Chapter 13: The News

3 4 0
                                    

Caius

Naglalakad kami patungo sa parking lot dahil ayon sa sinabi ng aming manager ay may video shoot raw kami ngayong araw at kailangan na naming magpunta sa lugar kung nasaan ang shoot. Habang kami ay naglalakad ay nakita ko ang isang babaeng may pamilyar na ngiti sa aking mata. Agad ko siyang tinawag at sandaling kinausap dahil tila abala rin siya dahil napansin kong marami siyang dalang mga papeles at tila kinakailangan talaga ito sa kung saan man siya pupunta.
"So is she the girl?" pag usisa ni Jaeron.
"Yes, she is." positibo at nakangiti kong saad.
"She looks good." puri naman ni Danver. "Ang galing mong pumili!" dagdag niya pang papuri.
"Good? That is an understatement! Eh sa body language pa lang nito ni Caius , parang hindi lang yata good dapat yung salita na dapat  nating gamitin para i-describe siya." may mapang asar pang saad ni Jaeron.

"She is so talented also." saad ko.
"Mukhang tinamaan ka nga." saad naman ni Trevion.

Napatingin sila sa isa't isa na para bang sinasabi ni na  "Ah! In love na inlove nga siya."

"Matagal na akong tinamaan sa kaniya." saad ko.
"So when are you planning to tell her everything?" tanong naman ni Erion.
"Soon." saad ko.
---
Matapos ang saglit naming pagkikita ni Ciarinise ay hindi ko mawari ang sayang nararamdaman ko. Makalipas rin ang ilang araw ay tinawagan niya ako para kami ay magkausap. Nang makarating ako sa lugar kung saan niya sinabi na magkikita kami. Malaki ito at mukhang mamahlin ang mga pagkain. Kumaway siya para makita. Nagsimula na kaming magusap at nagulat ako sa pag hingi niya na paumanhin.
Tila ba may kung anong kislap sa mata niya nang sinabi kong ayos lang ang lahat.
"I'm giving you a chance..." saad niya.
"Talaga?" gulat kong tanong.
"But we need to take it slow.. little baby steps." saad niya.
"Okay.. that sounds good. I can take that. saad ko.
---
Bago magsimula ang aking unang musical sa Broadway ay sinubukan ko siyang imbitahan ngunit tinanggihan niya ang imbitasyon ko pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko siya sa audience. Malakas ang ibinigay na palakpakan ng mga tao para sa amin.
"Oh akala ko ba hindi ka makakapunta?" tanong ko sa kaniya.
"My meetings are cancelled and I remembered that you gave me a ticket so I decided to go and see this musical." pagpapaliwanag  niyang tila halata namang gusto niya talagang magpunta.
"Thanks for coming, Ciarinise." pag papasalamat at pag yaya ko sa kaniya.
Sa isang coffee shop kami nagawi. Nagkwentuhan kami sa kung ano ang nangyari sa amin sa mga nagdaang taon.
"New York." saad niya.
"D'yan mo ba gusto magpunta?" tanong ko.
"Hindi, naroon ang buhay ko for the past five years. When we met sa Trivial, I was in the midst of planning on opening Pinkiss Entertainment and  Recording Studios." panimula niya.
"Ganun ka pala kabusy these years?" nagtataka kong tanong.
"I am also running my family's business sa Philippines." saad niya pa. "While doing that I was checking Making the Band out tapos sinubaybayan ko rin ang nangyari sa inyo ni Therese and I am mad at her for doing that to you." saad niya.
Bahagya kong naramadaman ang pag init ng aking pisngi ng ikwento niya kung paano niya sinubaybayan ang buhay ko. I felt flattered nang sinabi niya ang tungkol sa bagay na iyon.
"How is your son now? Anong ginagawa mo ngayon?" tanong niya.
"He is doing good. Highschool na siya. I am currently doing this musical and kapag naman wala akong ginagawa I am doing online business training," sagot ko.
"That is very good to hear." nakangiti niyang saad.

