Chapter 19

4 0 0
                                    

Four days has passed. Nasimulan na rin ang tulong na ipino-proposed ko noong meeting. The company gives everything that it can to help the families affected by the fire accident and I am glad na nasa ayos na ang lahat. Pansamantala munang nanuluyan ang mga apektado sa emergency shelter ng kumpanya. Hindi rin naman ito kalayuan sa lugar nila Mang Reynaldo kaya hindi na rin nahirapan ang kumpanya sa pakikipag-usap sa kanila.

The company’s emergency shelter is a typical two-storey house with a family size house along the side of the area na nahahati sa dalawa kaya naman magkaharap ang mga ito. Duon muna tumigil sila Mang Reynaldo at ang iba pa. 

Kumpleto naman sila ng mga gamit at nag-offer rin ang kumpanya ng service para sa paghahatid at pagsundo ng kanilang mga anak sa eskwelahan. Ito na lang rin ang magagawa ng kumpanya para sa kanila. 

Sa apat na araw na iyon ay natutunan kong mahila ulit ang sarili ko. It’s like the accident pulled me into deep and dark situation. I regained myself again. Mas naging pokus ako sa trabaho at mas lalo kong inisip ang mga tamang gawin para malutas na agad ang problema namin. 

Dapat ginawa ko na ito bago pa mangyari ang trahedya. Hindi ko na dapat pa ipinaabot na may isang pangyayari ang magmumulat sa akin. Paniguradong hahabulin ako ng patpat ni Abuela kapag nalaman niya ito.

Sana man lang ay naroon rin si Lolo kapag nangyari iyon. 

Natawa ako sa akin naisip. Ganon naman kasi dati, kapag may pagkakamali ako ay si Abuela ang naghahabol sa akin habang may patpat na kawayan. Manipis yun kaya kapag hinampas sa iyo ay talagang mapapa-irit ka sa sakit. Pero si Lolo ang palaging taga-salo ko. Madalas ko kasing napipitas ang alagang mga bulaklak ni Abuela sa garden o di kaya naman ay taga-habol ng mga alaga naming bibe.

Masama ba iyon? Bibe na nga lang ang palagi kong kasama!   

I even named them pati ang mga inakay nila ang pinangalanan ko pa tapos malalaman kong isang araw na binebenta sila! Hinagpis!

That’s why I grew up to have a special heart for ducks. They are the cutest for me. Mag-kwak-kwak lang sila buong maghapon.

“Kung naririnig mo’to nasa kabilang banda lang ako ng hinahanap mo. Pamparampampam. Pamparam-parampam---

Huh?

I tilted my head on my left side only to find out that Lean is dancing in front of her phone. Ginagaya niya ng paulit-ulit ang video sa tiktok na kanina pa niya ginagawa sa gilid ko. 

She put her right fingers on her temple while swaying her hips and trying to make an expression on her face. I watched her dance on the song while she’s trying to mimic the steps.

“Mukha kang sumasayaw na kawayan dyan.” Natatawa kong sabi sa kanya. 

“I’m trying my best, ok?” she faced me. “Panggulong ‘toh.”

I giggled. “Pang-ilang ulit mo na kasi ‘yan?”

“Pang-seven.”

“Stop that! Mukha kang timang.” Sabi ko sa kanya ng makita ang step na ginawa niya. 

“Maganda nga ‘yun. Ano ka ba!” she rolled her eyes at me. I give her a dirty look ng ulitin pa niya. “That’s called kaldag. Kaldag!”

“Just turn off your phone, Lean. That’s so gross---

“Kaldag ka nga, Elle!” pang-aaya niya sa akin. “C’mon, tumayo ka!” she helped me to get up. “Then placed your two hands in front of your hips then pump! Like this oh!” she demonstrates the steps with her full energy.

First and LastWhere stories live. Discover now