Chapter 20

1 0 0
                                    

Hi, smileys! Ang tagal-tagal na rin nung huli kong update sa story na ito. I am humbly sorry for that. Nabusy lang talaga sa acads. I just wanna share some of my considering success for this second semester. I am proud on myself na natapos at nakaya ko ang buong semester ng ako lang. I passed all of my requirements on time and reviewed my modules at my own pace. And that's what I want to say that you can do it whatever challenges you have. Kaya mo yan at kakayanin mo pa. Trust yourself and always be humble. Good luck, smileys!

Note: Tatapusin ko po muna itong story nila Arrow at Elle bago po tayo magmove forward sa ibang characters. Again, sorry sa typo and sa mga wrong grammar if meron. Thank you so much po! 😊

---

"Papunta ka na ba, baby?"

I received a text message from Arrow. He's asking if matutuloy din ako ngayon na pumunta sa concert nila. I already accepted his invitation noong nakaraang araw pero sabi ko nga sa kanya ay talagang hectic ang schedule ko.

But I'll try.

Nandito pa rin ako sa office kanina pang umaga. Nagpapabalik-balik lang ako sa site para tignan at ayusin na ng masinsinan ang problema duon. I almost forgot my lunch kung hindi pa nagtext si Arrow na kumain na ako.

Ramdam ko ang pagiging busy nila kaya naman sinabi ko na lang na kumain na ako kahit ang totoo ay hindi pa. Then, nung medyo makaramdam ng pananakit ng tiyan ay duon palang ako kusang gumalaw para kumain.

"Habol ako." I typed my reply and when I saw that it sent I directed my gaze on the bunch of papers in front of me.

Nakailang vibrate pa iyon pero hindi ko na lang binuksan dahil kailangan kong makayari kahit kalahati nito. Maghahapon na kaya naman baka malapit ng magsimula ang concert nila.

Hindi naman siguro makukuha pang magtext ni Arrow sa kalagitnaan ng concert.

"Pasok." Sabi ko na ang tingin ay nasa papel pa rin.

"Ma'am. Need na daw po ng pirma niyo sa evaluation report." an employee said. "Nilagay ko na po kahapon sa table niyo." She humbly said.

"Saan dito?' sa dami ng mga papel na kaharap ko ay hindi ko na din alam kung saan yun.

Inisa-isa niya ang mga folders at ng makita ay mabilis niyang iniabot sa akin.

"Ito po, ma'am."

I nodded and hold my signing pen to sign the evaluation report she needs. Nareview ko na pala ito kahapon pa kaya pinirmahan ko na ang iyon. Nakalimuta ko lang kung saang evaluation report ang sinasabi niya dahil sa daming kailangan kong i-review.

"Thank you, ma'am." She bid a goodbye after that.

Ilang oras pa ang lumipas bago ko nakalahati ang mga papel. Karamihan duon ay mga bagong lapag lang kaya naman binasa ko muna ng masinsinan bago aprubahan. Malamang ay kanina pa nagsisimula ang concert at ngayon ko lang din nabuksan ang cellphone kaya duon ko lang nakita ang mga text messages ni Arrow at ni Lean. Umattend din kasi siya. Nagtatanong kung saan ako nakapwesto.

After replying back to Lean, telling her na papunta pa lang ako ay mabilis din siyang nagreply.

"Hoy! Babaita! Kanina pa nagsisimula!"

"Ang galing ni Arrow!!!"

"Ang gu-guwapo! Kaloka!"

"Mukhang wala sa wisyo si Arrow nung pinuntahan ko sa backstage. But anyway, ang saya dito!"

Nang makalabas sa building ay mabilis akong pumunta sa sasakyan at iminaneho papunta sa venue. Hindi ko alam kung sadyang nananadya ang tadhana pero kung kailan pa ako nagmamadali ay siya pang traffic sa daan.

First and LastWhere stories live. Discover now