Ciarinise

Nakatanggap ako ng isang tawag mula sa Pilipinas kaya kinailangan ko munang mag file ng indefinite leave sa trabaho. Hindi kami nagkasabay ni kuya sa pagkakataong ito dahil may overseas business trip siya. Sinubukan kong tanungin si ate tungkol dito ngunit kahit siya ay walang binanggit sa akin.
Alam nilang malapit ako masyado kaya dad kaya siguro 'di nila sinabi ang nangyari sa kaniya. Kahit nasa eroplano ako ay hindi ko pa rin matanggal ang isip ko sa kung ano ang talagang dahilan ng biglaan nilang pagpapauwi sa akin sa Pilipinas.
Nang makarating ako sa airport ay driver lamang ang sumalubong sa akin. Kinuha niya ang lahat ng bagahe ko at inilagay sa compartment ng kotse. Nakatulog ako habang ipinagmamaneho niya ako at nang magising ako laking gulat ko ng nalaman kong hindi niya ako sa bahay dinala kung hindi sa ospital.
"Sino po ang narito mang Dennis?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
Nang lumingon ako sa entrada ng ospital ay nakita kong doon naghihintay ang mom at umiiyak.
"Mom, bakit ka umiiyak? Nasaan si dad? Anong nangyari sa kaniya?" sunud-sunod kong tanong.
"It's his second attack,Ciarinise." saad niya. "Sabi ng doctor he won't live after this." umiyak niya pa ring saad.
"Second Attack? Teka mom, may hindi ba kayo sinasabi sa akin?" kabado at nag aalala kong tanong.
"Nastroke ang dad mo and he didn't want to tell you kasi ayaw niya naman na magalala ka." saad niya.
Mom naman eh, you should have let me know kahit ayaw niya." umiiyak ko nang sabi.
Umakyat kami sa floor kung nasaan si dad. Nang dumating kami ay naroon na si ate Timmy at sina tita Aisha.
"Doc, kamusta na po ang daddy ko?" tanong ko sa doktor.
"To be honest and fair to all of you, he is in a critical condition." sagot sa akin ng doctor.
"Bakit, dok?" tanong kong muli.
"Kasi based on his medical records magkaroon na rin pala siya ng bypass operation and this has been keeping him in doing better." saad niya pa.
--
Kinailangan kong bumalik sa Amerika pagkatapos ng dalawang buwan dahil tinatawagan na ako ng aking mga kliyente at kailangan na rin akong bumalik sa Trivial Records.
Nang makabalik ako sa trabaho tila nagbago ang pakikitungo ng lahat sa akin maliban sa isa.
"You're back?" saad niya.
"If you are going to ask me kung kamusta ako? then as you see i'm still worst." saad ko.

Isang tawag ang natanggap ko mula sa hindi ko nakikilalang numero. Wala rin akong idea kung ano ang kailangan nito dahil 'di naman ito sumagot nang sagutin ko ang tawag nito.
Maaga akong umuwi nang bahay dahil wala rin akong gana mag liwaliw nang bigla akong tinawag ng isa sa mga katulong.
"Ms. Ciarinise, may bisita po kayo." saad nito.
Bumaba ako sa sala para salubungin ang bisita. Nagningning ang mata ko ng makita kong si Caius pala iyon. Agad akong nagpahanda ng makakain para sa kaniya. Nang makaupo kami sa sofa ay inilahad niya ng dala niya para sa akin.
"I hope makatulong ito. Condolence nga pala.. I heard what happened to your dad." saad niya.
"Thank You. Bakit ganun ang daya ng tadhana kung kailan nagsisimula pa lang akong maabot lahat ng pangarap ni dad for me saka naman siya nawala?"saad ko.
"That's how life is." maikli niyang saad.
"I wanted to make him even more proud." naiiyak kong saad.
"I am sure proud na proud siya sa iyo." saad niya habang nag o-offer ng yakap.
Matapos namin mag usap ay inalok ko siya sa bahay na kumain dahil malayo pa ang uuwian niya at baka wala nang makainan sa pagbaybay niya.







Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now