Chapter 17: Her plan and the business

5 5 0
                                    

Eris

Ipinaalam niya sa akin ang plano niyang pagpapagawa ng bahay para sa mga kasambay naming nasa Pilipinas at ang plano niyang kunin ang lahat ng mga pamilya nila para patirahin dito. Agad naman akong pumayag dahil sa maganda naman ang kaniyang hangarin para sa mga ito.
"And kuya I'm planning to employ those who are looking for work and I am also planning to give scholarship sa mga student na nag aaral na kasama sa families nila." saad niya.
"Isn't that too much?" tanong ko sa kaniya.
"Kuya, this will be our token of gratitude to them, specially to those na naging loyal sa atin mula pa noong nabubuhay pa sina lolo." saad niya.
Ipinagpatuloy niya ang plano niyang bigyan nang mga benepisyo na ibibigay niya sa mga pamilya ng mga ito. Umuwi siya ng Pilipinas para sabihin sa mga kasambahay at sa mga pamilya nito ang kaniyang magandang balita sa kanila.
"When are you coming home?" tanong ko sa kaniya habang kami ay magkausap sa skype.
"In three months, kuya. Aasikasuhin ko pa ang scholarship ng mga bata e." saad niya.
"You need to check on the company also."bilin ko.
"Yes kuya, I had scheduled a meeting tomorrow." saad niya "How are you? You look so stressed. Nakakapagpahinga ka pa ba?!" tanong niya.
"I have not rested, actually." sagot ko.
" 'Di ba sabi ko naman sa iyo, magpahinga ka hindi ba?" nagaalala niyang sabi.
"Di pwede. I assumed this position kaya kailangan kong panindigan." saad ko.
"I know kuya pero you also need to rest. Pagbalik ko diyan ikaw naman ang tutulungan ko." nakangiti niyang saad.
"Tita Jam and dad really raised you very well." nakangiti kong saad.
Hindi ko talaga alam kung saan siya humugot ng lakas para gawin lahat ng ng kailangan niyang gawin dahil ako man ay nao-overwhelm din. Siguro nga siya talaga ang nakakuha ng sipag ni dad sa pagta-trabaho. Alam kong napapagod na siya pero dahil hindi ko rin siya mapigilan sa gusto niya ay pinapabayaan ko na lamang siya
---
Makalipas ang tatlong buwan ay bumalik na siya at tinupad niya rin ang sinabi niya sa akin. She took over my company for a month at tumaas ang sales nito.
"I have the sales report ng company ko for the month." nakangiti kong saad sa kaniya.
"Oh hindi ba sabi ko sa iyo. Mapapataas natin ang sales niyo." nakangiti niya ring sagot sa akin.
"Bilib ako sa iyo. Paano mo nagagawa 'yon?" pabiro kong tanong.
"Wala naman akong ginagawa." I just give the people what they need and want." saad niya. "Hindi naman kasi pwedeng bigay lang sila nang bigay dapat may nakukuha rin sila." saad niya.
"I'm so proud of you, baby." saad ko.
"Hindi ka dapat maging proud sa akin, kuya dapat sa sarili mo."
Tiningnan ko siya ng may pagtataka sa aking mukha.
I get to expound what I mean, right?" tanong niya. Okay, what I meant was dapat hindi ka maging proud sa akin dapat sa sarili mo, kasi kaninong company ba 'to, sino bang nagtayo nito? Ikaw, hindi ba? Tumulong lang ako. This is all on you."saad niyang may ngiti sa kaniyang pisngi. "And one more thing, kanino pa ba ako mangmamana. Sa inyo lang naman ni dad." pag lilinaw niya.
Bilib talaga ako sa kaniya dahil hindi siya katulad ng ibang bata na nasa kaniya edad. She is so wise na aakalain mong matanda ang kausap mo at hindi bata. Pag nakakausap ko siya, pakiramdam ko nasa ibang lebel ang utak ko.

Ciarinise

Maaga akong pumasok sa trabaho ngayon sa trabaho dahil marami pa rin akong naiwang gawain. Gusto ko rin na makita kung ano pa ang kailangan gawin bago makapasok ang lahat.
Bubuksan ko na sana ang office door ng tawagin ako ng janitor ng kumpaniya.
"Good Morning, ma'am." bati ni mang Baris. " May nagpadala po." saad niya pa

