Chapter 31: The "thing", the launch and the delivery

6 4 0
                                    

Landon

Nang matapos ang party ay nagkaroon  kaming ng 'di pagkakaunawaan ni mom dahil sa nangyari noon kaya minabuti ko na munang lumayo sa kaniya at magpunta sa bahay nila sa Redding.  Hindi alam ni dad kung ano ang nangyari kaya ikinwento ko sa kaniya ang lahat at narinig ito ni tita Ciarinise.
"Landon?" tawag ni tita Ciarinise sa akin.
"Tita, bakit po?" tugon ko sa pag tawag niya.
" 'Di sa nanghihimasok ako sa inyo ng mom mo pero I think you should hear her out first." payo niya sa akin.
"Pero tita sinaktan ka niya noon."  saad ko.
"Hindi niya naman ako sinaktan. Alam mo naiintindihan ko siya kung bakit nagawa niya iyon." saad niya.
"Bakit niya po ginawa yun?" nalilito kong tanong.
"Dahil natatakot siyang mawala ka sa kaniya at nakikita niya na malapit ka nang mawala sa kaniya."  pagpapaliwanag niya.
Nang natapos kaming mag usap ni tita Ciarinise ay  nagpaalam naman ako kay dad kung pwede ba along lumagi muna sa kanila at pumayag naman siya.
"Sige,  but once the heat's down gusto ko kausapin mo ang mom mo and patch things up with her." saad ni dad
"Yes, dad." sagot ko sa kaniya.
Nakita ko naman ang ningning ng mukha ni tita Ciarinise nang sabihin kong makikipag ayos rin ako kay mom.
---
Alas sais ng umaga ng magigising ako. Tumayo ako sa kama ant naghilamos nang mukha.  Bumaba ako sa sala at nakita ang isang babaeng naglilinis roon kaya nagpasya akong magpunta na lamang sa kusina para magluto ng agahan.
Nang magising sina dad at tita Ciarinise ay tapos na rin ako maghanda ng pagkain.
"Thank you for preparing this breakfast,Landon." pagpapasalamat ni tita Ciarinise.
"That will always be a pleasure tita." saad ko.
Habang kumakain kami ay tinanong rin ako ni dad sa kung anong tingin ko sa pangalang ibibigay nila sa baby.
"No, don't change it. That name is nice" saad ko.
"Si tita mo ang nag isip niyan." proud na sabi naman ni dad.
"Marie  is a nice name, magandang incorporated ang pangalan niyo sa pangalan ng baby." saad ko.
Nang natapos kaming kumain ay pinaakyat ako ni tita sa isang kwarto na nakalaan daw sa mga bagay na tungkol sa kanila ni dad.
"Halika dito, Landon." tawag niya sa akin.
"Tita, bakit po tayo narito?"  tanong ko sa kaniya.
"Alam mo ba kung bakit ko nagustuhan amg dad mo?" tanong niya.
"Bakit po?" pag uusisa ko.
"Dahil hindi siya tumigil hanggang sa naiparating niya sa akin ang gusto niyang malaman ko."saad niya.
"Hindi ko alam na ganun siya." saad ko.
"He is more like you." muli niyang sabi.
"Thank you po."saad  ko.
"No, thank you."saad niyang may emphasis sa salitang thank.

