Chapter 50: The Mom's day surprise

2 0 0
                                    

Third person

Sabado ngayon at tila hindi abala ang haligi ng Parker Family kaya nakapagpasiya itong mag live sa instagram ngunit bago niya gawin ito ay isa -isa niya munang kinausap ang kaniyang mga anak para malaman ng mga ito ang tema ng kaniyang IG live at hindi nga siya nagkamali dahil pumayag ang panganay nilang si Cailee Marie na kasalukuyan pa ring nasa Pilipinas at nagaaral.
Sinimulan niya na ang live at isa-isa na ring nagsi-dating ang kaniyang mga fans. Mga ilang segudo lang ang lumipas ay nasa live na rin ang kaniyang anak. Sabay nilang binati ang mga taong nanunuod.
"So guys we are here again." panimula ni Cailee Marie.
Malugod naman din siyang binati ng mga tao. Ilang saglit pa ay nag simula na sila.
"So ano nga ba ang pag uusapan natin o ano nga ba ang ang dahilan ng pag lalive namin ni daddy today." panimula niya.
"So the reason kung ba't naglive tayo ngayon is to answer never ending questions about your mommy."sagot naman ni Caius.
"To start, si mommy ay isa lang rin siyang tipical na babae noon. She was.. well, always on top of her game. May pagka man hater at minsan na mi-misunderstood dahil iba ang style niya sa paggawa ng mga bagay sa karamihan." pagkikwento ni Cailee Marie.
"Ano ba ang pagkakaiba niya sa iba? Marami. Una na d'yan yung pagturing niya sa lahat bilang pamilya... pagsinabi kong lahat ibig sabihin lahat. Hindi niya iintindihin ang estado mo sa buhay basta pag alam niyang nasa poder ka niya... Pamilya ka." proud na sabi n Caius.
"Tama si daddy, I remember this certain time na she personally went to meet someone who has been working for my lolo's family for years, she gave them everything they needed she even paid for the plot of farm and she also did give the kids a scholarship. Ganoon po siya kabait."
--
Muling nagbasa ng tanong si Cailee Marie at ipinasa niya naman ang pag sagot nita sa kaniyang ama.
"Bakit siya?"
"Bakit, may iba pa ba? Biro lang po.pero ito po ang sagot ko diyan. Kasi siya yung naging lahat. Siya yung nandiyan at nag tiyaga para mapatino ako, siya yung taong hindi nagreklamo nung maliit pa lang yung business ko. Siya yung taong naging mapanigurado sa lahat. Basta siya ang lahat at mahal na mahal ko siya higit pa sa kahit anong bagay." saad ni Caius.
"Ano daw ang sikreto, dad?" tanong ni Cailee Marie.
"Just be consistent. Alamin mo kung paano timplahin ang mood niya. Kung nasa jokester mood siya then saka ka maging joker kung bad mood naman siya then talk to her para malaman mo ang dahilan ng pagka bad mood niya. Know when to pull the "Trigger" kapag ayaw niya don't force her."sagot ni Caius.
"Ano ang pinakapinag aawayan niyo?"
“Pinaka? Pwede pass? Personal kasi masyado.
"What is the best thing about her." pagbasa ni Caius sa tanong.
"The best? Everything is the best about her walang hindi I swear."
"Next question is, Would you ever trade her for anything?" muling pagbasa ni Cailee Marie ng tanong.
"No, I'd never. Worth it na siya and like what I've said before she is and will be the only person that I will be loving 'til the end of the world." malaman niyang pagsagot sa tanong.
"No. She is more than enough. Kaya hindi na."
Naging emosyonal sila ng binasa na nila ang huling tanong.
" Thank you for all the support and the love that you gave us. From day one wala kang hindi ginawa. Alam nang Diyos kung paanong ikaw ang naging role model naming magkakapatid and nothing will ever change that I love you mommy.
