Chapter 37: The Birthday Party

3 2 0
                                    

Ciarinise

July 10
Nagising ako nang mag i-ika walo ng umaga. Inayos ko ang kama at ginawa ko ang lahat ng aking ritwal sa umaga. Agad akong bumaba sa kusina at nakita kong kumakain ng agahan ang aking mag aama.
"Good Morning." bati ko sa kanila.
"Good Morning, baby." nakangiting bati naman sa akin ng aking asawa.
"Morning, mommy." saad naman ng anak kong si Autumn.
"Morning mommy." nakangiting pag bati ni Cailee Marie sa akin "Daddy, Bye need to go! Tumn magkita na lang tayo sa school ha." pagmamadaling paalam at bilin niya naman sa kaniyang daddy at kapatid.
"Teka, weekend ngayon di ba? Anong meron sa school niyo, Cae?" nagtataka kong tanong.
"May planning po kasi sa org na sinalihan ko para sa program." sagot niya naman sa akin. "Pabayaan mo na si Cae, baby. Academics naman yan eh." pag pigil ni Caius sa pag usisa ko sa aming anak.
"Eh ikaw naman Tumn, ano activity mo sa school?" tanong ko.
"May practice po kami para sa play na gagawin para sa project namin. Sige po andiyan na po sundo ko." nagmamadali ring paalam ng anak naming si Autumn.
Lumipas ang maghapon at may mangilan ngilang bati lamang ang nabasa kong bati mula sa mga taong nakakakilala sa akin. Hindi ko ito inasahan at labis talaga akong nagtaka sa kung bakit walang nakaalala sa aking kaarawan. Inabala ko na lang ang sarili ko sa trabaho nang maalala kong may mga nakabinbin pa pala akong gawin mula sa mga paperworks nainuwi ko mula sa Pinkiss Records. Nagbukas ako ng akin email at binasa ang mga ito habang nirereview ko ang kontrata ng isang artist na hawak ng aking kumpanya.
"Mageexpire na pala ang kontrata niya."bulong ko sa aking sarili.
Habang ako ay kasalukuyang nagbubusisi ng aking papeles isang katok ang narinig ko mula sa pinto.
"Tuloy." sigaw ko mula sa aking kinauupuan.
"Ma'am magandang umaga po. Narito na ang inyong pagkain. Saan ko po ito ilalagay?" saad ng batang katulong na tila nagulat sa laki ng aking opisina.
"Sa center table mo na lang ilagay ang tray,Mina. " saad kong nakangiti. Palabas na siya ng tila may isang bagay pa siyang naalala. "Ay siya ng po pala, isuot niyo raw po ito mamayang gabi sabi ni sir Caius." iniabot niya sa akin ang open slit dress na ibinilin ni Caius na suotin ko raw.
"Pinasasabi din po niya na wag na raw po kayo magdrive mamaya." pahabol niya pang saad.
"Salamat ,Mina." malugod kong saad. "Sandali lang, next time 'wag nang ma'am ang itawag mo sa akin ha, ate na lang. Masyadong pormal ang ma'am saka wala naman tayo sa company para tawagin mo ako ng ganun."pahabol kong sabi.
"Pero.." nagaalinlangan niyang saad.
"Baka sabihin nila na feeling close ka sa akin?" tanong ko. Itinango niya ang ulo niya bilang sagot sa tanong ko.
"Oh sige para 'di ka mailang, miss Ciarinise na lang ang itawag mo sa akin katulad ng iba." aking saad na may mahinang pagtapik sa ulo niya.
---
Alas sais na nang gabi ang lahat ng trabaho ko. Bumaba ako sa kusina para kumain ng kaunti nang makita ako ni Ralph.
"Oh bakit hindi ka pa bihis? Maya-maya lang darating na ang sundo mo." nagtataka niyang tanong. "Kakatapos ko lang sa trabaho eh and I was hungry kaya bumaba na muna ako rito para kumain." sagot ko sa kaniya.
"Dalian mo na! This isn't like you." pagbuyo niya sa akin. Matapos kong kumain ay agad na akong nag handa para sa pupuntahan ko. Kinuha ko ang pulang silk open slit dress na ibinigay ni Mina sa akin kanina at binagayan ito ng isang parehas ng black heels at pulang clutch bag. Binagayan ko ang aking sout ng smokey make up style. Akma namang dumating ang aking sundo nang matapos akong mag ayos at isang pag silip naman mula sa aking kwarto ang naging hudyat ng aking pagbaba sa sala at pag sakay sa naturang kotse na sumundo sa akin. Nang makarating ang sasakyan sa destinasyon nito ay nagulat ako dahil narito ito sa mismong eskwelahan kung saan kami nagkakilala ni Caius. Nang naglakad ako papasok sa gate nito at nakita ko ang aking asawa na naghihintay sa dulo ng isang path way papunta sa opened gym ng skwelahan. Nang makaupo ako sa aking upuan ay nagsalita na rin ang emcee sa kaniya microphone.
"Good Evening to all of you. Today, is a special day for a very special person from the Parker family." panimulang saad niyo sa lahat. Habang siya ang nagsasalita ay napansin kong may mga rosas din inaabot sa mga piling tao na maharil ay may gagawin mamaya. Matapos itong magsalita ay isa- isang pumila ang lahat ng mga taong nabigyan ng mga rosas.
"Itong babaeng ito, hindi lang siya basta isang babaeng pwede mong ibully, palaban na palaban siya. A man hater na nakapagpatino sa kaibigan ko, Happy Birthday,." saad ni Jaeron.
"Sorry we needed to hide this from you, mommy. Kailangan kasi flawless ang lahat. Salamat po sa lahat ng ginagawa mo para sa amin. Happy Birthday po!" saad naman ng panganay kong ang na si Cailee Marie.
