na lang ako!”

“Panget mo kasi!”

“Hiya ako sayo ah!”

Sinamaan niya ng tingin si Kier at ng bumaling sa akin ngiting-ngiti habang inaabot ako ng kanyang kamay. Hinawi niya ang buhok kong nasa harapan palikod at tsaka niya isinandal ang baba duon.

“Rawr.” He whispered. 

Agad ko naman siyang siniko at bahagyang lumayo sa kanya. “Umayos ka nga, Arrow.”

He chuckled at umakbay naman siya sa akin. “Tara sa studio room.” 

He helped me to stand up. Nagpaalam siya sa dalawang naiwan na tinanguan lang ni Kier samantalang si Hercules ay walang sagot sa kanya. 

He holds my hands hanggang sa makarating kami sa kusina nila. They have a complete set of kitchen utensils. From the glass ware na nakaayos hanggang sa mga ginagamit na panluto. Arrow opened their two-door refrigerator. Kaya naman pala pinagbaon niya ako ng tubig dahil puro alcoholic drinks ang nasa loob niyon!

Ni wala man lang yata akong nakitang maraming gulay at prutas! Meron naman kaso napaka-kakaunti niyon. 

“You should eat healthy, Arrow.” Wika ko ng makita ang mga beer at softdrinks.

“Kaya nga alagang-Elle ako.” Inilagay pa niya ang kanang kamay sa kanyang dibdib habang sinasabi iyon. “Don’t worry baby. Hindi ako umiinom ng mga iyan. Si Hercules lang ang mahilig pero dahil na-busted si Kier baka mamaya kalahati na lang laman niyan. Deserve!”

Napailing-iling na lang ako sa kanya. At nang maisara na niya ang refrigerator ay inaya na niya ako sa sinasabi niyang personal studio nila. 

He opened the door at pina-una akong pumasok sa loob. Musical instruments are everywhere. Kung kanina ay napahanga ako sa living room nila, mas accommodating dito!

First and LastDove le storie prendono vita. Scoprilo ora