Chapter 9: The Accident and his new found work

4 5 0
                                    

Kathryn

Dumating kami sa bahay ni Ciarinise mula sa mall dahil nang natapos ang skwela ngayong araw ay aming napagdesisyunan na mag liwaaliw muna. Kulang ang kotse nila ni Junis dahil hindi kami kasiya sa iisang sasakyan lamang. Nang pumasok kami ay agad naman naming nakita ang mga pinsan niya bago makaakyat sa aming kwarto. Binati kami ng mga ito at ganoon din naman ang ginawa namin bilang kapalit.
Nakailang hakbang pa lang kami sa hagdan ay narinig kong siya ay tinawag ng isa saga katiwala.
"Ciarinise hiya, narito ang iyong kuya at naroon siya sa study room. Puntahan mo na muna at parang may importante kayong pag uusapan." saad ng katiwala.
"Thanks, manang." saad niya.
Tinawag ng katiwala ang isa sa kasamahan niya at sinabihan ito na kunin niya ako lahat ng dala ni Ciarinise. Kinuha niya ito at nauna na sa kwarto ni Ciarinise para ilagay ang mga ito roon sa silid ng aking kaibigan. Bumaba na ang katiwala at sa halip na magpalit ay dumiretso na sa kaniyang study room.
Gusto ko sanang makinig gaya ng ginagawa ko noon sa aking ibang kaibigan ngunit tila napaka halaga ng pag uusapan nila dahil inilock pa nila ang pintuan nang makapasok ang kaibigan ko.
-
Bumaba ako mula sa aking silid at kumuha ng makakain sa kusina. Binuksan ko ang fridge at napansin kong box ng cake na nasa loob nito at nang akma ko ng titingnan ito ay biglang may nagsalita galing sa likuran ko.
"Are you sure, you want to get that? seryoso nitong sabi sa akin.
Tiningnan ko siya na pang bang ako ay nagtataka kung bakit niya sinabi iyon at tumawa siya ng malakas.
"Just kidding, of course you can get some if you like. The best ang cake na yan and it is Ciarinise's favorite." saad niyang natatawa pa ng bahagya.
"Ate Macks naman eh, you gave me a scare akala ko tuloy bawal kainin." saad kong pilit inaalis ako aking kaba.
"Sige na get a slice para matikman mo rin." saad niya.
Inilabas ko ang cake sa fridge at tinanggal ito sa box at kumuha ng isang slice nito. Nang mailagay ko ang slice sa platito ay ibinalik ko na rin ito sa loob ng pinagkuhaan nito saka kumain.
"So what do you think?" tanong niya sa akin.
Subo pa ako ng isa at kinilatis ito bago ko sagutin ang kaniyang tanong.
" Hm... Strawberry? Not my favorite flavor but okay siya ah." pagkilatis ko sa cake.
"Well, what can I say, she has a good taste pagdating sa pagkain."saad niya naman.
---
Narito kami sa silid ni Kaycee at kasalukuyang nagkakaroon ng group study nang bigla na lamang kaming may narinig na malakas na kalabog mula sa kwarto ni Ciarinise. Lahat kami ay nataranta sa aming narinig kaya naman agad kaming nagpunta roon para malaman kung ano ang nangyari.
Pilit naming binuksan ang naka kandadong pintuan ngunit bigo kaming mabuksan ito kaya nagpasya na si Jude para tumawag ng tulong.
Kasama ng isa sa mga katiwala niya ang bukod tanging many hawak ng susi para dito sa pinto.
"Pasensya na po at natagalan ako. May ginagawa pa po ako kanina."saad nito habang hinahanap ang susing duplicate para sa pintuan sa hawak niya chain.
Nang mahanap niya ang susi ay agad naming binuksan ang pintuan para makapasok sa loob at natagpuan namin si Ciarinise sa loob ng kaniyang walk in closet na walang malay. Agad siya binuhat ni Jude para mailagay sa kama at hinintay namin siyang magkamalay upang aming malaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
"Anong nangyari? Bakit nandito kayo sa kwarto ko?" sunud- sunod niyang tanong.
"Nawalan ka ng malay kanina." si Kaycee.
"Nakita ka namin sa walk -in closet mo kanina at wala ka nag malay, so I believe kami dapat ang magtanong niyan sa iyo." nag aalala kong saad.
"Ang natatandaan ko lang ay may hinahanap ako sa loob ng closet ko tapos nung sinimulan ko na ang paghahanap bigla na lang nag collapse ang buong closet" pag papaliwanag niya sa amin.
Kinagabihan ay umuwi rin dito si kuya Eris at nag aalala siya. Sinalubong siya ng katiwala at ito ang nagkwento sa kaniya nang lahat ng nangyari kanina. Pinuntahan niya kami sa silid ng kaniyang kapatid at agad niya itong kinamusta.
'I heard what happened kanina. Are you okay?" tanong niya sa kaniyang kapatid.
"Kuya, ang OA mo." It's not like I was injured sa car isang car accident. But I'm fine." natatawang sabi ni Ciarinise.
Huminga siya nang malalim at saka bumaling ng tingin sa amin nina Kaycee. "Thank you."
Lihim akong napangiti marahil dahil sa kilig dahil since day one ay alam ko nang may crush ako sa kaniya.