Third Person

Ngayon ang announced book launch ni Ciarinise sa libro niyang "Another Chance of a lifetime" at abala ang lahat sa pag hahanda sa venue kung saan gaganapin aang naturang launch.  May programa ring hinanda iang mga publisher ng naturang libro para sa mga mambabasa ng kwento nito sa app na tinatawang nilang "Pop Pad."
Habang nagpupuno ang venue ay nagsimula na rin ang programa at tulad ng inaasahan ng lahat ay maraming dumalo sa launch ngayon. Magsimula ang programa at nagpakilala na ang host nito. Sinabi niya rin na may palaro munang gagawin na may papremyong freebies mula sa publisher ng libro.
"Kanino  sinabi ni Aria nag mga katagang ito, "gusto kong ayusin ang  lahat pero paano ko gagawin iyon kung siya mismo ang lumalayo?" tanong ng host sa mga contestant.
Nagunahan sa pagsagot ang limang contestant para sa tanong at hindi naman maipagkakailang nabasa nilang lahat ang buong kwento dahil nasagot nilang lahat ang mga katanungan nito.
Matapos ang mga palaro ay siya nmang cue mg pagtawag ng host kay Ciarinise. Pinakilala siya nito sa lahat at malugod nagpalapakan ang mga tao para  nanunuod roon. Nagbigay siya ng kaniyang maikling speech para sa sa kaniya libro. Bago niya ibigay ang kaniyang speech ay inikot muna niya ang kniyang mata para hanapin amg kaniyang pamilya at mga kaibigan. Nang makita na niya ang mga ito ay tila humila siya ng malalim na paghinga bago magsalita.
"Good afternoon sa inyong lahat. Some times we tend to laugh at things specially when we think of it like it is the dumbest idea we heard. There are times we curse to the world when it acts too shitty with us but you know what I realized when I was writing this book?  It is these things that make life what it is. It is these small little things are the beads that will make your bracelet strong and sometimes there is a person that you less imagine will be there for you along the way. This person will be the only one who will ease you up at everything." paglalahad niya ng kaniyang speech.
May open forum ring naganap bago ang book signing para sa libro. Lahat ng mga panauhin ay nagkaroon ng pagkakataong itanong lahat ng kanilang mga katanungan kay Ciarinise.
"So yung hero mo bang si Erio ay related sa isang tao sa buhay mo?"  tanong nung isang fan.
"Yes. Actually all of my characters are." Sagot niya.
"Is there something that happened to your life that began to being the turning point kung bakit naisulat mo yung story?" tanong pa nang isang fan mula sa audience.
"Turning point? Well yes, actually there is."
"Ano iyon?" tanong pang muli ng fan.
"When I met the man that changed me. When he waited then pursued me and when he proposed to me and made me the happiest woman in the world." saad niyang nakatingin sa gawi kung nasaan ang asawa niya.
Pumila ang lahat at nagsimula na ang book signing. Isa-isang nagbigay ng libro ang mga dumalo sa event.
"Anong pangalan mo?"  tanong niya sa babaeng nakaharap sa kaniya.
"Kat." maikling sabi ang babae.
"Kat.." napatigil niyang tanong na tila naghihintay ng kasunod na sasabihin nito.
"Ong.." naputol na saad ng babae.
Itinaas niya ang ulo niya para makita  ang mukha ng babae. "Oh my gosh, Kat , you came!" gulat niyang saad.
"Siyempre naman. I can miss anything, but not your book launch." saad niya. "Ang tagal kaya nating pinagplanuhan ito."
Natapos nang maayos ang book launch at nagpasalamat siya sa publisher at crew na nag ayos ng kaniyang event. Umalis siya kasama ng kaniyang pamilya at mga kaibigan para makakain ng hapunan sa isang sikat na restuarant na si Arion pa mismo ang nagbigay suhestiyon. Pasok sila sa magarang restuarant at sinamahan sila ng isa sa mga emplayado nito sa ipinareserbang mesa ni Arion.
"So anong plans mo for the proceeds of your book" tanong ni Kathryn.
"Siguro ilalagay ko na lang muna sa account ni baby ang kalahati tapos ang kalahati ay idodonate ko sa pagpapagawa ng bagong structure para sa isang home for the aged sa Pilipinas." sagot niya.
"Tapos kung may sosobra pa,saan mo naman balak ilagay ito?" tanong ng kuya niya.
"Ibibigay ko kay mom,kuya." sagot niya.
"Ikaw Caius, kung tatanungin kita saan mo ilalagay ang pera ni Ciarinise pag nakuha niyo na ito?" tanong ng isa pang babae.
"She is good in handling money kaya sa kaniya ko na pauubaya ang paghawak nito.. sagot naman ng asawa niya.
---
Magmula pa nang hapong iyon ay napansin nya na ang manaka-nakang paghilab ng kaniyang tiyan. Inorasan niya ang pagitan ng mga paghilab na iyon at doon nya napagtanto na ilang oras pa ay maaaring manganak na sya.
Naglakad lakad sya upang mas makatulong sa pagbaba at paglabas ng bata habang iniinda ang pananakit ng balakang at paghilab ng  kaniyang tiyan.
Nang maramdaman niya ang pag agos ng isang malagkit na likido mula aa kaniyamg pagkababae, ito na ang hudyat na pumutok na amg kaniyang panubigan. Agad niyang ginising ang kaniyang asawa.
Napatuloy ang mga paghilab ng kaniyang tiyan hanggang sa makarating sila sa ospital agad rin siyang dinala sa Emergency Room upang masuri ng kaniyang OBGyne at mga nurse.
"Sir, maaari niyo po bang ifill out ang mga forms na ito para maiadmit na natin si ma'am." saad ng nurse sa asawa niya.
Tiningnan ng nurse ang kaniyang vital signs at nilagyan na rin siya ng kaniyang dextrose. Tiningnan rin ang vital sign ng baby. Sinabi rin kay Caius lahat ng susunod na mangyayarisa asawa niya.
"We'll bring her to the Labor Room na po, then inform na lang po namin kayo if dadalhin na po sya sa Delivery Room. Paki settle na lang din po yung fee and i-aassist na lang po kayo nung mga nasa admission kung ano po ang mga available na rooms for mommy paglabas nya po ng Recovery Room. You may ask them questions as well po kung may mga itatanong po kayo."saad ng nurse.
Nang matapos ang lahat ay kinausap ni Caius ang nurse para magrequest ng isang private na kwartong malilipatan ng kaniyang asawa.





























Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now