Chapter 25: His Ex's Comeback and the day after the party

3 4 0
                                    

Woman's POV

I am finally back!  Ang tagal ko ring inasam ang makabalik dito. Matapos ko kasing maikasal sa dati kong asawang si Blister ay namalagi na ako sa Japan. Dito kasi siya nakabase at dito ko na rin ipinagpatuloy ang pag aaral ko. Sa ngayon isa na akong lisensyadong arkitekto. Kilala ang mga kumpaniya na kumukuha sa akin. Kaya ako bumalik dito sa Amerika ay dahil may isa akong proyekto.
"Architect Anderson, narito ka na pala." bati ng aking kilyente.
"Good Morning po ma'am." bati ko.
Ipinakita ko sa kaniya ang ang plano ko at nagkaroon kami ng isang diskusyon tungkol dito.  Nang matapos kami ay agad kong iniligpit ang gamit ko. Habang inililigpit ko ang gamit ko ay isang tawag ang natanggap ko.
"Sis, magkita tayo?"  saad ng boses babae sa kabilang linya ng cellphone.
"Sis? I'm sorry, may I know whose in the line?" tanong ko.
"Anica, Anica  Pearce." saad muli ng babae.
"Anica Pearce." saad ko habang pinoproseso ko ang pangalan niya sa utak ko.
---
Nagdrive ako pauwi sa bahay namin nang makita ko ang pamilyar na mukha, si Caius. May kasama siyang isang babaeng may mahabang buhok. Nakaakbay siya rito at tila may pinag uusapan sila. Ibinaba ko ang bintana ng aking kotse at siya ay tinawag ko siya.
"Caius!" pagpukaw ko sa atensyon niya.
"Laycel?" gulat niyang saad.
"Kamusta na?" tanong ko.
"Heto ayos lang ako. Si Ciarinise nga pala girlfriend ko Baby, si Laycel." saad niya.
Nginitian lang ako ng babae na halatang hindi niya gustong nakikipagusap si Caius sa ibang babae.
"Ah, baby I think we should go." saad niya.
"Sige aalis na kami." pagpapaalam ni Caius sa akin.
Matapos ang sandaling pagkikita naming iyon ay napaiisip ako kung tulad pa kaya si Caius ng dati.  Sino kaya ang babaeng iyon at pang ilan na kaya siya sa mga naging girlfriend ni Caius.
Caius
Matapos sabihin ni Ciarinise sa akin ang plano niya kagabi ay akong nag book ng ticket papunta sa Pilipinas para sa plano ko. Kinailangan ko munang isekreto ito sa kaniya dahil sigurado akong hindi siya magiging sang ayon dito.
--
Maaga akong ng nagising at nag handa para pumunta sa New York dahil kukunin ko na ang pinagawa kong engagement ring. Pagkatapos kong kunin ang singsing kong sinabihan ang lahat na icancel ang mga gagawin kong nakaschedule para sa araw na ito dahil pupunta ako ng Pilipinas ngayon para sa napaka importanteng anunsyo na gagawin ko sa pamilya ni Ciarinise. Bago ako umalis papunta sa Pilipinas ay sinabi ko muna sa aking pamilya ang plano kong pakasalan si Ciarinise at naging masaya naman sila sa paglahad ko ng aking plano. Matapos iyon ay agad akong nag empake at hinanda ko ang aking sarili para gagawin kong malaking habang.
Nang maglanding ang eroplano ay agad akong bumaba at sinalubong naman ako ng mga kaibigan niya.
"Oh how was your flight?" tanong ni Jude.
"Okay naman pero nakakapagod." sagot ko.
"Doon ka muna tutuloy sa condo ni Ciarinise." saad naman ni Kaycee.
"Oh ready ka na bang hingiin ang kamay ni Ciarinise sa pamilya niya?" tanong naman ni Kathryn.
"Handang handa na." saad ko.
--

September 25,2**

Ito na ang araw na matagal kong pinaghandaan. Maaga akong gumising dahil napag usapan namin nina Kathryn na breakfast ang oras ng punta namin sa bahay nina Ciarinise.
"Sigurado kayong hindi pa ngayon ang uwi niya." kinakabahan kong tanong.
"Sabi ni tita, in two days pa raw ang uwi ni Ciarinise kaya enough pa ang time mo para doon sa plan mo." saad ni Kathryn habang nagdadrive.
"Hindi lang pala si tita Jam ang nandoon ngayon. Nandoon rin si kuya Eris, ate Timmy, si tito Dax at ang pamilya niya." saad naman ni Jude.
--
Nang dumating kami doon ay agad kaming binati ng lahat at inayang kumain ng agahan. Kinuha ko ang atensyon ng lahat at unti-unti kong sinabiang gusto kong sabihin.
"Ilang beses ko ho itong pinag isipan, kung alam niyo lang po urong sulong rin ako pero gusto ko lang malaman niyo na mahal na mahal ko po si Ciarinise at alam ng Diyos kung gaano ka laki ang pagmamahal ko sa anak,kapatid,pamangkin at pinsan niyo. Gusto ko ho sanang hingiin ang kamay ni Ciarinise para sa kasal." saad ko habang unti unti kong inilalabas ang singsing
"Finally, we had been waiting for this moment. Akala namin matatagalan pa." saad ni tita Jam.
"She had come a long way and she deserves to be happy." saad naman ng ate Timmy ni Ciarinise.
"I agree. I never saw her happiness with you noong sila pa ni Thad." saad namin ng kanilang pinsang si Cassidy.
Nang matapos ang agahan ay pinili ko munang mapag isa para pa hupain ang kaba na nararamdaman ko mula kanina. Narito akosa balkonahe ng bahay nila habang umiinom ng aking kape.
"Isinapuso mo ang sinabi mo sa akin nung huling pag uusap natin." saad ng kuyq ni Ciarinise.
"Gusto rin mapatunayan sa sarili ko na kaya kong maibalik ang dating ako." saad ko.
"Masaya akong napapasaya mo ang kapatid ko but I'm still keeping my eye on you." saad niya pang muli na may kasama pang pagtapik sa balikat ko.
Ike
Narito kami sa bahay ni Ciarinise ngayon dahil dito na kami nagpalipas ng gabi. May party rito kagabi at inimbitahan kami ni Ciarinise. Maraming bisita sa party, iba't ibang klase ng tao na may iba't ibang klase ng trabaho. Lahat sila ay pawang may matataas na estado.
Alas diyes na ng umaga ng ako ay nagising masakit ang ulo ko kaya minabuti kong bumaba sa kusina at kumuha ng kape. Naabutan ko sina Ciarinise at Caius rito sa kusina.
"Pinakikinggan mo na naman yan? 'Di ka ba nagsasawa?" nagpapacute na sabi ni Caius kay Cia.
"Bakit gusto mo bang magsawa ako sa iyo? Ikaw kaya ang reason why this song became my favorite." natatawang saad ni Cia kay Caius.
"Mahal mo talaga ako no?" muling tanomg ni Caius.
"Pasalamat ka mahal kita." sagot naman ni Ciarinise.
"Oh Jaeron, kanina ka pa ba jan?" tanong niya sa akin ng mapansin niya ako.
"Di naman, kababa ko lang rin." sagot ko.
"Pasensya ka na sa ka cheesyhang nakita mo kanina. Ito kasing kaibigan mo e." saad niya.
"Hindi, okay lang ang sarap niyo nga panoorin kasi para kayong mga teenager na nasa ilalim ng puno habang naglalambingan sa isa't isa." saad ko.
Pinanuod ko lamang ang ginagawa nila habang sila ay nananunuod.

Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now