Caius

Matapos kong maka graduate ay kaagad akong naghanap ng trabaho bilang isang dubber para sa isang kumpanyang ang pangalan ay Working Designs. Agad akong nagpasa ng aking resume dito at wala pang isang linggo ay tinawag naman ako para sa isang interview at ako ay nakapasa. Sinabihan akong kaagad nang magsimula. Ibinigay sa akin ang schedule at mula nang araw na iyon ay lehitimong emplayado na ako ng nasabing kumpanya. Dahil hindi naman kataasan ang sweldo doon ay napilitan rin akong humanap pa ng ibang pang trabaho at 'di naman ako nabigo dahil nakahanap dito ako ng isa.
"Waterworks." basa ko sa pangalan ng naturang waterpark.
Agad akong pumasok at bumati sa isang babae na sekretarya yata ng may ari ng water park.
"Mr. Alcaraz, narito na po ang aplikante." tawag ng babae sa intercom.
"Sige, maaari mo siyang papasukin." sagot ng isang boses ng lalaki mula sa intercom
Pumasok ako sa kaniyang napakalaking opisina. Pinaupo niya ako sa harap ng kaniyang mesa at sinimulan niya ang interview na hindi ko alam kung ilang oras umabot.
Nang makalabas ako sa kaniyang opisina at nakatungo na ako sa aking kotse ay may isang lalaking tila may palihim na inaabot sa akin.
"Nangangailan ka pa ng trabaho, hindi ba? Puntahan mo ito. Naghahanap din sila ng lifeguard." pabulong niyang sabi.
"Whiskeytown Lake." pagbasa ko sa calling card na ibinigay sa akin nung mama.
Walong milya, ganiyang kalayo ang binaybay ko bago ako makarating doon sa sinasabing lugar nung mamang lumapit sa akin.
"Mag aapply po sana ako ng isang trabaho." bungad ko.
Sandali akong kinilatis ng matanda na nasa front desk.
"Tanggap ka na." mabilis niyang sabi.
"Teka, wala po bang interview man lang?" protesta ko.
"Hijo, hindi na iyon kailangan." saad niya.
"Eh papaano ko ho malalaman kung kailan at paano ko makukuha ang mga kailangan kong makuha?" tanong ko.
"Maibibigay naman sa iyo lahat ng iyon sa tamang panahon e." pag dadahilan nito.
Lumabas ako ng estabilisymentong iyon na punung puno ng pagtataka kung bakit parang walang pakialam ang taong nakausap ko tungkol sa ipinakay ko roon.

Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now