"From day one you were my anchor hindi mo ko sinukuan. You never left my side. Salamat sa araw araw na inspiration at sa marami pang bagay na pinuno mo sa buhay ko . Hindi ka isang pintor pero nabigyang kulay mo ang buhay ko,hindi ka rin naman isang iskultor pero pero binuo mo ako at patuloy pang binubuo."
---
Nagising ako sa isang pangaraniwang araw at hinanap ko ang aking mag aama ngunit hindi ko mawari kung nasaan sila kaya naman tinawagan ko ang lahat ng kanilang mga kaibigan para malaman kung naroon ba sila ngunit rin sila sa bahay ng mga ito
"Nasaan kaya sila?" bulong kong nagtataka sa aking sarili
"Magandang umaga po, miss Ciarinise." bati ni Mina, ang kanilang katiwala.
"Good Morning, Mina." bati niyang pabalik habang akmang pupunta sa kusina.
Nang makita ni Mina na kukuha ako ng lulutuing pagkain ay agad niya itong kinuha at sinabing "Inihabiln po ni sir Caius na ipagpaubaya niyo na sa amin ang lahat ng gawain."
Bago pa ako makaalama ay kumuha na niya ng kawali at sinindihan na niya ang stove.
"Ano bang meron? Hindi ko naman birthday at wala rin namang may birthday sa kanila?"
Tila nabasa naman ng isang nakatatandang katiwala ang nasa isip ko at ipinaliwanag niya ang kung ano ang nangyayari at sinabing: "Siguradong magugustuhan mo ito."
Maya-maya pa ay nailuto na ang ang aking agahan at sinumulan ko na itong kainin.
"Maraming salamat, Mina." nakangiti kong sabi habang kinakain niya ang nilutong pagkain para sa kaniya.
"Kamusta naman ang pag - aaral mo, Mina?" tanong ko sa kaniya.
"Ayos naman po, miss Ciarinise. Sa katunayan nga po niyan ay isa ako sa mga top sa aming klase." sagot naman ni Mina.
"Mahusay. Nakakatawag ka naman ba sa inyo?" tanong niyang muli.
"Opo. Nakakatawag naman po ako. Ayos naman po ang pamilya ko." muling sagot nito sa kaniya.
Nang matapos niyang kainin ang kaniyang pagkain ay sinabihan niya si Mina na muling magluto ngunit sa puntong ito ay para sa kanila na ang lulutuin niya.
Pumunta ako sa aking office at naupo sa aking swivel chair habang naghintay ng email at tawag mula sa kaniyang trabaho ngunit ni isa sa mga taong nakakausap ko na mula sa akong trabaho o sa aking mga email ay hindi tumawag o nagpadala ng kanilang mga email.
--
Alas tres na ng hapon nang nagsidating ang mga kaibigang sylist ni ate para ayusan ako.
"Sinuot sa akin ang open slot baby blue gown at itim na pump heels. Pinarisan ito ng isang sky blue pouch.
At para naman sa aking make- up ay nilagyan akong silver-white eyeshadow, light pink blush at nude lipstick. Para naman sa ayos ng buhok ang ginawa ng isang hairstylist ay isang fluffy pony tail french braid.
Nang matapos ang pag aayos sa akin ay agad rin namang dumating ang isang limousine na siyang magdadala sa akin sa kung saang lugar na hindi ko alam kung saan.
--
Dinala ako ng ng naturang limousine sa isang pamilyar na lugar.... sa lugar kung saan ako dinala ni Ahley noong araw nang muli niyang sabihin sa akin ang nilalaman ng kaniyang puso.
Nang makababa na ako sa naturang sasakyan ay naging malafairytail ang buong paligid. Ang mga matitikad na ilaw ay nagkikislapan na para bang mga kristal na nakasabit sa mga puno. Ang pathway na aking lalakaran ay puno ng aking mga paboritong bulaklak na Tulips. Habang ako ay naglalakad patungo sa loob ng isang garden ay ipinatutugtog ang kantang Shy Girl.
Ang mata ng lahat ay napatuon sa akin nang ako ay makapasok sa mismong lugar kung saan ang event proper.

Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