Nagpasalamat ako sa kaniya ng iabot niya sa akin ang plastic ng kape na mainit pa at isang cake ng tila kade-deliver lamang.
"Kilala niyo po ba kung sino ang nagpadala nito?" tanong ko.
"Ay ma'am hindi ho eh. Iniwan lang po sa front desk ito.
Binasa ko ang card at napangiti ako nang mabasa ko ang mensahe na laman niya.
"Please smile for me everyday. You are worth a thousand diamonds."
Maya- maya pa ay nag ring ang aking cellphone at boses ng isang lalaki ang nagsalita mula sa kabilang linya. Napangiti ako lalo nang kaniyang boses ang marinig ko.
"Good morning miss maganda" bati niya na mas lalo ko pang ikinangiti. "Baba ka sa lobby tapos tumingin ka sa may free parking." dagdag niyang saad.
Agad akong bumaba sa loob kung nasaan ang aking opisina at tumingin ako sa gawi kung saan niya sinabing dapat akong tumingin. Nakita ko sila sa gawing kanan ng free parking lot at sinimulan niyang kantahin ang The Painter.
Nang matapos niya itong kantahin ay agad akong lumapit sa kaniya.
"Salamat sa pabulaklak pero anong nakain mo bakit may paganito ka pa?" tanong ko.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo gagawin ko ang lahat para lang mapangiti ka." saad niya
"Sobra mo na akong napangiti. You didn't have to do this."saad ko.
Nang umakyat ako ay kasama ko na sila. Sabay- sabay kaming pumasok sa loob ng office at nakita kong naroon na rin si Mickie, sekretarya ng may ari nitong Trivial Records.
Nagaayos na siya ng kaniyang lamesa at naghahanda ng ilang files dahil may meeting yata si Mr. Higgins  mamaya.
Sa pantry kami ng tipon ang isa- isa ko silang binigyan ng kape para mainom nila dahil sigurado akong ilang oras din silang naghintay doon. Napakalamig pa naman ng mga ganitong panahon.
"Salamat sa inyong lahat pasensya na rin at naabala pa yata niya kayo." pagpapasalamat ko sa mga kasama niya.
"And to you, napangiti mo na ako sa pabulaklak mo. Sapat na yun pero bilang ganti ito ang ibibigay ko sa iyo."saad ko bago ko siya bigyan ng isang halik sa pisngi.
Buong araw ay dala ko ang ngiting ito sa puso ko. Hindi magilang maramdamn ang isang bagay na iniwasan ko nang mahabang panahon.

---

Sabado ngayon at plano ko sanang hindi magtrabaho ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Pilipinas tungkol sa isang kontratang napaso na ngunit hindi pa na aaksyunan hanggang ngayon.

Nagpasiya akong tawagan ang isa sa mga pinagkatiwaan kong tao doon sa kumpaniya sa pamamagitan ng skype. Hinintay king sagutin niya ang tawag ko dahil napakarami kong tanong na nangangailangan ng kasagutan.

"Akala ko ba all is well, bakit may ganito?!" nagnginit ngit sa galit kong usal. "Alam mo pasalamat ka pinsan kita kasi kung hindi matagal na kitang pinaalis sa Bunion Rycle."

Nagpaliwanag siya pero tila may tinatago pa siya sa akin kaya naman pinilit kong magsalita siya para naman malaman ko kung sino talaga ang may gawa sa likod nito.

"Sabi kasi ni ma'am Pola hayaan na lang namin kasi wala naman kaming magagawa tungkol doon." pagpapaliwanag niya.

"Sa tingin mo ba maganda ang kinalabasan ng ginawa mo? Mas naging magulo ang sitwasyon,Dea. Paano na ang reputasyon ng kumpaniya. Hindi tayo pwedeng masira sa mga tao." litanya ko sa kaniya.

Bago ko ibaba ang tawa ay nagpahabol pa ako ng isa pang bilin sa kanya tungkol sa mga dapat niyang gawin.

"Hindi kita tatanggalin pero i-send mo sa akin lahat ng papers tapos kung may mga recording ka ng lahat ng transaction na ginawa ni Pola ipasa mo sa akin at ako na ang gagawa ng paraan."

Matapos iyon ay agad kong tinawagan ang isa sa mga abugado sa kumpanya para naman malaman ko kung may kaso bang maisasampa kay Pola dahil sa ginawa niya.

"Falsification of Private Documents. Kung ginaya niya ang pirma mo sa anumang dukumento, isa itaong matibay na ebidensiya given if you have the original document with your signature."

Ipinaliwanag ng abugado lahat sa akin para maintindihan ko ang posibleng kasong isasampa kay Pola.

Kinausap ko rin ang artistang nagrereklamo tungkol sa napasong kontrata para sabihin sa kanila na aayusin ko ang gulong ito. Pumayag naman sila sa mga suhestiyon na inilahad ko sa kanila ukol sa posibleng mangyari.






Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now