"Sobrang mapagpahalaga ng taong 'to. She doesn't want to let others feel na naiwan sila sa ere. Happy Birthday ,Ciarinise!" sabi naman ni Trevion
"She is an idol to me. A perfect person to look up to. The sole reason na andito kami ng ate ko and the only reason kung bakit intact ang family namin. I love you,mommy." usal naman ni Autumn habang akmang ibinibigay ang rosas sa akin.
"Now, very important people on her life from the Philippines wants to greet her on her birthday." saad ng emcee habang inaayos ng technician ang laptop kung saan ipapalabas ang isang compilation ng mga pabati. "Hi anak, Mommy, just wanted to greet you a happy birthday. Alam mo bang proud na proud kaming lahat sa iyo kasi you've grown into a fine woman." saad ni mommy na nasa video.
"Happy Birthday cous, know that I am so proud that I got you as my cousin." si ate Aica. "Bebe girl, I always tell you na despite I am older that you, Nilulook up kita for the guts you have in pursuing everything. Happy Happy Birthday sa iyo." si ate Mandy.
"Lagi ko naman nang sinasabi sa iyo ang wish ko kaya alam mo na iyon, Happy Birthday, cous."saad naman ni ate Mackie.
"Before the last greeter say his message, we have a surprise guest, tonight." muling anas ng emcee Namatay ang lahat ng ilaw at unti- unting lumabas ang isang anino habang akma itong magsasalita.
"Many of you may not know me but I know that the birthday celebrate will surely know me. We are childhood best friends from way back. I flew from Canada when I heard of this party. I wanted to see how my best friend grew over the years. SURPRISE TO MY ONE AND ONLY BEST FRIEND, CIARINISE! We have many things to catch up on but for now, let us celebrate your day." saad ni childhood best friend kong si James Oliver.
"and now we will be hearing the most awaited speech of the night. “Let me give the floor to the loving husband of the celebrant, Mr. Caius Parker.
"For the whole day akala niya we forgot that today is her day, baby we didn't. We just wanted to surprise you tonight." panimula niya. "Remember that birthday of mine na sinurprise mo ako dahil sabi mo noon magiging daddy na ako hindi mo lang alam how you made me happy that day and now it's my turn. This school was the witness of how you made my life a catastrophic excitement. That quadrangle where I saw the most beautiful face. You were the sole reason kung ba't naging matino ako. When I started pursuing you hindi ko naisip na magiging matino pa ako uli. The day na nakilala namin yung friend mo, ikaw na talaga yung nakita ko, nakita kong magpapatino sa akin. Yung rejections na ginawa mo noon, it pushed me harder to get you and from then on vowed to love you with all my heart. You were vulnerable that time and I saw how you were so hurt by what had happened back then...."putol niya sa sinasabi niya habang akmang lumalakad palapit sa akin.
Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko nang makita kong palapit na siya akin at nang makalapit ay saka niya ipinagpatuloy ang kaniyang sinasabi. "Baby, I am very proud to tell everyone whose here how blessed and contented I am to have you and this beautiful family we have built together. I am very pleased to flaunt you as my wife and the mother of these amazing kids we have raised. Happy Birthday, my Crazy Beautiful wife!" pagtatapos niya sa kaniyang speech habang inaabot sa akin ang isang bocquet ng mga rosas. Habang abala sa pagkain ang lahat ay tumagtog naman ang isang kantang pamilyar at muling nagpatibok ng malakas sa puso ko.
"Can I have this dance, Mrs. Parker?" tanong ng aking asawa na akmang inilapat ang kamay niya sa harap ko.
"Yes, Mr. Parker you can definitely have this dance." sagit ko sa kaniya habang akma ko rin ilalagay ang kamay ko sa palad niyang nakalapat pa rin sa harap ko. "Ang ganda talaga ng ASAWA ko." puri niya sa akin.
"Dapat lang...." putol ko sa salitang dapat na sasabihin ko
"Kasi mala Demi God ako?" patanong niya namang sa sasabihin ko.
Isang halik na lamang ang isinagot ko sa kaniya hanang kami ay nagsasayaw. Hindi ko man mapigilan ang sayang nararamdam ko ngayon pero may takot pa rin sa isip ko na may kung ano pang bagay na hindi maganda ang mangyayari.
"Thank you, baby." pagpapasalamat ko sa kaniya.
"Wala naman akong ginawa eh. Nagspeech lang ako. Yung mga bata ang nagplano nito." usal niya naman.
"Meron. May ginawa ka." protesta ko.
"Anong ginawa ko?" tanong niya.
"Kasi 'di mo ko sinukuan noon. Hindi ka nagsawang suyuin ako kahit na ang rude ko sa iyo." "From day one that I met you, alam ko na mahihirapn ako sa iyo pero worth it ka namang paghirapan at hintayin." sagot niya naman.
"At dahil di ka sumuko, triple pa ang naging bunga." saad ko.
Kita ko naman ang gulat sa kaniyang mukha nang marining niya ang salitang "Triple." halos mapatalon siya sa tuwa.
































Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now