Chapter 43

1 0 0
                                    

I wore my boots as I am planning to go on the farm. Maaga akong pumunta doon at hindi na nag-agahan pa. I am planning to supervise the whole area. 

“Supervise? O baka naman gusto mong panoorin si Arrow dahil nag-aalala ka?” 

“Tigilan mo’ko, Lean!” umirap sa akin ang babae bago itali ang kabayo. I sat on the wooden chair nagtatanong kung ano ang progress ng farm ngayon. They said na nagkaroon ng aberya sa makina. Limang araw pa ang dating ng mga bagong order na makinarya ni Lolo kaya ngayon ay pinagtatyagaan muna ang mga luma. 

Bitbit ang timba na may lamang tubig at ilang kagamitan ay dumiretso ako sa mga makinarya. I surveyed the machine para malaman ang sira. Habang sila ay dumiretso na sa bukid na matatanaw lang din mula sa pwesto ko. They carried the fertilizers, and started to assemble it.

“Pre! Dun ka daw sa gawi na iyon.” Rinig kong sabi ni Mang Rely. I looked at him pero ang paningin ni Arrow ang sumalubong sa akin. “Ilalagay muna sa buslo ang mga pataba tsaka ihahagis ng mainam sa mga pananim.”

I continued. Inaayos ko ang mga tools na gagamitin pero pinapakinggan ang usapan nila. 

“Alright.” Arrow said on the farmer. Akala ko ay dumiretso na siya sa mga pataba but I heard his step coming on my direction. “I will go to the farm. Magpapataba na’ko.” 

“Uh?” saglit akong lumingon sa gawi niya. Nakasuot ito ng simpleng pambukid. I creased my forehead. “Bahala ka.” 

“Alright. Babalik din ako agad.” 

My eyebrows raised. Ang mga mata ay banayad na nakasunod sa kanya habang naglalakad. He lifted the fertilizers on his shoulder na tila ba ay sanay na sanay siyang gawin iyon. Halos mapatayo pa ako sa kinauupuan ko ng matalisod siya sa maputik na lupa. 

Susme, Arrow!

I fixed the machine. Nilinis ko ang nakabara sa filters nito at sinelyuhan ang ilang butas para hindi tumagas ang gasoline. Halos kinse minutos na ang nakakalipas ay hindi ko pa iyon natatapos. He brought me breakfast. Nasa kubo daw. Pinuntahan ko muna dahil nagugutom na ako. 

Galing din naman sa mansion ang mga pagkain kaya bakit ako mag-iinarte. Siya lang naman ang nagdala. 

It has eggs and bacon. Brown Rice and a cup of coffee. I eat the breakfast. Nakita ko siyang sumulyap sa gawi ko pagkatapos ay ginaya na ang ginagawa ng iba. I even saw Lean taking pictures of him. Pinakaway pa niya ang lalaki sa camera dahil nagvi-video daw ito. 

Ba’t parang ang sakit sa ulo ng dalawa? 

When I finished my foods ay itinuloy ko na ang pag-aayos ng makina. I finished one machine, may isa pa. I washed some parts to clean the dirt. Tumataas na din ang sikat ng araw kaya minadali ko na ang paggawa. I knew how to do it. Natuto din ako kay Lolo at ilang manggagawa dati.

Huling kita ko kay Arrow ay naghahagis pa din ng pataba at ng maubos niya ito ay nililis niya ang suot na long sleeves. Pawisan na din ang lalaki kahit na hindi pa ito lumalapit sa akin. I took out the machine at pinalagay iyon sa tractor. Tinulungan ko sa pagbubuhat sila Kuya para ilagay iyon sa likod. I inserted the key on the hole. Inayos ko ang pagkaka-ayos ng four-wheel tractor. 

“Tara na po?” tanong ko kila Kuya na sasama sa akin sa bukid. Ihahatid ko ang mga makina sa plantasyon. Madadaanan muna ang bukid. I saw him looking at us. I maneuvered the tractor. Dumaan kami sa pwesto nila. Only to see him smirking at me. Manghang-mangha sa nakikita. 

Nakatayo lang sa gitna ng bukid habang sinusundan kami ng tingin. I drove the tractor to the plantation. Tumulong din ako sa pagbababa ng mga equipment. Nang matapos ay bumalik na ako sa kubo. Inihinto ko muna ang traktora sa gilid ng bukid para maghugas ng sapatos. My boots got stains. May patubig sa gilid niyon kaya doon muna ako maghuhugas.

First and LastWhere stories live. Discover now